Grayson Chua11:06 PM
Grayson: So, ikaw pala yung binigyan ni Ollie ng bulaklak.
Hi! Oo. Nagulat din ako promise.
Tatlong araw na nga mula nung huli ko siyang nakausap. Kaya nga hindi ko rin alam ang dahilan niya kung bakit niya ko binigyan ng bulaklak.
Grayson: Binasted mo ba si Ollie?
Hala! Anong binasted? Hindi ah.
Grayson: Sinagot mo siya?
Luh?!
Okay ka lang? Tropa kami ni Ollie.
Boss ko siya sa work ko ngayon.
Grayson: Sa anong company?
Anong klaseng tanong yan, Gray?
Ayos ka lang ba?
Grayson: Awit. Hindi mo ba alam na tatlong company ang hawak ni Ollie maliban sa FM?
FM as in Fix Me?
Wait. Wtf, tatlo?!
Grayson: HAHAHAHAHA! Di mo nga alam.
Hindi talaga.
Ano-anong company hawak ni Ollie?
Grayson: IT Consultant siya sa BGC, Executive Operations Manager sa isang real estate business tsaka Chief Operating Officer sa advertising company sa Ayala.
Grayson: Si Ollie din ang Head ng Tech Department ng Fix Me.
Woah!
Ni hindi magkaka-connect yung trabaho niya? Like, paano?
Grayson: Genius eh.
True!
Sa architectural firm kami unang nagkakilala.
Grayson: Firm? Two years ago?
Oo. Teammates kami sa dati kong company.
Doon kami unang nagkakilala.
Sa real estate ako ngayon, pero malapit na rin ako mag-resign. Sobrang hassle sa biyahe tsaka stress na ko masyado. Hirap kapag komisyon na usapan 🥺
Grayson: Tangina!
Grayson: Hindi niya pala ko niloloko nung sinabi niyang nauna siya.
Ha? Nauna saan?
Grayson: Tangina. Sorry
Bakit ka nagso-sorry?
Ano bang problema?
Grayson: Hindi ba sinabi sa inyo ni Tyn?