CHAPTER 12

95 2 0
                                    

Heart

Tumawag kagabi si Brylle. Nasa waiting area daw siya para in case na kailangsnin siya. At nag-usap ulit kami about sa mangyayari bukas.

"Hello, mhie. Kamusta ka na diyan? kamusta si baby? kumain ka na ba?" halatang nag-aalala siya.

"Nasaan ka? kanina pa ako kumain kasi, from 8pm hanggang bukas na ooperahan ako, bawal na ako kumain" sabi ko sa tono ng malungkot na boses. Habang nakahiga, nakaharap sa kaliwa ko at hawak ng kanang kamay ko ang tiyan ko.

Natatakot na ako Lord, ikaw na po bahala sa amin ng baby ko. Diba anak? lalaban ka huh? sabay tayo. Kinakausap ko si Brylle sa cellphone pero lutang ang isip ko. Hati sa maraming bagay ang aking isip.

"Bukas na ba ilalabas si baby?"

"Oo, pinirmahan ko na ang papel. Sabi mo hindi naman tayo maghihiwalay ano man ang mangyari diba?" tanong ko na malungkot parin ang boses.

"Oo naman. Hindi tayo maghihiwalay. Ikakasal pa tayo diba?"

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang, mahal na mahal ko ang anak ko" at napabuntong hininga ako.

"Ayaw mo na ba ikasal tayo?"

"Hindi sa ayaw. Hindi natin alam ang mangyayari bukas. Pero, buo ang loob ko sa bilin ko sayo" diretso ako magsalita. Sasabihin ko ang gusto kong sabihin.

"Pero, ipangako mo sa akin na babalik kayo mag-ina. Hi-hindi ko ka-kaya na ma-mawala kayo sa akin Heart" narinig ko ang pagsinghap niya. Mukhang umiiyak siya?

"Hindi ako nangangako diba? pero ang aalm ko, ilalaban ko. Pipilitin ko" paninigurado ko sa kanya.

"Pu-pupuntahan kita diyan bu-bukas at magbabantay ako sa inyo sa la-labas ng delivery room" nauutal at sumisinghap pa rin siya na wari'y umiiyak nga.

"Sige na dhie, tulog na tayo. Hintayin ka namin bukas ni baby ha? Iloveyou"

"Aakyat agad ako diyan bukas. Nandito lang naman ako sa waiting area eh. Kakausapin ko pa si baby. Iloveyoumore. Both of you" tumigil na siya sa pagsinghap at ibinaba na namin ang tawag at natulog na.

Kinabukasan, nagising ako sa pagdating ng doctor ko para icheck ulit kaming mag-ina.

"Kamusta Heart? Ok ang vital signs ninyo ah. Uminom o kumain ka ba? bawal diba kagabi pa" yung isa kong Ob na babae ang nag-check sa akin. Tatlo kasi ang Ob na may hawak sa akin.

"Hindi po ako kumain doc. Nagugutom na nga kami ni baby. Gustong-gusto na po namin kumain" sabi ko na hinawakan ulit ang tiyan kong naninigas.

"Mamaya, dadalhin ka na sa delivery room. Nasaan ang daddy niyan? tsaka si lola mo?"

"Baka po nasa labas sila. Ninenerbyos din kasi sila" nginitian ko ang doctor ko. At napangiti din siya.

"Grabe, yung mga hindi talaga manganganak ang ninerbyos?" napatawa na siya.

"Opo eh" at tumawa na ako.

"Kausapin mo na sila mamaya. Kasi pag kuha nila sayo dito, hindi ka na ibabalik pagkapanganak mo na" ngumiti siya sa akin at sinulyapan ulit ang dextrose ko at oxygen.

"Opo" at umalis na siya.

Makalipas ang ilang minuto, dumating si Brylle at ang lola ko. Agad sila umupo sa magkabilang gilid ng kama ko. Halatang ninenerbyos silang parehas. Natawa ako bigla.

"Anyare sa inyo? mas kabado pa kayo sa akin ha!" at tumawa ako. Pero, natatakot din ako dahil malapit na ang oras na kukunin ako mula dito sa ward papuntang delivery room.

I'm Brave & I know It!  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon