Leanne's
"Girl, sama kami sa extra mo mamaya sa bar ha. Tsaka baka pwede naman makalibre kahit isang shot lang ng tequila dyan sa bar na pagkakantahan mo?" tanong sa'kin ni Felly.
"Oo nga. Balita namin matagal ka na palang nililigawan ng Manager ng bar na 'yun para lang maging singer nila pero tinatanggihan mo. Bakit? Big shot naman daw yung bar na 'yun ah, ano problema bakit ayaw mo?" singit naman ni Stephen habang nagyoyosi.
Kakatapos lang ng Accounting namin kaya nandito kami sa labas ng school at nagchi-chill lang. Kasama ko ang mga tropa kong gimikero at gimikera.. Ewan ko ba bakit ko 'tong mga 'to naging kaibigan e mahina naman ang tolerance ko sa pag-inom at wala naman akong ibang bisyo kun'di ang mga tattoo at piercing sa katawan.
"Haller, Dapitan kaya 'yon? Baka ang layo, 'diba?" sagot ko naman sa kanila sabay sipsip sa vanilla shake ko.
"Diyos ko naman, Leanne. Sta. Mesa lang ang boarding house mo at isang sakay lang naman papuntang Dapitan. Parehong Maynila tapos malayo?" pagkontra naman ni Dori sabay puff sa yosi niya.
"Dalawang sakay kaya. Ang layo. Kaya nga 'ko nagboarding house para 'di na mamasahe pa. Pwede naman dito lang around Sta. Mesa, 'no," sagot ko naman.
"E ba't mo tinanggap?" tanong ni Alyssa.
"Kailangan ko ng pera. Malaki offer eh. One time lang naman," sagot ko.
Yeah. Totoong big shot nga ang bar na pag-eekstrahan ko mamayang gabi sa Dapitan. At kung tutuusin ay malapit lang naman siya sa boarding house ko. I'm a second year college student at one of the famous State University in the Philippines here in Manila. Taga-Makati pa ako kaya nagdecide akong magboard na lang para mas makatipid sa pamasahe at maka-conserve ng time sa pagbyahe. Actually 'di naman ako mahirap, nasusustentuhan pa naman ng tatay at mga kapatid ko ang pag-aaral ko but still, nagdecide akong magpart-time job para matustusan ko ang luho ko. Marunong akong kumanta, 'di naman pang diva pero ang sabi nila soulful daw ang boses ko. Damang dama raw ang pagkanta ko at malakas ang impact sa mga tao.
Paano nga ba ako na-discover? Well, utang na loob ko pa rin 'yon sa mga friends kong gimikera. One time kasi e nagbar kami malapit lang dito sa Sta. Mesa at nagkataon na 'yung bar na pinuntahan namin ay pwedeng kumanta ang mga audience. At 'yun, napagtripan ako ng mga kaibigan ko at pinilit akong kumanta sa stage. Live band siya kaya pwedeng magsuggest ng song na kakantahin mo basta alam ng banda tugtugin. At doon nagsimula ang pag extra-extra ko sa pagkanta. Simula noon, nagkaroon na ng mga offer sa'kin ang iba't ibang bar around Metro Manila para sumideline sa pagkanta pero pili lang ang mga tinatanggap ko dahil nga sa convenience na gusto ko.
"See? Dapat kasi tinatanggap mo na 'yung ibang mga offer sa'yo. Panggabi naman tayo at malaki naman offer sa'yo eh. Tsaka 'di ka naman tine-table eh," sabat naman ni Felly habang tumatawa.
Nagsitawanan sila. Ito ang ayoko sa kanila, madalas nila akong ma-bully dahil nga ako ang pinakamahinang mang-asar. 'Di naman sa takot ako pero pinakabata rin kasi ako sa grupo. At ako rin raw ang pinakamatino kahit mas mukha akong wild sa kanila physically.
Para raw akong lalaki kung pumorma at marami rin kasi akong minimalist tattoo sa katawan. Mayroon sa likod, sa may pulso, sa may pusod, sa may legs, at sa may ilalim ng dibdib. Actually tago naman ang mga tattoos ko pero bad girl raw talaga ang aura ko. Siguro dahil sa mga piercings ko rin sa katawan. 7 pares kasi ang pierce ko sa tenga hiwalay pa ang pierce sa may left cartilage ko. May piercing rin ako sa dila at sa pusod. Kaya siguro mukha akong pariwarang babae. Punkista nga raw kumbaga. Natatawa lang ako kasi hindi naman ganu'n ang tingin ko sa sarili ko.
Well, wala naman talaga akong pakialam sa tingin ng iba sa akin. This is me, if you can not stand me, well, that's definitely not my problem anymore. Wala namang perfect at isa pa, free country naman tayo kaya pwede akong maging gusto ko maging ako as long as hindi ako lumalabag sa batas ng Pilipinas.
"Baliw. Ang hirap magcommute ng gabi 'no. Iba na panahon ngayon, delikado na. 'Di na safe magtaxi. Mas maganda nang around my place lang para 'di hassle," paliwanag ko naman.
"Hassle. Wow, english spokening. Nosebleed, Leanne. Penge tissue," pang-aasar ni Andrew sabay hawak sa ilong niya at kunwaring may pinupunasan.
Nagsitawanan na naman sila. Abnormal talaga 'tong mga 'to. Nakitawa na lang ako sa kanila at umiling-iling. Ito rin ang gusto ko sa kanila, wholesome lang, walang arte.
"Pero sama kami, Leanne ah. Kung walang libre, San Mig Light na lang talaga bagsak natin," pag-iiba naman ni Stephen.
"Okey, sige. Pag malaki kinita ko, libre ko tequila kahit three shots. Kung olats, mag-San Mig Light na nga lang tayo," sagot ko naman.
"Yeah! 'Yan ang gusto ko sa bunso natin eh, kapaki-pakinabang talaga. Tsaka baka maraming chicks du'n. Big shot na bar eh," sabi naman ni Daryl nang nakakalokong ngiti at tataas-taas pa ng kilay.
"Manyak mo talaga, Daryl! Tumigil ka nga, baka mapaaway na naman tayo sa kahalayan mo," pagsuway naman ni Dori sabay irap kay Daryl.
"Asus, nagselos ka pa. 'Wag kang mag-alala, pagdating ng panahon, sa'yo pa rin naman bagsak ko," pang-aasar naman ni Daryl dito.
Akmang aakybayan ni Daryl si Dori nang biglang lumayo ito. Tawa lang kami ng tawa sa kanila. Naalala ko pala 'yung text sa'kin kanina ng Manager ng bar na pag-eekstrahan ko.
"Ay Felly, kailangan ko ng damit. Medyo maarte kasi 'yung Manager ng bar eh. Kailangan daw naka-dress o nakapambabae akong damit kasi medyo decent and classy daw ang bar nila kaya dapat pumormal ako ng ayos," sabi ko naman kay Felly.
Hindi kasi talaga ako mahilig sa mga pang-girly na damit. Pero not totally na ayoko ha, medyo ilang lang ako magsuot ng mga ganoong klaseng damit. Mas komportable kasi ako sa mga fitted t-shirts at sandos at skinny jeans and not-so-short shorts. Kaya 'yun, wala talaga akong mga skirts at blouses na pangbabae except sa uniform namin. Mayroon man pero kaunti lang talaga."'Ge lang. Uwi naman ako bago dumiretso sa boarding house mo eh," sagot naman ni Felly.
"Kailangan mo na talagang mag-ipon ng mga damit pangbabae, Leanne, para d'yan sa pag extra-extra mo," suggestion naman ni Alyssa.
"Oo nga girl, tama si Al. Kailangan mo na bumili ng mga outfit mo para 'di ka na nanghihiram. Kailangan mo talagang mamuhunan na, nagiging indemand ka na eh," pagsang-ayon naman ni Dori.
"Oo nga, Leanne. Sayang katawan mo kung itatago mo lang. Tingnan mo nga 'tong si Felly, kapal ng mukha na magpalda at ipakita ang dibdib e lost naman," pang-aasar ulit ni Daryl sabay halakhak ng sobrang lakas.
"Leche ka talaga, Daryl. Mamatay ka nang hayop ka!" sigaw ni Felly kay Daryl at hinabol na ito.
Tawa lang kami ng tawa habang naghahabulan sila sa kalsada. Mga siraulo talaga.
Tama nga siguro sila. Kailangan ko nang mag-ayos na parang babae para mas lalo pang dumami ang raket ko at maraming kumuha sa'kin. Sige, sa weekend, mamumuhunan na 'ko at mamimili ng mga damit sa Divisoria. Pag-aaralan ko na ring maging komportableng sa pagsuot nu'n at magmake-up ng light lang. Malay ko naman, baka ito na talaga ang way para magbago ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
EXTRA JOB
RandomHindi naman ako pinanganak na mahirap.. . . . . .. at hindi rin naman ako pinanganak na malandi.. ~ Leanne This is a rated SPG Story.