Heart
Heto ako ngayon, nakahiga sa kama ko dito sa delivery room. Marami pa rin ang nakalagay sa akin na pang-monitor nila sa akin. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang manganak ako pero, nandito pa rin ako sa delivery room para daw ma-monitor nila kung ok na ako at nang mailipat sa ward kung nasaan ang kwarto ko. Marami na rin pasyente sa delivery room. Meron nang mga nasa stretcher at puno na ang kwartong ito. May babaeng manganganak na ang itinabi sa akin dahil tatlo lang naman ang cubicle ng delivery room na ito. Sadyang hindi lang ako tinatanggal sa ngayon para ilipat. Hay, kailan kaya ako makakakain at makakainom man lang? pero mas nasasabik ako na makita ang baby ko. Maliit lang daw ito. Marami ding tubo na nakalagay sa kanya. Ano kaya ang itsura niya? kamukha ko ba? o kamukha ng daddy niya? ano ang mararamdaman ko sa una naming pagkikita? simula nanganak ako, hindi ko man lang siya nasulyapan man lang. Lahat ng impormasyong alam ko, sinabi lang ng mga doktor ko kaya mas nasasabik ako makita siya.
Dumating ang nurse na nag-check ng mga monitor ko at vital signs.
"I-check lang kita ha?" sabi niya nang nakangiti. "Ok ka naman sa ngayon. Pwede ka na pakainin o painumin ng kaunti. Papupuntahin ko ang guardian o mister mo para mapakain ka" at ngumiti ulit siya.
"Ahhmmm nu-nurse? pwede ko ba maitanong ku-kung kamusta na ang baby ko?" tanong kong hinang-hina pa rin.
Ngumiti siya at tsaka ako sinagot "si baby Glianne? so far, ok naman siya. She's a fighter like you. Mana sayo ang baby mo, She is brave enough to fight for her life" at ngumiti ulit siya.
"Gusto ko si-siya ma-makita" sabi ko na naluluha at nasasabik sa anak ko.
"Don't worry mommy, you'll see her when you have enough strenght. Kaya magpagaling ka agad para sa baby mo. Tatawagin ko na muna ang bantay mo ha?" ngumiti ulit siya at umalis.
Puro naman ngiti yung nurse na yun. Nakaka-good vibes pero, nag-aalala talaga ako sa anak ko. Ganito ba talaga ang maging ina? lalo na at hindi ko makita ang anak ko.
Maya-maya, pumasok ang lola ko na naka-gown ng ospital at may bitbit na baso, kutsara at bottle water. Ano naman kaya laman nun? baka dun nakalagay ang pagkain since given na pakakainin na daw ako.
"Kamusta ka na anak? wala ba masakit sa iyo?" tanong niyang may bakas ng pag-aalala at gulat sa mga mata niya. Marahil, nagulat siya sa mga nakalagay sa akin. "Ang daming nakalagay sa iyo" at tinignan niya isa-isa ang mga ito. "Kumain ka na nang makabawi ka ng lakas. Eto ang lugaw na rasyon mo. Eto pa lang daw kasi ang pwede mo kainin sa ngayon" at pilit siyang ngumiti. Hindi na lamang muna ako nagsalita at ngumiti na rin para kahit papaano, mabawasan man lang ang nararamdaman niya.
Sinubuan niya ako ng lugaw na dala niya, at kinain ko naman agad. Kumakain ako habang nag-uusap kami. Ngunit, tulad ng dati, hindi pa rin ako makagalaw ng matino. Iisang pwesto lamang. Kung tatagilid ako, kailangan ko sabihan ang nurse o midwife o doktor na pupunta sa akin para itagilid ako kahit paano.
"Ma, nakita mo na ang... ang baby ko?" tanong ko sa lola ko.
"Oo. Kamukha ni Brylle. Masyado maliit ang baby mo pero malakas siya" sabi niya sa akin.
"Gu-gusto ko na tumayo di-dito. Gusto ko na siya ma-makita" pilit ko pinipigil ang nagbabadyang mamuong luha sa aking mga mata.
"Magpagaling ka na agad para mapuntahan mo siya" sabay ngiti niya sa akin. "Gusto mo ba makausap si Brylle? siya na muna ang magpakain sa iyo" tumango ako at nagpaalam na siya sa akin para lumabas at tawagin si Brylle.
BINABASA MO ANG
I'm Brave & I know It! (On-Going)
Документальная прозаIkaw ba ay madaming iniisip? pino-problema? dinadaing? naiinis ka na ba sa mga tanong mong bakit ganito, bakit ganyan? palagay mo ba, pinagtakluban ka ng langit at lupa? yung gusto mo na biglang mawala ng parang bula? Lahat naman ata tayo may proble...