Flashback 4 (Island Getaway)

570 18 4
                                    


France

We went to an island not too far from the rest house. It's not an isolated island. May mga nakatira dito na community. Maliit lang yung number nila kaya aakalain mo eh magkakakamaganak silang lahat.

 Maliit lang yung number nila kaya aakalain mo eh magkakakamaganak silang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kilala na nila ako and welcome na welcome ako dito. Ang totoo niyan, sila din yung tumulong sa akin magset up nung surprise ko kay Steph. Dito ko kase gagawin. Dito sa island. Napamahal na kasi saken to. Pero later na yun.

Mahaba pa ang araw.

Sa ngayon maliligo na muna kame and mageenjoy. May sarili na akong kubo dito na tinayo nila para everytime na dadalaw ako eh meron na ako tutuluyan. Ang babait nila ano po? Hihih

I see to it naman na everytime na dadalaw ako may dala ako para sa kanila.

Konting tulong. Groceries and all.

Maliit na bagay kumpara sa nagawa na nila for me during nung time na napadpad ako dito.

Gaya ng sabi ko eh malapti lang tong island sa pampang and main na pamumuhay dito eh pangingisda at pagtatanim ng gulay. They do trading sa bayan pero most of the time yung mga huling isda at tanim yun na talaga yung food nila. So pag dumadarating ako before may dala na akong meat. Meron din namang mga hayop dito. Wala nga lang baboy. Ang sabi nila eh mahirap na kase baka madumihan daw yung dagat. Ewan. Di ko sila gets. Hahhaha!

Going back, yun nga...kaya ako napadpad dito eh may mangingisda na sumagip sa akin noon. Nagpakalunod kasi ako. Di ko kinaya yung depression ko dahil kay Kayla and thankfully nakita ako ni Ka Ador. Siya yung kumupkop sa akin. Tumagal ako ng isang lingo dito sa isla not knowing na sobrang nagaalala na pala sila akin sa Manila. Pinangaralan ako ni Ka ador about sa mga bagay bagay kaya nung umalis ako dito sa isla I was different. Hurting but different.

Sa ngayon, consistent na nagpapadala ako ng supply dito sa kanila. At to prove their kindness ayun sila nagset up, nagayos at naghanda ng bongga sa surprise ko kay Steph. I'm planning to propose na eh.

Joke! Hahahahah!

Masyado pang maaga. I'm going to confess sa kanya and I'm going to ask if I can court her. We'll take it from the very beginning. I want us to establish our foundation and sort.

Nakarating kami sa isla at sinalubong kami nung mga nakatira dito lalo na ni Tess. Anak siya ni Ka Ador. Bunso sa kanilang magkakapatid. She's like 5 years old.

"Ateeeeeeeee gandaaa!!!! Bumalik ka! May pasalubong ka ba sa akin?", masayang salubong sa akin ni Tess habang palundag na tumalon papunta sa braso ko.

"Syempre naman kulet. Meron. Mamaya ibibigay ko sayo kapag nakapagayos na kami ng gamit sa kubo," nakangiti kong sagot sa bata.

"Kami?," takang tanong niya at doon pa lang niya napansin si Steph sa likod ko na nakangiting nakatingin sa kanya. At gaya ng inaasahan ko............

.

.

.

.

.

.

"Waaah!!!! Ateee!!! Ang ganda ganda mo naman pooooo!!!!", tili ng bata sa braso ko at nagpumiglas pa para makababa at tumakbo kay Steph at nagpakarga.

Sinalubong naman ni Steph si Tess at binuhat at nginitian.

"Salamat baby. Anong pangalan mo?",

"Tess po! 5 na ako. Si ate ganda ang nagtuturo sa aking magbasa at magsulat." Tuwang tuwang pakilala ni Tess kay Steph.

Napatingin sa akin si Steph at ngumiti ng malapad.

Naman eh! Ayan naman na siya oh!

Hindi niya ba alam yung epekto ng mga ganyanan niya sa akin??

Yung kaluluwa ko malapit ng mapaihi sa kilig eh!

Habang masayang nagkukwentuhan yung dalawa binitbit ko na yung mga gamit namin sa kubo ko. Hindi naman siya kalakihan at hindi din naman siya maliit. Tamang-tama lang para sa dalawang tao.

Habang inaayos ko yung gamit at pagkain sa loob pumasok si Ka Mira.

"Maganda siya anak.", nakangiti niyang salubong sa akin sabay yakap.

Napangiti na lang ako ng malapad kay Ka Mira. Isa siya sa mga nagaruga sa akin noon dito. Isa rin siya sa mga nagpangaral at pinagalitan ako. Hahaha. May kasamang batok pa yun.

Kaya siguro natauhan ako bigla hahahaha.

"Handa na po ba lahat Ka?"

"Oo. Nakaayos na. Kayo na lang ang hinihintay."

Yon! Ready nap ala lahat.

Edi.......Umpisahan na ang sorpresa!

This time, it's Our ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon