Chapter Twenty Four
Nash' POV
Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala. Bumalik si Hersheys Diane Eduarte, ang ex girlfriend ko. Aaminin ko, mahal ko parin siya. Kasi ramdam na ramdam ko pa rin yung sakit nung iniwan niya ako. Hindi naman ako masasaktan kung hindi ko siya mahal diba?
Kahit pagod na ako. Kahit umaasa parin ako. Bakit mahal ko parin siya? Ang sakit na nga ehh, nagpapakatanga parin ako. Akala ko naka move on na ako. Hindi ko na kasi siya gaanong iniisip. Nadelete ko na mga pictures namin. Tinapon ko na yung mga letters na binibigay niya saakin. Kaso dumating siya, bakit apektado parin ako?
*Flashback
Birthday ko ngayon. Sobrang saya ko ngayong araw! Tinawagan ako ni Dianne. May importante daw siyang sasabihin. Agad naman akong naexcite at nagpaalam na may date ako kahit hindi ko alam kung anong gagawin namin ni Dianne ngayon sa birthday ko.
Nakita ko si Dianne na naghihintay sa luob ng Starbucks. Mukhang malalim ang iniisip. Sinurprise ko siya at gulat na gulat siyang tumingin saakin.
"Nash! Ginulat mo ko!" sabi niya at hinawakan niya yung dibdib niya para kunwareng na heart attack siya ginawa ko sabay tawa.
"Sorry. Anong gagawin natin?" tanong ko.
"Hmm Date?" sabi niya sabay ngiti saakin. Ang ganda niya talaga.
Umupo nalang ako sa table namin at umorder kaming dalawa. Ininsist ko magbayad pero hindi siya nagpatalo saakin kaya sa huli, siya nagbayad.
"Dianne naman ehh, sabi ko ako magbabayad ehh!" sabi ko. Nagpacute pa ako hahahaha shocks ang bakla!
Pinisil niya cheecks ko. "Ang kyut kyut mo talaga Nash!" sabi niya na parang nag chachange topic. Seeing her makes me happy.
Nagkwentuhan kami sa Starbucks habang inuubos yung mga inorder namin. Ang saya! Kasama ko yung babaeng mahal ko sa birthday ko. Wala na akong hihingiin pa! Nagulat nalang ako nung naglabas siya ng gift galing sa ibabaw ng mesa. Hindi ito kalakihan pero nung tinitignan ko ito, nasiyahan ako.
"Surprise!" sabi niya habang nakangiti.
"Ano toh? Para saakin?" sabi ko.
"Uhuh. Gift ko yan para sayo." tuwang tuwa na sabi niya.
Bubuksan ko na sana nung pinigilan niya ako.
"Huh? Bakit?" tanong ko.
"Huwag mo muna buksan ngayon Nash. Sa bahay niyo nalang please? Para thrill."
"O sige na nga. So san na tayo pupunta?"
"Sa Mall! Our favorite place ofcourse!"
Dumiretso na kami sa mall. Nag shopping ng mga bagay bagay. Eto si Hersheys Dianne Eduarte. Ang girlfriend kong mahilig mag shopping. Naging favorite place ko na rin toh dahil dito niya ako sinagot.Dito kami lagi nagsasama pag monthsary namin o kaya every weekends. She takes away my time so much pero okay lang saakin yun. Basta kasama ko siya.
"Hindi ka ba napapagod Dianne?"
"Hindi ehh. Ikaw ba?"
"Hindi naman. Kaso ang lakas ng energy mo pagdating sa pagshoshopping ha!" pangangasar ko sakanya.
Nagpout siya. Naku po ang cute cute niya. Pinisil ko cheecks niya.
"Nash! Stop it you're stoping me from lea--" hindi niya tinuloy yung sasabihin niya sana.
"Ano yun?"
"Nothing HAHAHAH! Tara dun!" hinila niya ako sa may photo booth.
"Ano ba kasi yun?" takang sabi ko.
"W-Wala yun HAHAHA sabi ko I love you!"
"I love you too."
