Chapter 3

20.5K 856 96
                                    

notice

ACE'S POV

A week passed from the hellish work at school and some contract signing for my modeling; of course I am still grateful since that was for me.

Alam ko naman na may kaya ang pamilya namin, millionaire even, but the fact that it wasn't from me, it gives me the feel of wala akong silbi. And I hate it. Kung kaya mo, eh, bakit hindi na ikaw mismo ang mag-work? A person like me who enjoys spending money needs to realize that self-spending is much better.

I'm currently at the mall with Miles and Yaya, helping them with the groceries. Well, it is Yaya's work but I volunteered since it's free time.

"Ace, baka mpagalitan tayo sa ginagawa natin? Bumaba ka na lang kaya d'yan." Miles said as I tried to get the fresh milk at the top shelf. The keyword in there is tried. Ugh! Why am I so short ba kasi?

I want her to shut-up.

"No, its fine, ganito naman ang ginagawa namin ni Yaya." I smiled victoriously to myself as I finally reached the milk, that should I say also cost a few products to fall from its shelf.

"Where is Yaya by the way? Akala ko ba meat lang bibilhin niya? Nadaganan na ba 'yun ng karneng pig?"

"Karneng baboy kasi 'yun." Miles corrected.

"And so, mas sosyal pakinggan ang 'pig' keysa sa baboy. And diba parang nakaka-sad na baboy ang term kasi kinatay na nga ang poor pa rin ng name nila?"

Tumawa lang si Miles at umiling-iling na naunang maglakad sa akin. Pumulot lang ako ng kung ano-ano tas tinatapon ko sa cart namin. People are watching and taking pictures of me and I don't care. Free time ko ngayon so I don't need to make pakikipaghalubilo and plastikan.

After a moment of strolling in the grocery area, we finally found Yaya in the receipt section.

"Yaya, what took you so long, Larva mode na naman? You know what Yaya, I should buy you Lola Remedios, I heard a lot about it and it's good daw." Tumingin naman si Yaya sa amin.

She explained, saying that the receipt machine isn't in good shape, "And pwede ba, Ace. 'Yang pagka-conyo mo anak ay bawas-bawasan mo at itong isipan ko ay nalilito na sa mga lenggwahe mo."

"'Yan po ang kanina ko sinasabi sa kanya, 'nay. Wala eh, conyo ang amo natin."

Hinayaan ko na lang silang i-backstab ako kasi maganda naman ako. I focused on grabbing things and tinatapon sa shopping cart namin. After a while ay binabalik na naman ni Miles o ni yaya ang mga pinili ko. Ang bastos!

"Hala, siszt! Diba siya 'yung model na sinasabi mong idol mo? Tingnan mo!"

"Ay oo nga, bhie! Si Ace nga. Kunan mo ng litrato dali para may souvenir tayo!"

I heard some girls murmuring kaya tinanggal ko ang atensiyon sa mga bilihin at hinarap sila. Kita ko ang gulat at mangha ng kanilang faces. Yes, babes ako it's me, Ace Heartily. I wonder kung ano kaya ang nakita nila sa akin para magustuhan ako?

"Hi, girls!" Bati ko sa kanila at binigyan ng ngiti. Makapag-plastikan nga para naman mawala ang boredom ko, at tsaka this type of people ay for sure may chismis 'to na nalalaman.

"Gusto niyo ako nalang ang mag take ng picture sa inyo?" I offered. Mukhang natigilan sila pero kalaunan ay nagsisigaw at yumakap sa akin.

No offense, para silang mga worms na may salt sa katawan.

"Ang bait niyo po! Pwede pong magpa-picture?" Tanong ng isang girl at sinabunotan ang isa sabay bigay ng phone niya. Wala namang angal ang isa at pumwesto sa harapan namin para kunan kami ng photo.

Devil's Luscious Temptation [BL][COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon