Enchanted Indeed!

334 6 2
                                    

Steph's POV

I approached their table while Xyville is holding my hand.

Hindi ko na nga namalayan na hawak hawak na niya yung kamay ko at hinihila ako palapit sa parents ni Franchesca.

So nagkaron ng kapatid si Franchesca? Kailan? Before the accident, only child lang si Franchesca eh. So how come my little boy sila?

Habang palapit kami ng palapit ay hindi ako mapakali.  The last time we encounter them was 3 years ago. At parang galit pa sila sa amin noon. So hindi ko alam kung anong gagawin ko pag humarap ako sa kanila. Baka ipagtabuyan lang nila ako.

Hindi ko naman mabawalan si Xyville kakahila sa akin. Baka masaktan siya. Nakikita ko kasi yung saya sa mukha niya habang palapit kami sa parents ni Franchesca. 

Nang mga limang hakbang na lang kami bumitaw si Xyville sa mga kamay ko at patakbong lumapit sa magasawa. Lumingon siya sa akin pagkaraan ng ilang segundo at kumaway na lumapit ako.

Breathe in.. Breathe out. Wooh! Go push!

Habang palapit ako sa kanila nakita ko namang nagtinginan ang magasawa at sabay na tumayo.

Hay naku po! Jusko Lord. Help me. Wala naman po kaming ginawang masama. Napapapikit kong dasal.

"Stephanie? Ikaw na ba yan iha?", bating bungad sa akin ng mama ni Franchesca.

Napatingin ako sa kanila at tumango at bahagyang napangiti. Nagaalangan pa rin ako sa ikikilos ko dahil hindi maganda yung huling pagkikita namin.

"Pasensya ka na sa amin iha. Alam kong hindi maganda yung huling pagkikita namin. Magulang kami at napakasakit para sa amin ang makitang nasa ganoong kalagayan ang nagiisa naming anak. Patawarin mo sana kami sa naging trato naming magasawa sa iyo..sa inyo noon. Gusto sana naming makabawi. Alam na namin lahat ng totoo. Lahat ng nangyari. Lahat ng pinagdaanan niyo. Sana mapatawad niyo kaming mag-asawa", naluluhang pahayag ng papa ni Franchesca.

Hindi ako makpaniwala sa narinig ko. Hindi ko na nacontrol ang aking sarili at pati ako ay naiyak na din. Sinugod ko sila ng yakap at pare-pareho kaming umiyak at nagkapatawaran.

"Granma? Granpa? You know Tita Steph?", inosenteng tanong ni Xyville sa magasawa.

Granma? Granpa? Apo nila si Xy? How come??? Wait?! 

ANAK SIYA NI FRANCHESCA!?!?!?!?

Hindi ko naitago ang pagkagulat ko na agad din naman napansin ng mag-asawa.

"Mahabang kwento iha. Pero oo anak siya ni Franchesca. Not by blood though. Mas maganda niyan sa kanya mo itanong diretso. Kasama din namin siya dito. Umalis lang saglit yun at may sinagot na tawag," nakangiting pahayag ng papa ni Franchesca.

"By the way iha, please call us Papa and Mama na din. We know all about you and our daughter," pahabol ng mama Alanda.

Di ko na naman napigilang maiyak at mahigpit silang niyakap. Nakiyakap na din si Xyvile at nakiiyak na animo'y naiintindihan yung nangyayari.

"Thank you Papa Edgar and Mama Alanda!," naluluha kong pahayag sa kanila habang nakayakap pa din. Maya maya pa ay masaya na kaming nagkukwentuhan sa may table na inookupa nila. Sinusubuan ko na din ng cake si Xyville habang maligalig na nagkukwento ng mga adventures daw niya.

Nang biglang.......

.
.
.
May nagsalita sa likuran ko.

"Anong nangyayari dito?", boses ng bagong dating.

Gulat na napalingon ako.

Hindi ako pedeng magkamali.

Kilala ko yung boses na yun!





This time, it's Our ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon