Chapter Six
Nash' POV (Point Of View)
Pagbalik namin sa table, nagbulungan yung mga tao sa paligid namin ay hindi pala, yung mga babae lang. Syempre nagtataka sila kung bakit magkasama kami ni Shar ehh. Nakakainis rin kasi minsan yung mga ibang fan girls namin. Bukod pa sa stalkers sila, story makers din sila. Yun tuloy yung lasagna madness, iniba yung kwento nun. Imbis na aksidente lang yun, sinabi nila na sinadya daw yun ni Shar para mapansin ko siya. Haist! Grabe talaga! Nagtatawanan kami ngayon sa mga corning jokes ni Pareng John.
"Ito pa, isang funny conversation ng mag bestfriend. Si Girl sinabi niya sa bestfriend niya na nagdate sila ng boyfriend nila sa isang malaking resto at madaming pagpipilian. Si bestfriend naman kinilig para sa dalawa kasi ang iniisip niya na isang fancy resturant ang pinuntahan nila. Ang tanong, anong pangalan ng Resto?" -John
"Eh ano?" sabay sabay naming tanong kay pareng John
"Edi FOODCOURT!" -John
Nagtawanan naman kami lahat dun. Kanina pa tong si John eh!! Kakatapos naming kumain tapos ganun na siya. Tapos mamaya maya, nagsalita si Shar na nakayuko
"Nash" -Shar
"Bakit Shar?" -Ako
"May naalala ako" -Shar
"Ano yun Shar?" -Ako
"D-Diba sinabi mong pinagtripan mo ako?" tapos bigla niyang inangat ang ulo niya na may nakakatakot na mukha
"Uhh Nash, ayaw kasi ni Shar na pinagtitripan siya ehh" -Mika
"TAKBO!" -John,Grae,Brace at Joaquin. Sabay pinagtripan pa nila ako at inasar!
"Ahh!!!" sumigaw ako at patayo na si Shar para habulin ako kaya naman tumayo narin ako at tumakbo na kung saan saan.
'Oo nga pala, Matapang na tomboy tong si Shar!' sabi ko sa isip ko.
May nababanga na nga akong babae eh pero kinikig parin yung mga ito na nahawakan ko daw kasi. Hangang sa nahuli na ako ni Shar dahil nacorneran niya ako sa may locker room. Alam niyo bang nanggaling kami sa first floor kung saan ang lunch area namin at nandito kami ngayon sa fourth floor? Oo ganun kami naghabulan.
"Magsosorry ka ba o hindi?" -Shar
"Ayoko!" -Ako
"Ahh talaga ahh!" -Shar
Nagulat na lang ako nang palapit ng palapit na si Shar na nakataas yung fist niya para ihanda sa pagsusuntok saakin!
"Aaaahhhhh!! S-Sorry na Shar!!" -Ako
Napatigil naman si Shar at binaba na yung fist niya. Tumingin siya saglit saakin tapos mamaya maya, tumatawa na siya. Aww! Ang cute cute niyang tumaw-
'No Nash! Hindi ka dapat nagtitingin ng iba! Friends lang kayo ni Shar!'
---------------
Its been a week na kasama namin sina Shar at Mika tuwing lunch kasi daw nagbabantay daw sila ng classroom during recess. Nalaman ko rin yung dahilan kung bakit sila nagbabantay doon. Yung unang dahilan nila. Natawa naman ako dun. Since nagvolunteer daw sila for a year, wala na silang magawa kasi hindi na sila pwede mag back out. Saturday ngayon, mga 7 a.m. Tapos biglang tumunog yung phone ko. May nag pop out na reminder.
//Nash and Dianne's 1st Anniversary!//
Huh? Ano ba ngayon? Ahh oo nga pala June 25 ngayon. Yung araw na naging kami. Sayang at hindi kami umabot nang isang taon. Nagbreak kami dahil sa-- ayoko na ulet maalala yun. Mahal ko parin siya? Oo sobra! Nagbreak kami six months ago. Ang nakakatawa pa, Bago mag christmas yun. Kaya hindi ko dinidelete yung mga reminders dito na nag papop out every month, dahil umaasa pa ako na babalikan niya ako pero ang labo! This school year, hindi ko na siya nakikita. Ang alam ko nagtransfer siya para dun at para narin hindi niya ako makita. Tinawagan ko nalang si Joaquin.
