CHAPTER 5

127 3 0
                                    


Heart

Makalipas ang ilang linggo, nakilala ko ang paranormal mentor ko, ex siya ng tita kong bunso nung bata pa sila.

Habang pauwi kami ni Brylle at Mitch, tumawag naman tong tita ko, mukhang nakainom pa.

"Nasaan kayo?" tanong niya.

"Pauwi bakit?"

"punta kayo dito sa tambayan namin, sabay na tayo uwi" utos ba ito o ano? grabe siya.

"Sige, saan ba yan?" at binigyan niya ako ng instructions kung paano namin sila pupuntahan kung sino man kasama niya.

Magkasama na nga pala kami ni Brylle sa bahay, hindi na siya napigilan pa. Wala na din ako nagawa, basta pumayag na lang ako.

Tinawagan ko ang bunso kong tita "te, nandito na kami saan kayo?" tanong ko..

Ate, kuya, mama at papa ang tawag ko sa mga tito at tita ko kasi, kasama ko sila nung lumalaki ako dahil nga palaki ako ng lola ko. Mama naman tawag ko sa lola ko.

Sinundo nila kami. Tama ako nakainom nga sila.

"Lasing ka?" tanong ko sa tita ko.

"Hindi no! si Athan nga pala. Tan eto yung pamangkin kong may sakit sa puso si Heart" sabay akbay sa akin "eto naman, boyfriend niya" sabay akbay kay Brylle "eto kapatid ni Heart, si Mitch. Sumunod sa kanya" akbay kay Mitch.

Nakipag-kamay naman kami kay kuya Athan. Nagtataka ako bakit titig na titig siya sa akin, pakiramdam ko may dumi ako sa mukha. Meron nga ba?

Bigla ako tinawag ni kuya Athan "Heart, halika dito" luh? bakit kaya? nananahimik ang tao eh. Tapos lumapit naman ako.

"Bakit kuya?"

"Pahiram nga ng papel at ballpen mo diyan be" utos niya sa tindera kasi, may tindahan dun. Agad naman nag-abot yung babae.

"Mag-drawing ka dito ng bahay,tubig,o kahit anong gusto mong tanawin" utos niya sa akin sabay bigay ng papel at ballpen. Galing mag-utos ah!pinag-drawing pa ako. Nag-drawing naman ako.

"Oh kuya tapos na po" sabay abot ko sakanya ng iginuhit ko.

"Napaka-simple mong tao. Tahimik na buhay lang ang gusto mo" Madami pa siya sinabi, paano niya kaya nalaman lahat yun?

"Paano mo nalaman yun?" tanong ko.

"Simple, nababasa kita. Kahit nga hindi kita pinag-drawing nakita ko na" Ang weird naman ng taong 'to.

"May mga kakaiba bang nangyayari sa'yo?" tanong niya. Paano niya kaya nasasabi? naiintriga na ako ah.

"Meron. Minsan na ako nasaniban, nag-dilang anghel, nakakaramdam at kung ano-ano" sagot ko naman na nagtataka.

"Hindi ako magtataka kasi open gate ka" huh? ano daw? anong gate? mukha ba akong gate? siraulo 'to ah! tinignan ko siya nang may pagtataka.

"Ikaw, mamaya kakausapin kita" turo niya kay Brylle.

"Sige lang. Alam ko na mga sasabihin mo sa akin kuya" sagot niya kay kuya Athan at tinignan ko siya na nagtataka Baliw na ata 'tong dalawang 'to? sila nalang nag-kaintindihan.

I'm Brave & I know It!  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon