Heart
May pasok na naman bukas. Kailangan na naman gumising ng maaga.
Andami ko nakita sa daan kanina habang naggagala kami ng sis kong si Mitch. Buti pa sila, mga walang sakit at malalakas ang katawan. Ako eto, limitado ang bawat galaw. Pero kahit ganun, ginagawa ko ang gusto ko para sa huli, wala akong pagsisihan. YOLO(YouOnlyLiveOnce) ika nga nila diba? tama naman sila. Atleast, pag nagawa ko mga gusto ko, di ako manghihinayang o magsisisi sa huli at masasabi kong "nagawa ko naman na lahat" yan ang pinanghahawakan ko kaya eto, Go lang ng Go! Fight! Kaya natin 'to Heart!
Ako'y inaantok na. Sana'y magandang bukas naman ang bumungad sa akin sa aking paggising. At ako'y napapikit na nang hindi ko namamalayan.
Nagising ako sa isang makulit na tumatawag. Anong oras na ba at ang aga naman nitong mambulahaw? kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ng nakapikit ang tumatawag.
"Hello? sino 'to?" sagot ko na minamalat pa ang boses
"Gumising ka na magandang binibini. Ikaw ay may pasok pa." sagot ng lalaking nasa kabilang linya.
Ang kausap ko sa kabilang linya ay ang aking nobyo na si Brylle. Oo, meron akong nobyo. Hindi lang halata.
"aga aga pa eh! tanghali pa pasok ko. Anong oras na ba?" sagot ko na nakapikit at antok na antok pa rin.
"Alas diyes na po prinsesa. Nandito ako sa labas ng kwarto mo kanina pa po." sagot niya na tumatawa.
"Huwag mo nga ako pinagloloko Brylle." sabay tingin sa oras ng phone ko. At tama siya, alas diyes na ng umaga! "Oh my gee!! anong petsa na! nasa labas ka ba talaga?" tanong ko habang gulat pa.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng aking kwarto.
"Sino yan? tuloy ka" sagot ko dahil hindi naman ako nagla-lock ng kwarto ko.
At iniluwa ng pintuan ang lalaking matangkad, kayumanggi ang kulay at mukhang gangster na lalaki. Ang aking nobyo na si Brylle.
"Sabi naman sa'yo nasa labas ako ng kwarto mo eh. Hilik ka ng hilik diyan. Kung di kita ginising, di ka talaga gigising." pang-aasar niya sa'kin habang tumatawa.
"Eto na oh! gising na nga diba?" pagkairita ko.
Oo, welcome siya dito sa amin. Isang taon mahigit na din kaming mag-kasintahan. High School palang, graduating ako nun nang maging kami.
"Ihahatid mo ba ako? Wala ka bang pasok?" tanong ko sa kanya habang palapit siya sa akin.
"Oo, ihahatid kita ayaw mo ba? at ayoko pumasok tinatamad ako mas gusto kong makita ka" sagot niya nang nakangiti at nakaupo na sa tabi ko sa kama.
"Siraulo ka! pumasok ka nga! Sapakin kaya kita?!" naiinis kong sabi at nakakunot na ang noo ko habang nakatitig sa kanya.
"Sorry miss, please try again next time! kanina pa klase ko at ayoko ko nga pumasok. Patapos na nga klase ko papasok pa ako?" sagot pa niyang naka-ngisi.
Napaka-tamad talaga ng taong 'to mag-aral. Nakakainis! buset! makaligo na nga lang.
Paglabas ko ng banyo, nakahiga siya sa kama ko at naglalaro ng mobile legend.
BINABASA MO ANG
I'm Brave & I know It! (On-Going)
Non-FictionIkaw ba ay madaming iniisip? pino-problema? dinadaing? naiinis ka na ba sa mga tanong mong bakit ganito, bakit ganyan? palagay mo ba, pinagtakluban ka ng langit at lupa? yung gusto mo na biglang mawala ng parang bula? Lahat naman ata tayo may proble...