Chapter Twenty Six: Secret Garden

610 18 20
                                    


Sharlene's POV

Andito ako ngayon sa canteen nakaupo mag - isa. Absent kasi si Mika at busy ang Gimme 5 sa pakikipaglaro ng basketball. Napaisip ako ng malalim habang dahan dahan kong kinakain yung lasagna ko. Ito lang muna lunch ko ngayon. Buti hindi nag krus yung landas namin ni Nash ngayon. Tama lang yun para makapag - isip ako.

Bakit kaya hindi sa akin kwinento ni Nash toh? Wala man lang siyang binanggit sa akin na ex niya o kaya ano. Nakakatampo. Hindi niya ba ako pinagkakatiwalaan? 

'Sus. Kaya ka lang naman nagkakaganyan kasi selos ka ehh' sabi ng bosses sa utak ko.

Pinatahimik ko yung bosses ng utak ko. Baliw kasi ehh. Habang kumakain, napansin kong may tumabi saakin: Si Hersheys.

"Hi. Okay lang na tumabi sayo?" sabi ni Hersheys.

"S-Sure!" nauutal na sabi ko.

"Ako nga pala si Hersheys Dianne Eduarte. You know ... Ex ni nash. Sorry for not introducing myself sooner." pagpapakilala niya.

"Ooh okay lang yun. Ikaw pala yung ex ni Nash." 

"Hindi mo alam? Hindi ba ako kinekwento ni Nashie sayo?"

"H-Hindi ehh. Walang binanggit si Bro sa akin na may ex pala siya."

"Hay nako talaga tong si Nashie! Nahiya pa talagang ikwento yung relasyon namin HAHAHAH. Siguro hindi kayo ganoong close kaya hindi niya kinekwento sayo. Ano ka ba niya?"

"Uhh Bestfriend niya ako ..."

"Ikaw? Bestfriend ka niya? Akala ko kung isa ka lang sa mga babaeng umaaligid sa kanya HAHAHAHAHAHA. How come hindi niya ako kinekwento sayo?" natatawang sabi niya.

Bago pa man din ako nakapag salita, nakita ko si Brace na nakatayo sa harapan namin.

"Past is past Hersheys. Hindi mo na kailangan ipaglandakan ang tapos na. Hindi sinabi ni Nash yan sa kanya dahil hindi naman kailangan malaman ni Shar yun. Hindi naman importante yun. Shar, tara na." bagot na sabi ni Brace.

Grabe nagulat ako sa sinabi niya. Ngayon lang ata yan nagsalita ng matagal. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagpaalam kay Hersheys. Speechless siya ngayon.  

* * *

"Brace, san tayo pupunta?" sabi ko kay Brace.

"Sa school garden. May pag - uusapan tayo." 

Hindi na lang ako sumagot at sumunod na lang sa kanya. Maya maya, nakarating na kami sa school garden. 

"Ang ganda dito." 

Ngayon lang ako nakapunta dito. Hindi ko kasi alam na may school garden. Hindi naman ako tinour ni Mika dito noong baguhan lang ako dito. Tahimik ang paligid. Walang tao kaya magandang mag - usap dito. 

"Buti na lang wala siya dito." bulong ni Brace sa sarili niya pero narinig ko.

"Sino siya?"

"H-Huh? A-Ahh wala." sabi niya sabay tingin sa paligid na para bang may hinahanap.

Hindi ko na lang siya tinanong ulit kasi naramdaman kong ayaw niya itong pag - usapan. Umupo kami sa bench na malapit sa hindi gumaganang fountain. 

"Kaya kita dinala dito dahil ito lang ang alam kong lugar na walang makakarinig sa usapan natin." sabi ni Brace.

"Layuan mo si Hersheys, Shar." Tuloy niya.

Take My Hand (Nashlene ft. Gimme 5) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon