VI

1K 33 0
                                    

Woo! sige! 2 updates in one day! Bawi kung bawi. Madami pang susunod.

Ang hirap naman kaseng ma-writer's block! Kainis. Anyway, here's another update. 

Enjoy. Short lang to. Kelangan ilabas ......ilabas ang ano...ilabas yung nasa isip ko baka makatakas pa. Mahirap na. Hahaha.

Thanks for still reading.

xoxo

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Lumipas ang mga araw at patuloy sa paghahanap sila France at Enrico. 

Gumagawa siya ng paraan para hindi mapansin ni Aries na umaalis siya. Pero napapaisip siya kasi mukhang wala pa namang alam sila Aries, pati ang parents niya sa totoong kalagayan niya pero yung stalker niya mukhang alam na nagbalik na lahat ng alaala niya. 

Hindi tuloy niya malaman kung paniniwalaan ba niya ito dahil wala pa itong pinagsasabihan na kahit sino tungkol sa kanya pero patuloy pa din na nag offer ng tulong na mahanap si Steph.

Sinabi na din niya lahat ito kay Enrico at tuloy pa rin ang imbestigasyon ni Enrico about dun sa stalker niya.  Ani nito ay medyo matinik at magaling magtago yung taong yun.

Hinahayaan niya lang muna sa trabaho nito ito mafocus dahil siya kailangan din niyang asikasuhin ang anak niya. Nawawalan na siya ng oras dito at nararamdaman niyang nagtatampo na ang bata sa kanya.

Kaya may naisip siyang paraan para mapasaya ito. Isa din ito sa gusto niyang gawin kasama noon si Steph. Sana magawa din nila ito someday.

"Ma? Asan si Xyville?", tanong ni France sa mama Alanda niya isang umaga ng Sabado.

"Naku anak, kasama ng Daddy mo lumabas at naglalakad lakad. Malungkot yung bata kaya inaliw muna ng dad mo," paliwanag ng mama niya habang inaayos yung mga gagamitin niyang pangbake.

"Ganun po ba.", malungkot na pahayag ni France.

Napatingin siya sa ginagawa ng ina. Napakunot noo siya.

"Ma anong balak mong ibake? Mukhang marami yan ah", habang pinagmamasdan ni France ang mga nakahaing kagamitan sa mesa.

"Cookies and cakes lang anak. Mukhang mana sayo si Xy kase sobrang hilig sa chocolates and sweets. Gusto ko lang din mapasaya yung apo ko eh," nakangiting saad ng ginang.

Lalong lumungkot ang pakiramdam ni France. She's been neglecting the kid and she's not aware of it.

"Wala po bang sinasabi sa inyo si Xy kung bakit siya malungkot?," 

"Wala naman anak. Bukod sa madalas kang hinahanap eh wala naman nababanggit yung bata. Bakit?" nagsisimula na itong magbake ng mga ingredients.

"Wala naman ma. Medyo nawalan kasi ako ng oras sa kanya nitong mga nakaraang araw. Masyado ata akong nawili sa loob ng art studio ko. Gusto ko sanang magspend ng time sa kanya ngayon," nakangiting paliwanag ni France habang tinutulungan niya sa pagbebake ang mama niya.

"Ay maganda yan baby! Sige yamu pabalik na din siguro yung maglolo na yun galing sa paglalakad lakad."

Ngumiti lang siya sa ina habang itinutuloy ang pagbebake. Halos nakalimutan na niya ang oras dahil masyado silang nag-enjoy mag-ina sa pagbebake ng marinig nila ang ingay na nanggagaling sa sala patungo sa direksyon nila.

"I'm so happy Lolo! Thank you for taking me to walk today!", matinis na boses ni Xy ang naulinagan nila ng sumulpot ang dalawa sa loob ng kusina. Nakangiti lang ang mag-ina sa dalawa habang pinagmamasdan ang mag-lolo. Halos patapos na din nila ang mga binake nilang cookies and cakes.

"Glad you had fun apo. Next time ulit, we'll take a walk sa park." nakangiting ginulo ng matanda ang buhok ng bata.

"Alright lolo! Promise mo yan ha---", hindi na natapos ng bata ang sasabihin ng malingunan niya ang ina sa tabi ng lola niya.

"T-teddy??," nasambit na lang ng bata na mababanaag mong malapit ng umiyak.

"Hi Bear. Did you miss me? I'm sorry for not being able to be with you these past few days", malungkot na pahayag ni France habang nakatingin sa batang umiiyak na.

"Yes Teddy! I missed you so much!!!", palahaw ng bata habang patakbong yumakap kay France.

Agad namang sinalubong ng yakap ni France ang anak niya na napaiyak na din dahil sa guilt na nararamdaman.

"I'm sorry baby bear. Madami lang kasi ginagawa si Teddy kaya nawalan ako ng oras sayo. But promise, I'll make it up to you ok? Will you let me bear?", nakatitig na sambit ni France sa anak habang pinupunasan ang mga luha nito.

"Ofcourse Teddy! Promise yan?", nakangiti na ang bata na nakatingin sa ina nito.

"Yes baby bear. In fact I planned something for us today. Do you wanna know what it is?", tanong niya sa anak.

Tila naging isang bituin sa kintab ang mata ng bata habang sunod-sunod na tumango. Natawa na lamang ang mag-asawa sa tabi ng mga ito na animo'y parang mga baliw dahil may mga luha pa sila sa mga mata ngunit tumatawa naman.

"Alright kiddo, settle down. Tama na ang pagtango at baka mahilo ka," natatawang sambit ni France sa anak habang hawak-hawak ang pisngi nito.

"Eeeeh! Teddy! What's your plan??? You're killing me!", nakapout na sambit ng bata sa ina.

"Well, I planned us to go to Enchanted Kingdom. What do you say?", France playfully nudge her kid.

Xyville's eyes became as huge as a golf ball with excitement. He looked at his mom and then to his grandparents then back to his mom again. He couldn't seem to contain his excitement that he suddenly burst out running and yelling.

"Yes!! Yes!!! Woooohoooo!!! We're going to Enchanted Kingdom!!!!! Yessss!!!!!" Xyville yelled while running around.

Natawa na lang sila France at ang parents niya while watching their hyper active little kid running around.

"So Ma, Dad? Sasama ba kayo?", tanong ni France sa parents niya.

"Aba oo naman! Sa lagay eh kayo lang ba ang mageenjoy. Aba'y hindi naman ata tama yun!," bulalas ng Daddy Edgar niya.

Natawa na lang ang mag-ina sa reaksyon ng dad niya. 

"Tamang-tama yung mga na-bake na cakes and cookies. May baon tayo." nakangiting sabi ni Alanda.

"Great!", pahayag ni France sabay lingon sa batang nagtatatakbo pa din.

"Alright baby bear. Stop running or you'll get tired. You won't be able to come with us anymore if you're tired", paalala ni France sa bata.

Dahil sa narinig agad na huminto si Xy at tumingin sa mom niya with wide eyes. Then biglang naupo sa pinakamalapit na upuan and smiled widely kila France. 

Ang Kulit!

Napailing na lang si France at agad na inakay ang anak sa kwarto para bihisan.

This day is for her and her son.

This time, it's Our ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon