Chapter Twenty Three
Nash' POV
Nasa isang Buffet Restaurant kami malapit sa school namin. Buong section namin pati ang faculty members. Dahil daw sa succesful play namin, ililbre daw kami ng buong faculty ng isang Dinner Buffet. Natawagan na rin ang mga parents namin na kakain kami dito para hindi sila mag-alala. Pero hindi na yan ang kinakabahala ko. Si Shar kasi, nakaupo doon malayong malayo saakin. Iniiwasan ata ako.
Paano ba naman kasi ninakaw ko yung first kiss niya. Hindi ko rin alam kung bakit ko yun ginawa. Hindi ko mapigilan sarili ko nun. Ang ganda niya kasi ehh. Yung lips niya nun. Sobrang kissable at maganda rin yung nakapikit siya nun. Kaso eto namang charm niya, umapekto saakin. Ayan tuloy, di ko napigilan sarili ko.
*Facepalm
"Tanga mo Nash. Nagmukha ka na tuloy na manyak." bulong ko sa sarili ko.
Syempre sobra na galit nun saakin. Kumain na lang ako pero pasulyap sulyap ako kung saan siya naruruon. Nahuli niya ata ako kaya parang nailang siya sa pagkain ng dinner niya. Kakaiba toh ah. Hindi ba dapat matakaw kumain si Shar kasi Buffet? Tapos libre pa! Ehh parang di niya pa nga ata nakakalahati yung kinakain niya.
Mukhang kasalan ko talaga kung ba't nagkakaganito si Shar. Makapagsorry na nga! Sinenyasan ko si Joaquin na akong uupo sa upuan niya dahil katabi niya si Shar. Agad naman siyang tumayo at ngumiti ng nakakaloko. Nang magpalit kami, bumulong siya:
"Yan kasi pare ehh. Nakaw pa more!" sabi ni Joaquin sabay ngiti ng nakakaloko.
"Shh! Di ko naman kasi kasalanan ehh!" depensya ko.
"Tsk. Halatang kasalanan mo par." at tumawa pa siya.
*Pok
"A-Aray! Para san yun?!" sabay himas niya sa binatukan ko.
"Ang ingay mo kasi! Dun ka na nga! Shoo!" sabi ko. Umalis na siya habang tumatawa. Tsk.
Umupo na ako sa upuan ni Joaquin at tumabi kay Shar. Agad naman siyang nakaramdam. Tatayo na sana si Shar kaso pinigilan ko siya at pinaupo muli. Hindi niya man lang ako tinignan.
"B-Bro, bat ang bagal mo kumakain? Parang bago ata yun ah! Yung food monster, hindi kumakain sa BUFFET? Hahaha" joke ko. Hindi parin siya nagsasalita. Mahinhin parin siyang kumakain at unti lang ang sinusubo niya sa bunganga niya.
"Uy Bro?" sabi ko.
"Bro??" sabi ko ulet.
"Sorry na Bro..." Napansin kong biglang bumilis yung pag kain niya sa Dinner niya kaya agad siyang natapos at uminom ng tubig.
"B-Bro pwede naman nating pag usa-" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil biglang tumayo si Shar at nagsalita.
"Sir Badge, alis na po ako. Thank you po teachers sa pagkain. Tinetext na po kasi ako ng nanay ko ehh." sabi niya na hindi man lang tumingin saakin.
"Sigurado ka ba hija? Ihatid ka na lang ni Nash--"
"Hindi na po Sir. Kaya ko na po sarili ko. Malapit lang naman po ang bahay namin. Agad rin naman po ako makakakuha ng Jeep diyan sa labas." pagpuputol niya sa sasabihin ni Sir.
"Sige sige. Mag-iingat ka ha? Tsaka congrats pala sa pagiging Snow White!"
"Thank you Sir. Una na po ako." sabi ni Shar at nilagpasan na ako.
Hinabol ko naman siya at nagpaalam ako kina Sir na ihahatid ko lang siya sa sakayan ng jeep para siguradong safe si Shar.
