Oliver Morris Quintaña04:45 PM
Sir Ollie, napasa ko na po sa secretary niyo yung minutes ng meeting kaninang umaga.
Oliver: Tinawag mo nga akong Ollie, may Sir naman.
Oliver: Ano ba naman yan, Niqi?
Duh! Office hours pa
Oliver: So? Chat natin to. May makakakita ba dito kung binabastos mo ko?
Grabe naman sa binabastos, sir.
Hindi naman po ako ganyang klase ng tao 😶
Oliver: Anong klase ka ba ng tao?
Mapagmahal sa kapwa po.
Oliver: Kapwa is me.
Huh?
Luh! Itsura nito.
Oliver: Gwapo. Kitang-kita naman, di ba?
Bastusin na po kita, sir?
Oliver: Sige lang. Kahit babuyin mo pa ko.
Pota ka, Ollie!
HAHAHAHAHAHAHAHA
Oliver: HAHAHAHA!
Oliver: Gusto mo sumama sa akin?
Saan?
Ay wow, saan agad. Mabilis din po pala ko mag-tiwala kaya lagi akong niloloko. 🙃
Oliver: Akin ka na lang.
Oliver: Hindi kita lolokohin.
Talaga ba? 😌
Narinig ko na rin yan sa tropa mo pero may girlfriend pala. Okay.
Oliver: HAHAHAHAHA may sama ng loob, Niqi?
Hoy, wala ah.
Saan nga pupunta?
Oliver: HQ ng Fix Me?
Isasama mo ko doon?
Oliver: Normal na office lang naman yun. Walang pets doon, bawal.
Oliver: Pero minsan sinasama ni Tyn si Matcha tsaka si Choco.
Matcha at Choco?
Pets?
Oliver: Oo. HAHAHAHA
Oliver: Si Matcha, ibon. Si Choco naman, shih tzu.
Ang cute ng pangalan, pagkain. Hahahaha
Hindi naman halatang mahilig siya kumain 'no?
Oliver: Oo, masarap din yun magluto.