"Napatawag ka Nash?" -Joaquin
"Joaquin, kita tayo please." -Ako
"Sige, problema ba yan tungkol kay Dianne?" -Joaquin
"Oo Pare. Pakisabi nalang sakanila" -Ako
Tsaka ko nalang sinabi kung saan kami magkikita. Sa tambayan ng Gimme 5. Sa secret garden kunno nina Grae. Yung pinagawa ng tatay niya para saaming magkakaibigan. Kailangan ko ng kausap. Gusto ko nanaman magpakasaya para makalimutan siya.
---------
Sinabi ko na kina Joaquin yung problema ko. Yung dapat one year na namin ngayon ni Dianne. Si Joaquin, as usual, ang problem solver. Basta problem solver siya saaming lahat. Basta pag may problema, siya muna yung pagsasabihan mo. Si John naman yung taong papasayahin ka kapag may problema ka. Si Brace naman, nagpapatawa rin minsan tsaka siya yung nagtuturo ng dance steps namin pag magpeperform kami sa school, sa mga contest at iba pa. Dahil sakanya, natuto akong sumayaw. Dun sa pagsasayaw nayun, doon ko nailalabas yung nararamdaman ko. Kaya lang, napakamisteryoso ni Brace kung minsan. Si Grae naman pag may problema ka, lulutuan ka niyan o kaya gagawahan ng desserts. Sabi niya kasi "Food makes you feel better". Tama siya at ang maganda pa dun, ang sasarap ng luto o kaya mga ginagawa niyang desserts para saamin.
"Alam mo bro, hindi ginawa ang break up para masaktan ka o kaya lumuha, ginawa ito para lumayo ka sa maling tao na akala mo ay tama." -Joaquin
"T-thank you Joaquin" -Ako. Nag thums up nalang siya sa pag thank you ko sabay ngiti. Nag joke naman si John para saakin.
"Tara't sumayaw!" -Brace
"O o o, pagkatapos sumayaw, kumain na tayo ng linuto kong lasagna." -Grae
Tumango tango nalang ako sa sinabi ni Grae tsaka kami nagkatinginang lima na may naalala
"Si Shar" sabay sabay naming binanggit saka kami tumawa
Yan ang Gimme 5 pag may problema ka! Magkaiba man ang ways na pag comfort namin sa isa't isa, nagbeblend parin kami at natutulungan naming pubangon ang isa't isa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Hello Guys! Nagustuhan niyo ba itong chapter na ito? Medyo hinabaan ko dahil lagi nalang 1-2 page yung mga UD ko. Nakikilala na rin natin ang Gimme 5 unti unti. At ang pinaka nakaka exciting news ay ...............
TENTENENEN!!'
500+ Reads na tayo!! :D Yey!! Nakakagulat! Thank you so much guys! Ang saya saya ko dahil chapter six palang ay naka 500+ reads na tayo! Napakalaking accomplishment nito para saakin. Maraming salamat rin sa mga naglagay sa kanilang reading list! Ang rami ko napong nakita na naglagay sakanilang mga reading list at sa mga votes lalong lalo na sa mga comments.
Ang drama ni Author! Hahahah Anyway, andiyan sa may multimedia ang picture ng Gimme 5 [See Multimedia] Fail nga lang yung pag edit ko, pagtiyagaan niyo nalang hahaha
BINABASA MO ANG
Take My Hand (Nashlene ft. Gimme 5) (ON HOLD)
RandomMeet Sharlene San Pedro. One of St. Giles cheerful new student. She meets the members of the popular boy group Gimme 5. As she transfers to her new school, she wouldn't expect to meet Nash, the leader of Gimme 5 in an accident. First,They'd come of...