"Anong ginagawa mo? Bumalik ka dun." sabi ni Shar nang maramdaman niya presensya ko. Hindi parin siya tumitingin saakin.
"Ihahatid lang kita sa sakayan ng Jeep." sabi ko.
"Huwag na! Kaya ko sarili ko ano ka ba! Ako pa!" sabi niya at pumeke ng tawa.
"Babae ka parin Shar."
"Hindi ako Babae noh. Tomboy kaya ako." pangjojoke niya.
"Tumingin ka nga saakin." sabi ko at hinarap siya at nagsalubong ang mga tingin namin.
"N-Nash..."
"Sabihin mo lang kung galit saakin Bro. Okay lang yun pero huwag mo naman ako iwasan."
"H-Hindi ako galit B-Bro." nauutal niyang sabi.
"Sus. Deny ka pa. Eh iniiwasan mo nga ako ehh."
"May iba akong rason."
"Eh ano yun?"
"Natatakot ako Bro kaya kita iniiwasan."
"Ha?! Bakit?!" sabi ko.
"Natatakot akong baka . . . tuluyan na akong mahulog sayo." Hindi ko narinig yung sinabi niya. Masyadong mahina para marinig ko. Mas mahina sa bulong.
"Ano? Di ko narinig. Bakit ka ba bumubulong?"
"W-Wala!" sabi niya sabay takbo at pumara agad ng jeep.
"Bye Bro!" sabi niya nang makasakay na siya.
"Huy Bro! Bakit ka natatakot saakin?!" kaso nakalayo na yung jeep. Grabe naman toh oh! Naiwan akong tulala doon. Kaya napag-isipan kong bumalik na lang sa Buffet Restaurant kasi baka nag aalala na sina Sir Badj. Nang makarating na ako dun, agad akong pinuntahan ng Gimme 5.
"Oh bat ang lalim ng iniisip?" sabi ni Brace.
"Par. Anyare?" tanong ni Grae.
"Bat ganyan mukha mo? Parang kang nabitin." sabi ni John.
"Anyare sainyo ni Shar?" sabi ni Joaquin.
Hindi ko sila masagot lahat. Hindi ko nga mainitindihan sinasabi nila ehh. Takot si Shar saakin, pero bakit? Dahil ba sa pag nakaw ko ng halik sa kanya? Manyak na kaya ang tingin niya saakin kaya niya ako tinakbuhan at kinakatakutan? Hindi ko na alam gagawin ko.
Paano kung tuluyan ng lumayo si Shar? Paano na yung friendship namin? Mawawasak kaya? Huwag naman sana. Ako tuloy yung natatakot ngayon. Tsk, ang bakla ko naman para matakot! Naguguluhan tuloy ako. Nag open up ako sa Gimme 5. Kailangan ko ng kausap at sila lang ang expert sa mga ganitong bagay.
"Mga Par, tulungan niyo ko." sabi ko.
"Tulungan saan?" sabay sabay nilang sabi.
"Pero may ikekwento muna ako ..."
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Yow Guys! Musta? Bakasyon niyo na ba? Miss ko na kayo! Happy 29K+ reads saatin! Sana maging 30K+ reads tayo. Since Summer na, hopefully magiging active na active ako. Sorry guys ngayon ko lang na post toh. Sinulat ko toh nung March 7. The day na nakita ko ang Cast ng Take My Hand! Kaso wala si Shar at Mika pero masaya parin. Anyways, comment kayo Guys! Gusto ko mabasa yung mga thoughts at opinions niyo sa story. Pretty please? Love ya Guys!
P.S New cover! Tignan niyo sa Multimedia o mismong sa book cover mismo.
BINABASA MO ANG
Take My Hand (Nashlene ft. Gimme 5) (ON HOLD)
RandomMeet Sharlene San Pedro. One of St. Giles cheerful new student. She meets the members of the popular boy group Gimme 5. As she transfers to her new school, she wouldn't expect to meet Nash, the leader of Gimme 5 in an accident. First,They'd come of...