Grayson Chua
1 mutual friend: Oliver Morris Quintaña
Lives in MakatiVIEW PROFILE
02:01 AM
Grayson: Niqi, can we talk?
Grayson: Si Ollie ba?
Grayson: Si Ollie ba ang dahilan kaya ayaw mo sa akin?
Grayson: Maiintindihan ko naman kung hindi mo ko gusto. Pwede mo naman deretsong sabihin sa akin.
Grayson: Promise, hindi ako magagalit. Hindi ako magagalit sa 'yo. Alam ko naman kung hanggang saan lang ako pwede. Hindi rin naman ako mamimilit. Hindi kita pipiliting magustuhan ako.
Grayson: Alam mo ba, Niqi, hindi naman talaga ko ganito. Hindi rin ako bigla-biglang nagtatawag ng baby sa kung kani-kanino, pero ewan ko ba, pagdating sa 'yo lahat nagbabago.
Grayson: Hindi 'to landi lang, kung ayun ang iniisip mo. Maniwala ka man o hindi gusto kita.
Grayson: Sa chat natin medyo iba, hindi kapani-paniwala, pero totoo nararamdaman kong pagkagusto sa 'yo.
Grayson: Lalo na nung makita kita. Ang ganda ganda mo. Ang amo ng mukha mo. Ang simple mo pero ang astig ng buhok mo. Hindi dahil sa kulay ng buhok mo pero ikaw yung tipo ng babaeng mapapansin agad kahit napakaraming tao.
Grayson: Ikaw yung babaeng makikilala ko agad kahit hindi ko alam na nandyan ka kasi mararamdaman at makikilala ka agad ng puso ko.
Grayson: Alam ko, masyadong mabilis pero sana bigyan mo ko ng chance para mapatunayan sa 'yo yung totoong nararamdaman ko.
Grayson: Sana wag mo akong pigilang kilalanin ka at ipakilala kung sino talaga ko.
Grayson: Sanay na sanay na kong masaktan at maiwanan pero ayaw kong basta na lang isuko yung pagkagusto ko sa 'yo. Gusto kong malaman kung bakit at ganito nararamdaman ko sa 'yo.
Grayson: Gusto kong malaman kung hanggang saan ko kayang lumaban at patunayan kung ano lahat 'to. Bakit ikaw?
Grayson: Sana hayaan mo ko. Alam ko maiintindihan tayo ni Ollie. Please, wag mo naman akong basta itulak palayo na hindi mo man lang tinitignan kung anong magagawa ko para sa 'yo.
If you reply, Grayson will be able to call you and see information like your Active Status and when you've read messages.
DELETE
BLOCK