42

373 20 21
                                    


Oliver Morris Quintaña

10:30 AM

Oliver: Gray, na-contact mo ba si Xavi?

Hindi pa rin nga.

Ano na kayang nangyari sa kanila? Mahigit tatlong linggo na.

Oliver: Hindi ko nga rin alam.

Oliver: Nakakastress yong mga may scheduled appointment. Ako natotorete.

Hahahaha. Kaya ba pinaaaral mo sa akin yong program mo?

Oliver: Oo, pati si Sean di ba? Tinuruan ko. Dati kasi dalawa kami ni Tyn nag-aasikaso, ngayon ako lang. Tapos marami pa kailangan i-check.

Okay lang. Medyo madali lang naman siya. Nakatulong rin siguro na may background ako sa paggawa ng program.

Oliver: Kapag gets mo na program, pwede akyat ka dito office ni Tyn?

Hindi ka naalis dyan?

Ayos ka lang ba?

Oliver: Oo, kailangan ko lang ng mas malaking office. AHAHAHAHA

Oliver: Kailangan ko PC ni Tyn para deretso ko na lang sa files niya mga inaasikaso ko.

Ah, sige. Akyat ako mamaya.

Oliver: Gray, pwede ngayon na? Haha. Kaya ba today makuha yong program?

Tangina, bakit nagmamadali ka? May lakad ka ba?

Oliver: Gusto ko na mabawasan workload ko. Hindi ko naman ito pwedeng basta ipasa sa iba. Kaya nga ikaw pinapupunta ko dito.

Oliver: Baka gaguhin lang ng mga ugok 'to. Pati tayo madadamay sa init ng ulo ni Tyn pag nagkataon.

Ollie, pwede magtanong?

Oliver: Ano yon?

Bakit mo ginawa 'tong program?

Oliver: Di ba, pinagawa ni Tyn? Kaya ginawa ko.

Kaya nga, pero bakit?

Oliver: May mga bagay na mahirap ipaliwanag.

Hindi ako magagalit kung may gusto ka kay Tyn.

Oliver: Gago!

Oliver: Wala.

Oliver: Magkaibigan lang kami.

Mahirap gumawa ng program. Hindi mo basta basta gagawin to para sa kaibigan lang.

Oliver: Bakit niyo gusto si Tyn?

Tangina mo.

Nakakabigla tanong mo.

Ako nauna magtanong. Sagutin mo muna.

Fix You, Miss Dull AlmightyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon