Nessy Patrizia Reyes08:30 PM
Ate Ness
Pwede po magtanong?
Nessy: Sure, Niq!
Nessy: May problema ba?
Posible po bang magka-gusto ako sa ibang tao habang iba yung iniisip ko?
Nessy: Bakit mo naiisip na may gusto ka doon sa isa?
Nessy: Tapos yung isa naman iniisip mo lang?
Nessy: Hindi ba mas posible na yung iniisip mo yung taong gusto mo?
Ate, naguguluhan nga ako.
Kasi feeling ko may gusto ako doon sa isa, ang ipinagtataka ko, bakit habang iniisip kong gusto ko yung taong yun, bigla ko maaalala yung isa.
Nessy: Baka kaya ka naguguluhan kasi iniisip mong may basis naman kung magkakagusto ka sa kanya, pero yung isa bigla na lang dumating.
Nessy: Hindi mo ine-expect na mararamdaman mo siya kasi hindi ka naman nag-iisip ng ganoong bagay pero biglang isang araw, naramdaman mo na lang bigla.
Parang ganoon na nga, ate.
Nessy: Gusto mo ba talaga siya o may naaalala ka lang kaya naiisip mong may gusto ka sa kanya?
Nessy: Yung isa naman na naiisip mo bigla, naiisip mo ba siya dahil magka-konekta silang dalawa o siya talaga yung gusto mo? Confuse ka lang kasi feeling mo mas malalim koneksyon mo doon sa isa.
Nessy: Gaano ka kasigurado na yung nararamdaman mo sa kanilang dalawa, yun talaga nararamdaman mo?
Nessy: I mean, sure na sure ka ba talagang yung iniisip mong gusto mo ay talagang gusto mo?
Ate, parang mas lalo lang akong naguluhan sa sinabi mo.
Nessy: Ayun nga ang purpose ko. Ang mas guluhin ka. HAHAHAHAHA!
ATE NAMAN 🥺
Akala ko mas malilinawan ako kapag ikaw kinausap ko. 😭
Mas lalo akong na-confuse.
Nessy: Analyze mo muna ang sarili mong feelings. I-analyze mo yung sitwasyon at imagine-in mo sila pareho na nasa harap mo.
Nessy: Kapag dumating yung oras na magkakaharap kayong tatlo, sino ba sa kanila ang lalapitan mo?
Nessy: Sino sa kanila yung pipiliin mo?
Ah, sige.
Try ko yang suggestion mo ate.
Thank you! Sorry sa istorbo 👉🏻👈🏻
Nessy: No problem, Niq. 😌
Nessy: Kapag gusto mo ulit na mas maguluhan, nandito lang ako. Hahahaha
HAHAHAHA
Ewan ko sa iyo, ate. 😂😂😂
Seen. 09:05 pm