Sean Eros Platero05:28 AM
Sean Eros: Gray, kumusta?
Sean Eros: Okay ka na ba?
Paps
Anong gagawin mo kung yung kaisa-isang babaeng nagustuhan mo gusto rin ng kaibigan mo?
Ang malala pa doon, para na kayong magkapatid.
Ang pumapasok kasi sa isip ko, bro code eh. Kaso gustong-gusto ko siya. Hindi ko rin maipaliwanag pero simula pa lang kasi, gustong-gusto ko na siya kausap. Hindi pa kami nagkikita pero ang gaan na ng loob ko sa kanya.
Alam mo yun? Gusto ko magpaubaya pero gusto ko rin ilaban?
Pero paano ko ilalaban yun, wala akong pwedeng ipagmalaki sa kanya. Walang-wala ako kay Ollie.
Sean Eros: Gray
Sean Eros: Hindi naman nakikipag-kumpitensya si Ollie sayo.
Sean Eros: At wala na si Ollie. Nagagalit ka ba kasi iisang babae lang nagustuhan niyo?
Hindi. Hindi ko magagawang magalit kay Ollie. Paano ko magagalit sa taong sobrang inalagaan ako? Si Ollie pinakabata sa atin pero siya yung dumamay sa akin nung hinang-hina na ako. Si Ollie yung sumasama sa akin kapag kailangan ko magpunta sa doctor ko. Si Ollie yung gumagawa ng paraan para mapagaan lahat ng iniisip ko.
Ang daming ginawa ni Ollie para sa akin pero ngayon aagawin ko pa sa kanya yung babaeng mahal niya? Ang sama sama ko naman paps. Sa lahat ng ginawa niya para sa akin, ito igaganti ko? Aagawin ko yung dapat kanya.
Sean Eros: Hindi mo ba naisip na baka kaya siya nawala, baka kaya siya umalis na, para hindi na siya makagulo sa inyo?
Sean Eros: Sayo mismo nanggaling. Ginagawa ni Ollie ang lahat para mapagaan lahat ng dinadala mo. Baka isa ito sa nakikita ni Ollie na dinadala mo.
Sean Eros: Gray, alam kong maiintindihan ka ni Ollie kung gusto mong ipaglaban si Niqi. Alam natin kung anong klaseng tao si Ollie. Hindi siya napagtanim ng sama ng loob. Gusto niya lang laging magpasaya ng mga tao. Lalo na mga mahal niya sa buhay.
Sean Eros: Ni minsan, hindi natin narinig kay Ollie na galit siya sa mga magulang niya. Kahit ganoon ang trato sa kanya.
Paano kung biglang bumangon si Ollie tas sabihin sa akin na kanya lang si Niqi?
Sean Eros: HAHAHAHAHAHA
Sean Eros: Tangina mo gago
Sean Eros: Hindi ka bida sa pelikula. Walang patay ang mabubuhay para lang bawiin yung mahal niya.
Sean Eros: Magpahinga ka na. Wag mo muna masyadong isipin to. Sa ngayon, pagod ka at hindi mo maiintindihan ang lahat kasi maraming gumugulo sa isip mo. Tsaka mo na siya pag-isipan ng husto.
Kailan naman yun? Kailan ko pa to iisipin?
Sean Eros: Kapag handa ka na.
Sean Eros: Kapag handa ka na talagang ipaglaban yung nararamdaman mo sa kanya na hindi na iniisip na may inaagawan ka.
Sean Eros: Dahil wala ka naman inaagawan. Hindi rin naman kasi naging kanya yung pareho niyong nagustuhan.
Eh?
Thanks paps
Baka nga pagod lang ako.
Salamat sa paglilinaw nung ibang tanong ko.
Sean Eros: Sige na. Maaga pa tayong aalis mamaya. Magpahinga ka na.
Seen. 06:05 am