V

1K 26 0
                                    


As all of you people that have read the previous book, Enrico was Terry's ex-boyfriend. The one na ipapakiss daw niya sa amin kapag hindi namin tinawag na Bebe Gurl si Steph.

Yes! Siya yun. Isa na siyang Chief of Police ngayon.

We were able to get together last year. He approached me out of somewhere. Hindi ko pa nga siya kilala kase that time wala pa akong maalala. He told me things that I didn't remember doing and happening. He knew a lot by how he told me the stuff that had happened. Since then he has always been there to help me. Aries didn't know that.

And right now I'm waiting for him here inside a coffee shop that's crowded. I don't know if that stalker is following me or not. But I made sure lahat ng devices ko naka-off.

Tumingin ako sa relo ko and it's almost time ng meet up namin. I looked at sa entrance and there I saw him coming in. Hinintay ko siyang lumingon sa pwesto ko tsaka ko siya binigyan ng simple wave.

Dumiretso siya sa pwesto ko. He's wearing white long sleeves and camouflage pants and sneakers. The indicators na officer siya are; his dog tag, his badge, and his gun safely sheathed sa belt niya.

Enrico is really you're typical tall, dark and handsome. Who would've known this dude is gay. But I think base sa kwento niya he's been single after Terry. Wow lang. hahahah mukhang naheartbroken sa bruhilda kong kaibigan.

"Hey!" bati niya sa akin kasabay ng paghila niya ng silya sa harap ko.

"Oi! Musta?", ganting bati ko.

"Eto, gwapo pa din pero single. hahaha!" tumatawang sagot niya.

Ayos eh noh? hahah

"Ay? Wow! Dumating ka lang napansin kong napalakas yung aircon dito. Lumamig eh. Wait lang..."

"Huh? Bakit? San ka pupunta?", nagtatakang tanong niya.

"Jan sa may crew, papahinaan ko yung aircon sa tapat mo. Ang lamig eh", sabay hagalpak ko ng tawa.

Binatukan naman niya ako.

Mejo mayabang din eh.

"So anong atin?", simula niya.

"Uhm, ano... uhmm", napapakamot kong sagot habang di ko malaman yung ikikilos ko.

"Dali na France. Bat para kang uod na nilagyan ng asin jan", natatawa niyang sabi.

"Bwiset ka. Hahah ano kase magorder muna tayo. Takte ka ang pormal mo eh. Kanina pa ako dito noh"

"Ah yun lang ba? Hahaha di mo sinabi agad eh. Wait lang oorder na ako. Ano ba sayo?", tanong niya habang tumatayo.

"Dark Mocha Grande. Hehehe" sagot ko sabay peace sign.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Hahahaha....... WAIT", after that bigla siyang natigilan at tinitigan ako.

I mouthed 'later'.

Tumango siya ng bahagya sabay punta ng counter.

After few minutes bumalik siya na dala yung order namen at may kasama ng 2 slices ng chocolate cake. 

Nanlaki mata ko.

"If what I'm thinking is right, then this should be a proof", nakangiti siya saken habang pumupwesto ulit sa upuan niya.

Tumango lang ako. Nasabik ako agad dun sa cake. It's been a while. Then we proceed to talk about the reason why we were there.

Sinabi ko lahat ng alam ko kay Enrico even that anonymous stalker ko. Lahat ng alam ko na posibleng dahilan kung bakit to nangyari sinabi ko din. 

He promised naman na titignan niya kung ano pede niyang gawin about it and he'll investigate. 

But then he said, "Sure ka bang iniisip mo na may kinalaman dito si Aries?"

Napaisip ako.

Why else would she be here beside me at magpapanggap siya na girlfriend ko kahit naman na alam namen pareho na walang namagitan sa amin.

"I can't think of any reason Rico. Bakit nagpanggap siyang gf ko kung wala siyang kinalaman sa mga nangyayari?"

"May hinala akong hindi lang siya ang may pakana eh. Posibleng may mas mabigat ka pang kalaban dito. Namanipula nila yung aksidente meaning this person knows how to play with the law."

Come to think of it, tama siya. Never nahuli yung may pakana ng aksidente namin 3 years ago.

"Pero Rico, tulungan mo ko mahanap si Steph. Bigla na lang siyang naglaho pati sila Alwyn. Hindi ko alam pero parang ayaw kaming pagtagpuin pare-pareho," nagmamakaawa kong saad sa kanya.

Tumahimik siya saglit at tsaka tumango. 

"Sige. Tutulungan kitang hanapin sila. Pero kailangan natin maging maingat. Kokontakin kita kapg may nahanap na ako. Just keep your eyes open. I'm not gonna contact you in an ordinary way. Papaimbestigahan ko din yung stalker mo and what he can do."

Napangiti ako sa sinabi niya. Maasahan talaga tong si Enrico. 

"Yes! Thank you so much! Di ko alam paano ako makakabawi sayo neto eh", nakangiting pahayag ko sbay yakap.

"Well.........................." sabi niya habang hinihimas yung invisible niyang bigote with matching taas baba ng kilay.

"Let me guess, si Terry noh??", taas baba din yung kilay ko sa kanya. Natatawa na ako sa itsura niya nung narinig niya yung sagot ko.

Napamulagat siya ng mata at napanganga tapos biglang nahiya tapos namula.

Hahahah! 

"Bwiset ka Rico! Ang laki laki mong nilalang kinikilig ka jan dahil sa best friend ko", natatawang saad ko sa kanya.

"Eeh.. Ganun talaga! Mahal ko yung kaibigan mo eh. At gaya mo hinahanap ko din siya.", 

Napatingin naman ako sa kanya  dahil dun.

"Bakit? ibig mong sabihin hindi kayo nag-uusap?? Kelan pa ba kayo huling nag-usap ni Terry?", naguguluhang tanong ko.

"Nung nakipagbreak siya sa akin 3 years ago. After nung aksidente mo. Kaya nga ako nagpulis eh dahil gusto ko malaman kung anong nangyare sayo at sa mga kaibigan mo dahil para din silang mga bula biglang naglaho." malungkot niyang paliwanag.

Nagtataka akong napatingin sa kanya. 

Huh?

Ano ba talagang nangyayare dito???  

This time, it's Our ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon