Sharlene's POV
Isang linggo na ang nakalipas pero hindi kami nakapag usap ni Nash. Noong pinuntahan ko kasi siya pagkatapos ng pag - uusap namin ni Brace, wala na siya sa basketball court. Nagkakasalubong kami pero sadyang may gagawin siya o may gagawin ako. Nakikita ko rin siya pero malayuan lang. Ganoon din ang kwento sa akin nina Joaquin. Hindi na rin daw nila madalas nakakasama si Nash dahil busy raw ito. Iniiwasan niya kaya ako? Kami? Well, Wala namang rason para iwasan niya ako ehh!
'Hay nako Shar napaparanoid ka nanaman. Focus!' sabi ng bosses sa utak ko.
Nakwento ko na rin kay Mika lahat. Siya talaga pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng mga bagay na nakakaabala sa akin. Sumasabog na utak ko ehh. Hindi ko alam ba't ako nag ooverthink. Nawawalan na rin ako ng gana at feeling ko hindi na kumpleto mga araw ko. Namimiss ko na siya. Namimiss ko na yung guy bestfriend ko. Habang nag - aayos ng mga gamit ko, nagulat ako noong may kumuldit sa akin at agad ko siyang liningon.
"N-Naaash!" gulat kong sabi.
"Grabe ka naman maka react bro. Para ka namang nakakita ng multo HAHAHAHHA" sabi ni Nash habang tumatawa.
"Ehh ginulat mo ako eh! Malamang ganun reaction ko!"
"Sorry na Bro. So, musta ka na?"
"Uhh okay naman. Ikaw, musta ka na? Hindi ka na nagpaparamdam ehh."
"Sorry na. Busy lang ako sa sports club. Daming inassign sa akin ni Sir dahil palapit na ang sports fest."
"Ahh ganun ba ..."
"Oh ba't parang ang lungkot mo Bro?"
Gusto ko sana siyang tanungin tungkol kay Hersheys. Gusto ko tanungin kung may nararamdaman pa ba siya sa kanya. Pero ...
"Okay lang ako noh HAHAHAHAH Tara kain tayo bro! Balita ko may bagong tinda sa canteen!"
Dumating na kami sa canteen at naghanap ng mauupuan. Nakita namin sina Joaquin, Brace, Grae, John at Mika sa isang pwesto kaya doon rin kami umupo ni Nash. Sakto.
"Wow si Nash hindi na busy." pabirong sabi ni Nash.
"Oo nga!" sabay na sabi namin lahat.
"Mga baliw HAHAHAHAH parang ngayon lang ako nakisama sainyo ha ..." sabi ni Nash habang tumatawa.
"Totoo naman!" sabay na sabi namin ulet.
"Oo na. Oh tara order na tayo mga pre! Baka maubusan tayo ng makakain!" sabi ni Nash. Tinanong niya yung mga gusto namin at sinama si Grae at Brace sa pagbili ng mga order namin.
Habang nakikipagkwentuhan sina Joaquin, aksidente akong napatingin kung saan sina Hersheys. Nakatingin siya sa akin at naka ngiti. Sinigurado ko kung ako nga ba ang tinitignan niya at tumingin ulet ako sa kanya. Noong napansin niya yun ay ngumiti siya ng nakakaloko kaya napaiwas ako agad ng tingin. Nagulat ako noong dumaan sina Hersheys at mga kaibigan niya sa pwesto namin.
"Wow pati buong Gimme 5 linalandi mo HAHAHAHAH" sabi niya sabay tingin sa akin at tumawa naman ang mga kaibigan niya at tuluyan nang umalis.
"Kapal!" sabi ni Mika.
"Mga tao nga naman ngayon oh tsk tsk landi agad? Di ba pwedeng magkakaibigan lang?" sabi ni John.
"Kitid masyado ng utak tsk tsk." sabi ni Joaquin.
"Hayaan niyo na ..." sabi ko na lang at marahang ngumiti sa kanila.
"Ohh ba't ganyan mga itsura niyo? Para kayong sinapian ng Bad vibes HAHAHAHAH" sabi ni Grae na kaka dating kasama si Nash na hawak yung mga order namin. Bago man sila nag salita, inunahan ko na sila.
"Gutom na kasi kami HAHAHAHAHAHA tara kain!" sabi koat binigyan ko sina Joaquin ng "Don't Mention It" look. Mukhang nakuha naman nila. Hindi ko alam kung gumana ba yung peke na tawa ko pero bumalik naman yung saya nila lahat.
"Sarap naman niyan!"
***
Nash's POV
Paalis na ako ng school nang marinig kong may tumawag sa akin.
"Nashieeee" isa lang naman tumatawag saakin non, si .... si Hersheys.
Lumingon ako sa kanya at nagpanggap na wala lang sa akin ang presensya niya.
"H-Hersheys." Damn. Bakit ba nauutal ako?
"Pwede ba tayong mag - usap? Yung masinsinan." Tanong niya.
Napatigil ako. Hindi ko alam kung handa na ba akong makipag usap sa kanya ng masinsinan. Alam ko marami akong gustong tanungin at kailangan ko ng explanation kung bakit niya ako iniwan. Pero ngayon, naduduwag ako. Mahal na mahal ko pa siya. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin pag nag - usap kami.
"I know it must have been hard for you to decide on whether we should talk or not after all the pain I've caused you and for not leaving a decent explanation why I left you. I'm so sorry for that and I need you to hear me out."
Napatingin ako bigla ako kung saan si Shar. Kasama niya sina Mika at ang Gimme 5 ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba akong naramdaman.
"Sige."
"I don't know what to say. Thankyou, Nashie."
"Saan tayo mag - uusap?"
"I know a place. Tara sa mall!"
Kaya eto ako ngayon, nagmamaneho papunta sa Mall, ang paboritong lugar ni Hersheys.
Author's Note:
Hmm. Ano kayang mangyayare sa pag uusap ni Nash at Hersheys.
So sorry sa bitin effect guys. Para thrill HAHAHAH grabe namiss ko kayo ng sobra. 2 years na pala itong story ko pero nasa Chapter 27 parin. Wag kay mag - alala guys. I-uupdate ko kayo pag hindi ako busy. Love you all!Comment & Vote please 😘
BINABASA MO ANG
Take My Hand (Nashlene ft. Gimme 5) (ON HOLD)
عشوائيMeet Sharlene San Pedro. One of St. Giles cheerful new student. She meets the members of the popular boy group Gimme 5. As she transfers to her new school, she wouldn't expect to meet Nash, the leader of Gimme 5 in an accident. First,They'd come of...