Chapter 16

12.4K 440 23
                                    

tired

ACE'S POV

"You are my sunshine, my only sunshine; you make me happy when skies are grey. So please don't take my sunshine away..."

Have you ever experienced that emotion na parang nahuhulog ka sa isang tao pero pilit mong pinipigilan ito because you know it's impossible? Na imposibleng maging kayo? Na hanggang tingin ka lang? As for my case, hanggang sa kontrata lang ako.

Naka-uwi na si Lance and here I am left alone in my room kaya napagdesisyonan kung bumaba sa pool. Waters and breezes can help you calm.

Umupo ako sa gilid ng pool at itinampisaw ang mga paa ko doon. It's already dark since gabi na pero hindi mo naman kakikitaang madilim ang pool area since may mga ilaw na nakapalibot sa buong bahay. You can also see those guards na nakatayo lang sa iisang pwesto.

Seeing the water really helped me calm down lalo pa at may kalamigan ang gabi.

Water has memories...

Napangiti ako sa ala-alang nangyari kanina. Kahit labag sa loob niya ay napapayag ko ito. Imagine his manly face na may make-up. Wala siyang nagawa when I transformed him to a drag queen. One of my talents is make-up and dressing up drags. Wala lang, masaya rin naman ako sa mga ginagawa ko. I took a picture with the both of us kanina while he was sleeping and I posted it in insta kaya alam kong pag-pi-pyestahan 'yun ng mga tao. Nasagot na ang katanungan ng bayan, "sino nga ba si Mr. Apron man.

The last time kasi na nagpost ako which was at his penthouse na nagluluto ay kaagad na binaha ito ng mga komento and some of those media is now hooking me up for an interview. Sinigurado ko naman na hindi masiyadong halata ang mukha niya sa photo para hindi ko na siya maabala pa. Nakakahiya din naman para sa kaniya diba?

I just hate the unrequited feeling of uncertainty. I don't want to assume and most of all ay ayaw kong umiyak kapag matapos na 'tong kontrata. I watched my reflection in the water at itinaas ang tingin sa mga stars na naglalaro sa kalangitan.

It was painful for me to experience heartbreak in a young age, sa tao pa na gustong-gusto noon pa man.

"Where did you go last night, Ace? Sabi nila mom and dad ay hindi ka naka-uwi kagabi?" Bungad na tanong ni kuya ng makapasok ako sa bahay.

I don't want to talk to anyone right now. Gusto ko munang mapag-isa.

"Can we talk later, kuya? I'm tired kasi." Sabi ko habang pilit na winawaksi ang sakit na nararamdaman ko.

Ganun na lang ba 'yun? He promised me that night. Pero bakit umalis siya na parang wala lang ako sa kaniya?

"I swear to God kapag may nangyaring masama sa'yo..."

"No, Kuya. I was with Lance last night. He took care of me... I guess." The last part came out from my mouth as a mere mumble.

"You what? That fucker! I'll kill him!" Bigla akong kinabahan sa ekspresyon at lakas ng boses niya.

"NO KUYA! Please no!" Nagmamakaawa ako habang hawak-hawak ang laylayan ng damit niya para mapigilan ang pagpasok sa sasakyan niya. "Wala naman kaming ginawa eh, he was drunk and I made alalay only. Promise, I'm telling the truth, Kuya. I don't want this to create a void in your friendship."

I don't want to create a conflict between them. I know they are friends and hindi ko gustong magiba iyun dahil sa pinilit ko ang aking katangahan.

"I swear to all fuckers out there, ace! Papatayin ko ang gagong 'yun kapag may ginawa siya sa'yo!" Nangagaliiti na ang galit ni Kuya kaya dahil sa takot ay humikbi na ako ng iyak. Wala nga ksi eh.

"I'm no fool, Princess. Alam ko ang likaw ng bituka ng lalaking 'yun. Basing from those marks in your neck, alam ko. And what's making me mad is, wala akong nagawa para mailayo ka d'un." Sumiksik ako sa chest niya when he hugged me. I was sobbing and I was embarrassed at the same time.

My Kuya Silver may be hard-headed and cold in person, but he'll always be the kuya. The best Kuya I could ever have.

"K-kuya, I'm so s-sorry. Please, Kuya don't be mad."

"I'm not. I'm mad at him for taking advantage at you. I'll confront him some other time kapag malamig na ang ulo ko."

"No need, Kuya. I know na wala siyang natatandaan. Just let him be, and I'll forget about this," I know na hindi na niya maabutan si Lance. I heard him cursing the person that made his life miserable. Ayaw kong masaktan kasi wala naman akong kasalanan, we both were stuck on that contract, the only difference is I know him, yet he doesn't want to know me. 'Yun ang masakit; ang malaman mong sa simula pa lang ay wala ka ng laban.

I wiped my tear-steaked face at sinagot ang paparating na tawag, coming from Dinah.

"Hello, the bad bitch bunny speaking?"

"Oh, buti naman at nasagot mo na ang phone mo. Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo ah. Ano ba ang ginagawa mo, Ace?" Tiningnan ko naman ang naka-ilaw na screen and nakita kung may marami nga ang unanswered call.

"I'm sorry, I was busy. Ano nga pala ang pakay?" Tumayo na ako sa pagkaka-upo ng medyo nilalamig na ako sa tubig at pumasok sa loob, diretso sa kwarto ko.

"Napatawag ako dahil sa mga lumalabas na balita about sa inyo ni Lance. Ano na? Marami na ang nagtatanong, Ace kung sino ba ang lalaking palaging laman ng social media mo."

"You're exaggerating things out, Dinah. Wala namang namamagitan sa amin ni Lance," that is half true, "at tsaka hindi ka pa ba nasanay sa mga tao? Issue doon at Issue dito. Everthing will subside sooner or later." Sabi ko and nagsimulang kumain ng ice cream na dinala dito sa kwarto ko.

"Well, that is agreeable. Pero para maka-iwas na rin ay mag-ingat lang kayo para hindi na lumaki ang issue. The news and articles are hilarious." Natawa naman ako sa sinabi niya.

The disadvantage of my career,

Kung sino kasi ang patok sa takilya ay siya rin ang patok sa mga walang katotohanang balita. After all, curiosity is dangerous.

"That was my first agenda, the second one is about the press conference."

"What about it?"

"Your mom and dad cancelled it." Napataas naman ang kilay ko. Is there something na hindi ko nalalaman?

"Really, what was their reason?" I know the whole household was rooting for that press conference.

Mom was even excited and happy na pumayag na akong lumantad as a Villamayor. Mom and Dad convinced me to came out and nang masimulan na nilang ma-establish ng buo ang pangalan namin. Gaya ng sabi ko, why stop the inevitable? Alam ko na sa simula pa lang na mangyayari at mangyayari ang ganitong event. I just need to adjust myself I guess.

Hindi ko tuloy mapigilan ang isipin si Lance. I know na alam na niya kung ano talaga ang name ko outside and out of the lenses of the cameras. After all, siya ang fiancée ko. Pero I can't help but to overthink with the situation. Kaya ba siya nagkakaganito because of my name? Money? Fame? Sana lang ay hindi. Dahil nakikita ko na ang sarili ko na umiiyak sa katotohanan.

I hate it.

"They are planning to announce your real identity sa mismong kaarawan mo. Ang hindi ako sure ay kung ilalabas rin ba nila ang engagement mo kay Lance." My breathing hitched from what I heard in the other line.

I'm okay with the fact na ipapakilala nila ako to the real world but not the idea of informing the entire world about our engagement. I don't want it dahil alam ko na hindi iyon gugustuhin ni Lance. Sino ba naman ang gustong ipa-alam sa mundo na ikakasal ka sa isang bakla?

"Prepare for our date tomorrow. I'll pick you up, your fiancé." I read the message. I felt my heart beat irregularly.

Should I go over and trust you again, Lance? Will you be true to your words this time?

"Can you be trusted, Lance?"

Devil's Luscious Temptation [BL][COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon