VIII

1K 29 2
                                        


Habang hinahayaan ni France magliwaliw ang anak ay nagpaalam naman siya sa mga magulang na pupunta muna ng restroom. Tumango lamang ang mga ito at hindi inaalis ang tingin sa bata na patuloy pa din sa pagtakbo. Tiwala naman siya na hindi pababayaan ng mga magulang niya si Xy.

Agad-agad siyang tumayo at lumakad palayo. Ang totoo niyan, kailangan niyang gumamit ng phone dahil kailangan niyang tawagan si Rico. May ipinadala itong mensahe sa kanya na kailangan siyang makausap daw agad. Kaya humanap siya ng tiyempo para matawagan agad ito.

Nang makahanap siya ng lugar kung saan mejo tahimik ay agad niyang tinawagan ang kaibigan.

"Hello?", agad na bungad niya ng sagutin nito ang tawag niya.

"France! Good thing nakatawag ka agad. May balita ako sayo good news at bad news! Alin ang gusto mong unahin ko?," biro nito.

"Sige unahin mo yung good news tol para maiba lang," sagot niya sa biro ng kaibigan.

"O sige. Yung bad news, may humaharang sa imbestigasyon ko. Lahat ng leads na nahahanap ko eh nauuwi sa dead end lahat. May nagmamaniobra at nakaka-access sa lahat ng files meron dito sa pulisya. Hindi ko alam kung sino at paano pero hindi maganda ang kutob ko dito France," seryosong paliwanag ni Rico kay France.

"Hay! Sige next time na natin yan problemahin. Wala din kase akong maisip na posibleng gumawa nito. Sa susunod na kita natin tsaka tayo magusap about this," 

Ang hindi nila alam ay nakagawa ng paraan si France na magpadala ng impormasyon kay Rico ng hindi kailangan pang itext ito dahil mukhang nakasalalay sa technology yung stalker na nagmomonitor sa lahat ng galaw niya. Isang kaibigan ang nakita niya kanina pagpasok pa lang niya ng EK. Nakaisip siya ng paraan na gawin itong tulay para maipadala niya ang mensahe kay Rico ng walang naghihinala. Isa ito sa mga crew sa EK na nagaasikaso sa mga rides at nag-iikot. Agad siyang nilapitan nito kanina parang bigyan ng yakap. Pero pasimple niyang nilagay sa bulsa nito ang isang sulat laman ng mga impormasyon kung saan sila magkikita ni Rico. Kilala nito si Rico. Isa rin itong beki na nagkagusto kay Rico na naging karibal ni Terry noon. Hindi naman mahaba ang istorya nila, dahil mas pinili noon ni Rico si Terry (haba ng buhok eh!) kaya itong taong to eh umalis ng luhaan. Mabait si Darwin. Palabiro at actually magkakilala sila ni Terry kaya halos kakilala na din naman siya nila France. Hindi lang siya madalas sumasama sa grupo nila France dahil may group of friends din naman ang baklita. Kaya ayun nga naging mahirap nung nagaka love triangle pero saglit lang yung gulo. Wala na kasing nabalitaan si France after that kase nangyare na yung aksidente. So ayun, napapasabunot si France sa buhok dahil sa mga nangyayari at sa balita ni Rico. Atleast nakahanap siya ng way. Takteng buhay to! nabubulong na lang niya.

"Oh sige para naman dun sa Good news ko!", mukhang bumalik na yung saya ni Rico nung binanggit yung good news.

"SIguraduhin mong good news yan Rico! Masasabunutan talaga kita!", pananakot ni France pero nakangiti na.

"Oo tol! Sure akong good news!",

"Oh ano pang hinihintay mo???Sabihin mo naaaaaaaaaaaaa!", sigaw ni France.

(A/N: Wag kayong mag-alala. Ganyan talaga sila mag-usap. Hahaha)

"Oi! Oi! Chill. Sige ganito. About kay Steph........."pasuspense pang putol ni Rico.

"Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!", sagot lang ni France.

"Hahahahahah!!!! Oo na! nag-tatransform ka na eh. ANJAN SA EK SI STEPH! Wag mo ng itanong paano ko nalaman dahil mahirap iexplain. Kung ako sayo magsimula ka ng maghanap!," paliwanag ni Rico kasabay ng pagbaba ng tawag.

Agad na nagpanic si France at nagpalinga-linga sa paligid. Bumalik siya sa pwesto nila ng mga magulang niya para sana magpaalam ngunit napahinto siya sa naabutan niya.

Maang siyang napatitig sa pwesto nila kung saan masayang nagkukwentuhan ang mga magulang niya pati si Xyville.

Nakangiting lumapit siya sa kanila.


This time, it's Our ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon