Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa siwang.
Sinubukan kong aninagin yung liwanag at napagtanto ko na nasa isang kubo ako.
Iginala ko ng bahagya ang paningin ko at nahagip ng mata ko ang magandang mukha ni Steph na nasa tabi ko.
Teka.
Bakit kami nasa kubo at bakit may mga galos si Steph?
Tinignan ko ang katawan ko and, yes, same sa akin. May mga few scratches din sa braso ko at binti. Pareho kami ni Steph na may mga punit at laslas ang mga suot.
WTF?! Anong nangyari??
Biglang sumakit ang ulo habang pilit inaalala ang naganap.
"Oh! Gising ka na pala."
Napalingon ako sa nagsalita.
Si Terry.
"Anong nangyari?"
"Naaksidente yung sinasakyan natin kagabi. May sadyang nagbato ng granada sa dinadaanan natin. Buti na lang naligtas tayo." Paliwanag ni Terry sa tono na magkahalong pasasalamat at pagaalala.
"Sino nagligtas sa atin?" Napatingin ako kay Steph dahil bahagya siyang kumilos para magpalit ng pwesto.
Unti-unti kong naaalala yung mga nangyari nang nagdaang gabi. Hanggang sa punto na may pwersang naglabas sa akin sa sasakyan. Pagkatapos nun, puro kadiliman na ang bumalot sa akin.
Nilingon ko si ulit Terry. Hindi siya nagsasalita.
Nagtaka ako. Never nanahimik si Terry, unless, may malalim siyang iniisip o may itinatago siya.
"Uhm, France.....", hesitant na bigkas ni Terry.
"What?" I squinted my eyes at him. May itinatago si Terry, sure ako don.
"Kasi...ano", hindi mapakaling bigkas ni Terry. Panay ang himas niya sa batok at braso niya. Palakd-lakad din siya sa harap ko.
"Spill it, Terry. I'm getting impatient." I said with gritted teeth. I'm getting agitated 'cause of his phasing and nervousness.
Just then, before Terry could even open his mouth, the door opened and someone came in. Someone I never thought I'd ever see again.
"Ishel.....", I breathed out.
She looked at me at came straight running to hug me.
"God! France! I was so worried! Buti na lang mabilis nakakilos mga tao ko at nailigtas kayo kung hindi, pinaglalamayan na kayo ngayon", she stated while crying non-stop.
"Wait.....how did you know where I was and what happened?"
This got her to stop for a little a bit and hesitantly spoke.
"What's with you and everyone being hesitant?!" I snapped at them.
"Thing is, France, Ishel is pretty much your bodyguard-come-doctor. That way she can monitor you in a sense that you won't get suspicious", paliwanag ni Dany. Napalingon ako ng wala sa oras sa kanya kasi bigla na lang siyang nagsalita.
Puro galos din siya kapareho namin at nasa likod niya si Rico na puro sugat din.
"Don't worry. Nacheck ko na sila at walang major injuries. Natreat ko na din yung mga sugat and nagtake na din sila ng pain reliever", sagot ni Ishel habang papunta sa isang sulok ng kwarto.
"OK. So sino sa inyo ang magsasabi sa akin kung anong nangyayare? Ayokong may detalyeng aalisiin o tatanggalin sa kwento. Kailangan ko malaman lahat," pahayag ko habang inaalalayan bumangon si Steph na halos kakagising lang at yung sinabi ni Dany ang nabungaran niya. Tulala lang siya sa akin at may namumuong luha sa mga mata. Hinagkan ko ang noo ni Steph at niyakap siya ng mahigpit.
"Magiging OK din ang lahat. Malalaman din natin kung sino ang gumagawa nito at matatapos din ang lahat ng kaguluhan. Magtiwala ka lang sa akin. Sa amin. Hindi kita papabayaan. Hindi ko na ulit hahayaan mawala ka sa tabi ko", bulong ko kay Steph.
Tumango lang siya at isiniksik pa ang sarili sa akin.
"Si Aries", pahayag ni Ishel.
Lumingon kami ni Steph sa kanya.
"Si Aries ang may pakana ng lahat. Yung aksidente noon at yung aksidente kagabi, siya lahat ang may gawa. Nasa military ang buong pamilya ni Aries.Matataas ang posisyon. Kaya niya nablackmail si Al para gawin lahat ng gusto niyo. Pero ang unang may pakana si Kayla, inutusan lang niya si Aries na hadlangan kayo pero hindi din alam ni Kayla na may plano si Aries na katuald nung sa truck na bumangga sa inyo 3 years ago. After that, sa sobrang guilty niya, umalis siya at lumipad pa-Canada. Wala na kaming naging balita after that. Si Aries, itinuloy ang plano, kasamaang palad, nabitag niya si AL dahil na rin sa katangahan nung isa. Pero lahat ng mga nangyayari sa inyo, kagagawan lahat ni Aries. Al tried reaching out sayo France kaso naunahan na naman siya ni Aries. Siya yung stalker mo. Kaya gumawa na lang siya ng ibang way para makatulong. Aries figured that out and ayun, sandamukal na death threats ang nakuha niya at ng family niya. As far as I know, yung parents ni Al naghahanap na ng way para kasuhan si Aries. Mas malaki ang impluwensya nila Aries sa government at police kumpara sa parents ni Al kaya hirap sila. Sa ngayon manalig na lang tayo na may mahahanap din na solusyon", paliwanag ni Dany.
Natulala ako sa mga narinig ko. Tama ang hinala ko kay Aries. Pero hindi ako makpaniwala sa mga nalaman ko. Hindi ako makapaniwala na may kakayahan siyang gawin ang mga bagay na yon.
Napayuko na lang ako dahil biglang sumakit ang ulo. Lalapit sana si Ishel pero tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya.
"So saan ka galing Ishel?", nilingon ko siya.
"Si Kayla ang naghire sa kanya. Una ayaw niya dahil alam niyang delikado. Pero inilatag ni Kayla sa kanya yung buhay mo at mga nangyari sayo...sa inyo. Naintindihan naman niya yung sitwasyon at nahabag sa posibleng mangyari sa inyong dalawa kapag walang kumilos. Ang problema lang hindi siya makagalaw nung mga panahong pareho kayo ni Steph nagpapagamot sa kanya. Hindi niya masabi dahil na din sa alam niya kung ano ang pedeng mangyari', sagot ni Dany ulit.
"Teka, so alam mo at kilala mo ako...kami kahit nung nagpapagamot ako sayo?', lingon ko kay Ishel.
"Yes. Ilang beses kong sinubukan na pagkitain kayo ni Steph dahil malaki yung chance na mas madaling marecover memories niyo, pero laging nauudlot at naagapan ni Al at Aries. Each and everytime, nakakagawa sila ng paraan para hindi kayo magkita. Hindi ako makagalaw openly dahil possible na mabuking yung posisyon ko. So I had to send most of my talendted men para bantayan kayo from afar at ma-notify ako kung may mangyaring hindi maganda. Gaya ng nangyari kanina lang. Napansin ng mga tauhan ko na may nakasunod na sa inyo dun sa meet up place niyo pa lang kaso mejo malayo kami kaya hindi naman naprevent. Pero we did everything para mailigtas kayo. Ako din ang nagpahiram ng SUV kay Dany. Like they said, I was also your bodyguard. Doctor by profession. Im no longer doing this out of duty or payment. Na-attach na ko sa inyo ni Steph and I will do everything in my power para matapos to at mailigtas kayo", paliwanag ni Ishel habang nakatitig sa amin ni Steph.
Nagkatinginan kami ni Steph at nagpaalalay siyang tumayo. Nang nakuha na niya ang balanse niya, agad siyang lumapit kay Ishel at yumakap dito ng mahigpit. Bumulong ng mahinang "Thank you" at hinalikan sa pisngi si Ishel. Napakayakap din ng mahigpit si Ishel kay Steph na may luha sa mga mata.
I guess, out fo everything that's happening, may nahanap kaming isa na namang taong maituturing na kaibigan at mapapagkatiwalaan.
"So what's our next move guys?", I stared at them and they all smiled at me.
"We wait", they all said at once.
Huh?
BINABASA MO ANG
This time, it's Our Chance
RomansaThis is the Book 2 of Is There a Chance for Us. Will France and Steph have their chance to be together? Sino ba ang may kasalanan kung bakit never nagkaroon ng chance sila France and Steph? Will that person reveal everything in this book?