Pumasok na kami sa photo booth. Nakailang shots kami kaso puro formal. Isang wacky lang. Ayaw niya kasi mag wacky ehh HAHAHAHA.
Isa lang kinuha niyang picture. The rest, kinuha ko. Since marami daw kaming selfie sa phone niya kaya ako na lang daw magtatago. Pagkatapos ng bonding day namin, napagdesisyonan naming umuwi na. Ayoko pa umuwi kaso sabi niya magspend daw ako ng time kasama yung family ko since birthday ko daw. Napangiti ako sa sinabi niya. Ang thoughtful talaga ng girlfriend ko. Hinatid ko siya sa bahay nila.
"Bye Nash!" sabi niya sabay yakap saakin.
"Mamimiss kita. . ." tuloy niya dun sa sinabi niya.
"Tsk. Magkikita pa naman tayo bukas ehh." sabi ko.
"Kahit na HAHAHAH."
Iniwan ko na siya at umuwi na. Andun yung Gimme 5, mga relatives ko, iba pang kaibigan at Family ko. Nagpaparty sila. Pagkapasok ko kinantahan nila ako ng 'Happy Birthday' at mas lalong nagpaganda yun sa araw ko. Sabi ko sakanila, magbibihis lang ako.
Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis. Maya maya, naalala ko yung gift ni Dianne saakin. Agad ko itong kinuha at binuksan. Isang sulat . . . Kaya pala ang gaan. Binuksan ko ito at nakita ko yung bracelet na binigay ko sakanya nung liniligawan ko pa siya. Nagtaka ako kaya binasa ko yung sulat na binigay niya.
Dearest Nash, Ito na pala yung sasabihin ko sayo. Nash, salamat sa lahat. Sa almost one year relationship natin. Sa mga memories. Sa lahat lahat! Sorry ha? Kasi I've decided that I'm breaking up with you. Hindi mo rin ako makikita sa school since magtatransfer na rin ako. I'm leaving this place already. Sorry for saying it now. Ayokong mag Long Distance Relationship kasi alam kong hindi mo kaya. Alam kong sobra yung pagmamahal mo saakin. Wala na rin kasi akong nararamdaman sayo kaya ito ang best way to end it all. Ibabalik ko na rin tong bracelet. I don't want to remember you on my way to my new life. Sorry and Happy Birthday.
Lumabas ako ng kwarto ko. Inenjoy yung birthday party ko kahit sa loob loob ko, nasasaktan ako. Pagkatapos ng birthday party, pumasok ulit ako sa kwarto ko. Duon ko linabas lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko. Gulong gulo ang isip ko. Bakit? Bakit Dianne? Bakit sa birthday ko pa? Bakit sobrang sakit? Ang dami ko pang tanong sa isip ko.
Kinabukasan, pumasok ako sa school. Nagbabakasakaling makita siya at yakapin niya ako sabay sab ihing joke ang lahat. Pero wala talaga siya. Innanounce pa saamin na nagtransfer out siya sa school. Kinwento ko lahat ng nangyari sa G5 dahil hindi ko na kayang kimkimin yung nararamdaman ko.
Agad naman silang nakinig sa kwento ko at nagpayo. Simula nun, nagbago na ako. Hindi ko naman pinagbawalang umibig muli kasi mahirap yun ehh. Sinumpa ko lang sa sarili ko na hindi na ako magpapakatanga pagdating sa love.
*End of Flashback
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Saklap bruh. Musta kayo Guys? Happy 100+ followers to me! Thank you so much sa mga nagcocomment, nagbabasa, nagfofollow, nagmemessage at nagvovote! Nakakatuwa kayo! I love you Guys!
P.S Comment kayo please?
BINABASA MO ANG
Take My Hand (Nashlene ft. Gimme 5) (ON HOLD)
RandomMeet Sharlene San Pedro. One of St. Giles cheerful new student. She meets the members of the popular boy group Gimme 5. As she transfers to her new school, she wouldn't expect to meet Nash, the leader of Gimme 5 in an accident. First,They'd come of...