The first part of the surprise was......
Feeding and Education Program.
Yeap! Gustong gusto kasi ni Steph na tumutulong sa mga nangangailangan or yung salat sa ginhawa. As much as possible she would help someone kapag may oras siya. Nandiyang bibili pa siya ng food and grocery tapos ipapamigay lang niya sa mga batang kalye or yung mga pamilya na nakatira sa kalsada. Ganyan ginagawa niya everytime na may madadaanan kami na pulubi, or homeless, bata man o matanda. Makikita mo sa mukha niya yung happiness kapag nakaktulong siya. May instance pa nga na mejo natagalan kami kasi napasabak pa siya sa pagtuturo kung paano magbasa at magsulat yung mga batang kalye. She didn't mind the time and energy. She was just so happy to help and teach.
Ganyan kalaki ang puso ni Steph at lalo ata akong nainlove sa kanya nung unang beses niyang ginawa yun.
"Aanhin natin ang madaming pera kung ang dami ding taong hindi nakakain ng maayos? Ok na sa akin na nakakakain ako tatlong beses sa isang araw. Kailangan din kahit paano mamahagi tayo ng blessings sa mga taong kinakapos ng biyaya ni papa Lord," yan yung lintanya niya sa akin dati nung tinanong ko siya kung bakit niya ginagawa yun. Nabanggit ko kasi na may charity kami ni Al nung highschool pa kaya super excited siyang sumama sa amin nun. Pati nga yung foundation nadamay at napabayaan ko nung sinimulan ni Kayla guluhin buhay ko eh.
So ngayon, eto kami at nagpapamahagi ng mga groceries sa mga tao dito sa Isla. Ako, nakatoka na ipamahagi yung mga pagkain, si Steph naman nakatoka na pakainin yung mga bata ng sopas at mga meaty foods.
After namin dito, napilit ko si Steph na turuan yung mga bata kasi alam kong namiss niyang gawin ang magturo. Nung binanggit ko sa kanya yung plano ngayong araw (bukod dun sa pinakasurprise ko) muntik pa akong himatayin kasi naman bigla niya akong niyakap tapos umiyak. Grabe talaga ang puso nitong babaeng 'to sa mga bata. She would be a great mother someday, that I'm sure of.
"Steph? Okay na yung pwesto kung saan mo sila tuturuan. Ready na ba kayo?", tanong ko kay Steph matapos mailigpit yung mga gamit sa pagpapamahagi nung grocery.
"Yep! Ready na yung mga bata. Ang bilis nga nilang natapos eh. Excited ata matuto," nagniningning din yung mata ni Steph habang sinasabi yan. Malamang pati siya excited din. Hahahaa.
"Tara na pala. Tawagin mo na sila", yaya ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya. Napansin kong bahagyang namula yung magkabilang pisngi niya at tenga habang nakatingin sa magkahawak naming kamay.
Ayiiieh!!!!!
Kinikilig ang prinsesa ko. Pero nungka niyang aaminin yan. Uulan muna ng dugo bago niya aminin. Promise! Pustahan pa! Hahahah!
"Aruuuy! Kinikilig ang bebe gurl ko oh", Sabay poke sa pisngi niya.
"Hmp! Hindi noh! Mainit lang", Sabay irap at tawag sa mga bata.
Oh diba?? Sabi sa inyo eh! Hahahahah.
Ngunit...Subalit....Datapwat......
Hindi niya inalis ang kamay niya sa kamay ko at sa halip ay pinisil-pisil niya pa!
Harujusko!
Napapakagat labi na lang ako sa kilig!
Nararamdaman ko na naman yung kuryente eh! At kung anu-ano pa sa may tyan ko. Parang may kung anong buhay na gustong kumawala.
Eeeeeehhh!
Teka!
Baka naman si Volta 'to o si Wonder Woman?!
Hahahahah!
Pero......
Kase......
Naman!!!!!
Ako yung kinilig eh!
Hokage tong bebe ko eh. Ang lupet ng mga galawan.
Nakakainis! :p
Even my heart...200 heartbeats per minute.
But, honestly, I still couldn't stop myself, even if I want to.......to fall in love with this beautiful girl.
And I'm more than excited to tell her and confess my feelings to her later.
Pray for me guys! I hope everything will go perfectly according to plan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Next: Part 2 of the Surprise. Confession. (ang drama noh? XD)
BINABASA MO ANG
This time, it's Our Chance
RomanceThis is the Book 2 of Is There a Chance for Us. Will France and Steph have their chance to be together? Sino ba ang may kasalanan kung bakit never nagkaroon ng chance sila France and Steph? Will that person reveal everything in this book?
