Chapter Twenty Five: Ghost Hunting

1.1K 34 4
                                    

Chapter Twenty Five

Nash' POV

Isang lingo na ang nakalipas. Hindi parin kami nagpapansinan ni Shar. Hindi parin bati ganun. Napapansin ko kahit tingin wala parin.

*Riing

Ayan na. Dismissal na. Tinignan ko sina John, Brace at Grae. Sinenyasan ko sila at agad naman sila tumango at umalis. Lumabas rin kami ni Joaquin. Sakanya ko inutos yung first step para maaccomplish yung plano namin. Whoo! Kabado talaga ako. Paano kung di siya nakapunta dun? Paano kung mag epic fail? Hindi ko maiwasan mag-alala sa mga possibleng mangyari.

"Alam kong nag-aalala ka Brad. Alisin mo yang pag-aalala mo. Baka yan pa ang magbagsak sa plano. Madadala ko siya dun. Promise!" sabi ni Joaquin.

"Salamat Brad. Aasahan ko yan." Sabi ko. Tumango na siya at umalis na ako para pumunta dun.

Sana talaga hindi epic fail. Sana.

Joaquin's POV

Andito ako sa labas ng room. Hinihintay si Shar na lumabas. Kinakausap kasi siya ni Sir Badj. Maya maya, tapos na sila mag-usap.

"Yow Fries!" sabi ko kay Shar.

"Yang mga endearment mo. Ang dami dami. Ano ba talaga?" tanong niya sabay tawa.

"Lahat ng pagkain, endearment ko sayo. Tara Tart?" sabi ko sabay tawa.

"Huh? Saan naman?" sabi niya. Patay! Saan kaya?

"Ghost Hunting tayo!" sabi ko na lang nung naisip ko yung place na pupuntahan namin.

"Ghost Hunting?! Saan naman?!"

"Sa kabilang building. Tara?"

"Gusto ko sana kaso ..." Oh oh.

"Kaso?" sabi ko. Tumingin ako kay Mika para tulungan niya ako. Mukhang nagets niya naman.

"Uhh Bhest. Punta kaya tayo? Total mukhang Masaya naman ehh. Please?." Sabi ni Mika.

Mukhang nahirapan pa si Shar sa pagdedesisyon. May gagawin ata to ehh. Nag puppy eyes tuloy kami ni Mika kay Shar nagbabakasakaling effective. Cute naman kami ehh!

"Sigina nga. Puppy eyes pa gusto." Sabi niya. Nag apir tuloy kami ni Mika. Phew! (Punas pawis) Okay step two!

Sharlene's POV

Nakakaloka talaga tong si Joaquin. Ghost hunting?! Di ako updated na may hunted area dito sa school?! Tatanggi sana ako kasi gusto ko hanapin si Nash kasi di ko na kayang iwasan yung taong yun pero di man lang siya nag effort para pansinin ako. Sabagay, ano nga bang ieexpect ko? Hindi naman ako kawalan. Kaya yun, sumama ako sa kalokohan ng dalawang toh.

"Bat nga pala nagging hunted yung pupuntahan natin?" tanong ko.

"Hindi ko sure pero sabi nila dati daw na tapunan ng mga taong sinalvage." Kwento ni Joaquin.

"Ahh sabi pa nga daw ng iba, pag dumadaan daw sila dun, may nakikita silang mga sundalo. Ehh ano naming gagawin ng sundalo sa school diba? Malamang mga mumu yun!" dagdag ni Mika.

Grabe naman tong school na toh! May history pala ng mga mumu ha. Mas lalo tuloy akong naexcite na mag ghost hunting! Huminto kami sa isang door. Pagtingin ko sa label ng classroom na iyon nabasa ko ang "Music Room"

"Music room yung sinasabi niyong hunted?!" sabi ko.

"Oo Strawberry Jam. Hindi ko alam kung bakit hindi pa nila pinasara tong classroom na toh. Kaya nga kailangan natin ma-unlock ang mysteries ehh." sabi ni Joaquin. Kumatok siya pinto. May narinig kaming mga ingay.

Bago pa ako magsalita, muling nagsalita si Joaquin.

"Sakto. Tatlo tayo. Bago tayo pumasok, kailangan may isang naka blind fold."

May pinulot si Mika na papel. Lumabas lang ito sa butas ng pintuan. Pinakita niya saamin ito at nagulat ako sa nakita ko. Madugo ito at magulo ang sulat pero naintindihan ko parin. Ang nakasulat doon ay "Sharlene San Pedro."

"Anong ibig sabihin nito?" sabi ko.

"Ikaw ang magsusuot ng blindfold Bunch." Seryosong sabi ni Joaquin. Nagtense ako. Pero pumayag na ako kasi sinimulan na naming tong Ghost hunting. Baka ano pa mangyari samin kung tumakbo nalang kami.

Nakablindfold na ako. Pumasok kaming tatlo nina Mika. Ang isang kamay na nakahawak sa left wrist ko ay si Joaquin. Sa kabila naman ay si Mika. Hindi ko alam kung bakit pero pinaupo nila ako sa isang classroom chair. Ramdam ko ang lamig sa kwarto. Walang nagsasalita. Bakit kaya?

Naramdaman kong binitawan nila ang wrist ko nung nakaupo na ako. Narinig kong sumara yung pinto. Anong nangyari? Iniwan ba nila ako? Kinabahan ako ng sobra. Naramdaman kong may nag-alis ng blindfold ko na ikina tense ko.

Nang maalis na yung blindfold. Imbes na nakakatakot na music room ang Makita ko, isang maliwanag at napakagandang music room ang bumungad saakin. Nakaupo parin ako. Nakaharap sa green board pero parang 5 meters ang layo ko mula roon.

May nakadikit na sticky notes at bumuo ito ng "SORRY." Sa paligid ay may mga doodles. Magaling na doodles na alam kong si Brace ang gumawa. Sa ceiling naman ay may mga malalaking hanging stars. Nagulat ako nung may fake snow galling sa taas ko. Di ko maiwasang mamangha.

Maya maya, may narinig akong soft tune ng gitara. Lumingon ako at nakitang nakatayo si Nash sa mini stage . Nagigitara naman si Mika. Dancers naman sina Brace, John, Grae at Joaquin. Narecognize ko yung song ng One Direction . . . Where Do Broken Hearts Go. Favorite Band. Favorite song. Nagsimula na siyang kumanta.

*Dug Dug Dug

Tumingin siya saakin habang kumakanta. Hindi maiwasang mag-ingay ng puso ko. Habang kumakanta, saakin lang siya nakatingin. Nang matapos na ang kanta, nagsalita siya.

"I'm Sorry Bro..."

Ngumiti ako sakanya at tumango.

"Okay na. Sobra sobra na toh. Pinapatawad na kita." Sabi ko.


Authors Note: HAPPY ANNIVERSARY TAKE MY HAND! Whoo punas pawis. Medyo nahirapan ako sa pagprepare ng anniv kasi puro error yung naeencounter ko sa bagong update ng wattpad. Sana mabasa niyo toh, kung hindi. Naku! Error nanaman! HAHAHAH so yun go tweet me @LeeanChloe or message me here on watty or comment! Its been a year since I created this story kaya gusto ko naman kiligin sainyo hihi. Salamat sa supporta guys. Check the multimedia. I even added photos from the previous chapters just for you! Love you guys! Sana dumami pa kayo.

Take My Hand (Nashlene ft. Gimme 5) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon