A/N: Yey! 200+ reads na ang TMH! :D Thank you so much guys! Sana tumaas pa ang reads/views ng story na ito. Nasiyahan nanaman ako ng may magcomment! Anyway, dedicated ito kay Ate Jam kasi siya ang nagsilbing inspirasyon ko sa pagawa ng story na ito. Kahit 2-3 days ko lang siya nakilala, natouch niya na po ako the day she replied to me. Magaganda po ang stories niya! Thank you sa pag inspire saakin ate! Sa kabaitan mo at sa friendship :))
Chapter Four
Sharlene's POV (Point Of View)
Nalaman kong si Nash Aguas yung natapunan ko ng lasagna kanina. Hindi ko kasi masyadong nakita yung mukha niya kanina dahil sa lasagna na natapon sa mukha niya. Galit ang mukha niya pero naiintindihan ko siya. Ako rin magagalit kapag natapunan ako sa mukha lalo na kung sa harap pa ng maraming tao. Bat ba kasi ako kumain ng lasagna nun? Ganun ba talaga ako kagutom that time? Ganun ba talaga ako pinahamak ng gutom ko?
"So class, since napunta na kayo sa proper seating arrangement niyo. We will be having a fun activity. It's a game called pass the ball. We may know each other's name but do we now some facts or informations about each other? Not much right. Simple lang itong game na ito. We will form a circle at the auditorium. Ipapasa niyo sa katabi niyo yung bola habang naka play ang isang song. Kapag nag stop ang song, ang nakahawak ng bola ay magpapakilala at magibibigay ng konting information o kaya facts about him/her. Huwag personal at confidential ahh? Maliwanag ba?" -Sir Badj
"Yes Sir!" natatawa naming sagot kay Sir Badj
Maeexcite sana ako dito kung wala yung Nash na yun ehh! Iba na siguro ang mga first impressions o tingin ng mga kaklase ko saakin. Lumabas na kami ng classroom at pumunta na sa may auditorium. Nag form na rin kami ng malaking circle. Katabi ko si Mika at sa kabilang side ko naman ay isang lalaki kasi parang ayaw yata akong tabihan ng mga babae. Makikita mo namang halos lahat I mean lahat ng babae dito fan ng Gimme 5 puwera lang kami ni Mika. Nagulat naman ako nung umupo ang Gimme 5 sa tapat namin ni Mika. Saktong katapat ko naman si Nash na ang sama ng tingin. Badtrip yung mukha.
"Ok lets start!" -Sir Badj
Nagsimula na kaming magpasa ng bola. Mga 15 seconds, huminto ang music at hawak ng isang babaeng pink lahat ang headband, earings, watch, necklace, lipstick at eye shadow. Seryoso? Pwedeng mag make up sa school na ito?! Tumayo na siya at nagsalita.
"I'm Lara Quirino, the next Queen Bee. For sure na yan diba? Ha Ha Ha. I hate people who messes with the Gimme 5. Lalong lalo na yung nananadyang magtapon ng lasagna para lang mapansin siya!" -Lara
Nagulat ako sa sinabi nung Lara! Nakatingin na tuloy silang lahat saakin at yung iba, nagbulungan pa. Katulad ng...
"What's the story of the lasagna thingie?"
"Tindi naman ni Lara!"
"Dahil sa Sharlene na yan, hindi na nakangiti si Nashie babe! Aish!"
"Hahahah ang feeling talaga nang Lara na toh!"
"New transfer palang tong Sharlene, dami ng haters!
Seriously? Kulang nalang isigaw nila mga yan eh! Pasalamat si Lara, nag CR si Sir Badj . Yung Gimme 5 naman, nakatingin rin saakin pero si Joaquin at Grae binigyan nila ako ng Nevermind her look.
"I'm sorry for the sudden break class. Start na tayo ulet!" -Sir Badj
"Hayaan mo nalang yang Lara Quirino na yan Shar! Ang landi landi na nga, ang arte arte pa! Resbakan kaya natin Shar?" -Mika
"Tch, kawawa naman siya Mika. Baka hindi niya magustuhan ang gagawin natin sakanya. Kung makapag parinig siya, parang kilala niya ako ahh!" -Ako
Pabulong bulong kaming nag-uusap ni Mika habang naglalaro. Huminto naman ito sa lalaki. Tas ganun parin. Pasa-Hinto-Pasa-Hinto. Nung huminto sa babae, akala ko lait nanaman kasi may katawag si sir pero hindi naman. Hindi naman lahat siguro ng mga studyante dito, mapanglait ehh. Ngayon, huminto naman ito kay Nash Aguas.
"Nash Aguas, Gimme 5 member" -Nash
Sobrang tipid nun ah! Obvious naman na at alam na naming lahat yun eh! Kahit ganun lang yung sinabi niya, nagtilian parin yung mga babae sabay giggle pa! Ganun parin Pasa-Hinto-Pasa-Hinto at ngayon kay Mika naman.
"I'm Mika Dela Cruz, mahilig akong magbasa." -Mika
Oo, kahit boyish yang si Mika. Hobby niya parin ang magbasa. Nagpasa hinto pasa hinto hanggang sa natapos kaming lahat. Ito yung mga nalaman ko:
Si Joaquin, chicboy.
Si John, magaling magpatawa.
Si Brace, dancer.
Si Grae naman, mahilig din magbasa.
at Ako naman ang sinabi ko ay... "I'm Sharlene San Pedro, outdoor person ako." and as usual, may nagbulungan nanaman.
BINABASA MO ANG
Take My Hand (Nashlene ft. Gimme 5) (ON HOLD)
RandomMeet Sharlene San Pedro. One of St. Giles cheerful new student. She meets the members of the popular boy group Gimme 5. As she transfers to her new school, she wouldn't expect to meet Nash, the leader of Gimme 5 in an accident. First,They'd come of...