July 25, 2020
Walking straight, smiling at everyone's congratulatory messages, pero sa totoo lang they were all blurry in my eyes. Hindi ko talaga sila nakikitang lahat dahil ang isip ko ay nakatutok lang sa mangyayari ngayon. Kung saan magbabago na ang magiging takbo ng bukas ko. For this day is the most awaited day of my life! Ang araw na ito ay ang araw kung saan masasabi kong pormal ng magiging akin ang babaeng pinakamamahal ko. Ang araw na ito ang magsisilbing tanda na makakaisang-dibdib ko na ang babaeng bumago sa buhay ko. Ang araw na ito ang simula ng maraming pagbabago sa buhay ko. Magandang pagbabago... dahil ito ang araw ng kasal namin ng mahal ko. Si Niqi.
Mukha lang akong kalmado. Ang totoo, mabilis na mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Ako ang lalaki pero natatakot akong hindi ako siputin ni Niqi sa araw na 'to. Paano kung biglang magbago ang isip niya? Paano kung bigla niyang maisip na hindi pala niya ako ganoon kamahal? Paano kung bigla niyang mapagtanto na mas marami pang ibang lalaki na mas karapat-dapat para sa kanya?
Sa sobrang kaba ko, nagulat na lang akong lumalapit na ang wedding coordinator ko. Nag-cut daw ng kuha ang videographer namin dahil nakatulala lang ako sa gitna. Hindi nila mapalakad ang mga kasunod ko. Napakamot na lang ako sa ulo ng makitang umiikot ang tingin ni Tyn sa naglalakad na pigura ko. Kung ang normal na entourage ay parents ang kasunod lumakad ng groom, sa akin si Tyn. Kasi hindi sumulpot ang parents ko. Mali! Hindi susulpot ang parents ko. Nang tanungin ako ng wedding coordinator namin kung anong oras darating ang parents ko sa rehearsal namin ay hindi ako makasagot. Nahihiya akong sabihin sa kanya na hindi ko inimbita ang mga magulang ko. Matapos nila kaming abandunahin ni Scarlet, itinatak ko na sa isipan kong mas nauna pa silang nawala kaysa sa kapatid ko.
Noong pumayag si Niqi magpakasal sa akin, gumawa kami ng paraan para maipaalam sa mga magulang ko ang plano kong bumuo ng sarili kong pamilya. Mabuti na lang at sinamahan ako ni Tyn. Hindi pa kami nakakaapak sa mismong bahay ng mga magulang ko ay rinig na rinig na namin ang hindi nila pagsang-ayon sa gusto ko. Magpapakasal na lang rin daw ako ay hindi pa sa mayamang angkan na katulad ng sa pamilya ko. Dali-daling hinila ni Tyn ang kamay ko at magmula noon ay hindi na kami bumalik pa sa lugar na iyon. Tama na! Ayaw ko na. Hinding-hindi na ko susunod sa gusto nila. Hindi ko hahayaan na sirain nila ang buhay ko katulad ng pagsira nila sa buhay ng kapatid ko. Wala na si Scarlet. Hindi man lang niya nakilala ang magiging ate niya. Hindi man lang niya nakita kung gaano ko kasaya ngayon.
"Stop looking so tensed, Grayson." napatingin ako kay Tyn ng makitang tumayo siya sa gilid ko? 'Di ba, dapat best man ang katabi ko dito. "Stop looking at me like that. Ang dami kong role sa kasal mo. Imbes na sa kabila ako dahil matron of honor ako, nauna akong maglakad dahil ako ang nilagay mong only family of the groom."
"Thank you!" I smiled at her genuinely. Totoo naman kasi. She's the only family I have. The only family I got left. "Thank you for doing these extra miles for me. Nandyan ba si Niqi?"
"Gago ka ba? Kung wala pa 'yong bride, sa tingin mo paglalakarin nila 'yong groom? Nanggigigil ako sa 'yo! Tumahimik ka na."
"Hanggang dito ba naman, nagtatalo pa rin kayo?" paglapit na paglapit ni Dax, mabilis na tinakpan namin ni Tyn ang ilong namin. "Tangina niyo. Naligo ako!"
"Tapang ng pabango mo!" sabi ni Tyn. "Ang sakit sa sikmura. Nakakaduwal!"
Unti-unti na lumalapit ang mga kaibigan namin sa pwesto ko. Isa lang ang ibig sabihin nito, malapit ko na makita ang mapapangasawa ko. Saktong pag-angat ko ng tingin ay ang nakangiting mukha ng Papa ni Niqi ang nabungaran ko. Makikita mo ang galak sa mukha niya. Parang piniga ang puso ko sa saya na nadarama ko. Buti pa ang magiging biyenan ko, masaya para sa amin ng anak niya. Napakunot ang noo ko ng tumigil siya sa gitna. Lalapit na sana ko ng maramdaman ko ang kamay ni Dax sa mga braso ko.