CHAPTER 8

129 3 0
                                    

Heart

Ilang buwan rin ang nakalipas. Madami ang nangyari. Tulad nga ng sinabi ng mga doctor ko, weekly ako kailangan bumalik sa magkaibang ospital ng magkasunod na araw. Paano nga ba ieexplain? ganito... itong week na ito kailangan ko ng check-up, monday sa OB at tuesday sa Cardio. Ganun ang schedule every week. Ang hirap diba? pero, tiwala ako sa sarili ko at kay God na kakayanin at gagawin ko ang lahat para sa magiging anak ko.

Heto ako ngayon, nakaupo sa sofa nanonood ng tv. Walang pasok si Brylle ngayon sa trabaho kaya heto siya kasama ko. Hawak ko ang tiyan ko at hinihimas-himas kasi gumagalaw na ang bata sa sinapupunan ko nang maisip ko bigyan na namin ng pangalan ang anghel na ito. Nagbago na rin kami ng endearment namin tutal, mommy at daddy na kami.

"Dhie, ano kaya ipapangalan natin sa baby natin?" tanong ko kay Brylle na nakatingin sa kanyang pinanunuod at kumakain ng piattos habang hinihimas ang tyan ko.

"Ikaw mhie, ano ba ang maganda? pag lalaki siya, ayaw ko maging junior ko" sabi niyang kumakain parin na tutok sa pinanunood sa tv.

"Hmm siguro, Glianne na lang pag babae tutal ang due date ko ay birthday ni ate Ann kaya magka-birthday sila kung sakali. Bahala ka pag lalaki ang name" sagot ko at dumukot ng piattos na kinakain niya.

"Glianne?" humarap siya sa akin at tumingin sa tiyan ko at kinausap ito "gusto mo ba yun baby? Glianne ang name mo?" tanong niya sa tiyan ko na akala mo'y sasagot ang kinakausap niya. Natatawa ako sa ginagawa niya ngunit naaantig ang aking puso sa tinuturan niya.

Dahil tinanong niya ang tiyan ko, mas lalong lumikot ito at sunod-sunod ang pag-galaw na ikinagulat ko ngunit ikinatuwa ko.

"Gumagalaw siya dhie, hawakan mo" sabay kuha ng kamay niya at inilagay sa tiyan kong galaw ng galaw.

"Oo nga!" malaki ang kanyang ngiti na abot hanggang tenga na "Eh, kung Princess Glianne na lang baby?" nang biglang huminto ang paglilikot ng nasa tiyan ko.

Natawa ako sa inugali ng baby ko, "mukhang ayaw niya dhie. Kasi naninigas oh" sabay pinahawak ang parteng nakaumbok na naninigas.

"Oo nga!" sabi ni Brylle na nagulat din. " ayaw mo ng princess? princess ka namin eh. Sige, Glianne nalang" at agad itong naglilikot ulit sanhi ng pagtawa ko ng malakas.

"Mukhang yun talaga ang gusto niya dhie" sabi ko na tawa ng tawa.

"Precious Glianne" muli niyang sabi at muling paninigas ng tiyan ko.

"Dhie, ayaw niya! ansakit na ng paninigas niya. Bawal daw yun sa kanya" sabi ko na hinahaplos ulit ang nakaumbok na parte ng tiyan ko.

"Mukha ngang ganun. Mukhang nagmana sayo kung ano ang gusto, yun ang masusunod. Sige, baby. Glianne na ang pangalan mo dahil iyon ang gusto mo" at muli siyang kumilos at napakalikot. At natuwa ulit ako.

"I told you dhie. So paano? Glianne na pag babae siya ha?" sabi ko sa kanya na malaki ang ngiti. Siya naman, umarte na nagseselos. Nakakatawang tignan. Akala mo ay batang inagawan ng lollipop.

"Oo na. Panalo ka na. Kayo talagang mag-ina kayo. Gustong-gusto niyo ako inaasar" at humalakhak na ako dahil nakasimangot na siya at ang haba na ng nguso niya. Parang batang nagta-tantrums na nakatingin na sa tv.

Tinignan ko ang tiyan ko na malikot pa rin, "ayan baby, Glianne na ang name mo pag babae ka. Natalo na natin si daddy" sabay tawa.

Dumalaw kami sa pamilya ni Brylle sa side ng papa niya. Madalas kami mapadalaw tutal, isang tricycle lang ang sasakyan at nandoon na kami. Naalala ko pa nung naglilihi ako matapos malaman ng lahat na buntis ako.

I'm Brave & I know It!  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon