Leanne's POV
"May raket ka mamaya sa High Haven, girl?" tanong sa akin ni Dori.
Tumango lang ako bilang sagot sa kanya habang nagdo-doodle sa notebook ko. Monday na naman at kasalukuyan kaming may free cut. Normal na sa amin ang ganito, madalas walang Professor. Sabi kasi nila hindi daw napapasahod ng tama mga Profs dito at delayed pa madalas ang sahod, kaya mga Teachers naghanap ng extra na mapagkakakitaan like teaching din sa ibang Schools, seminars at kung anu-ano pa. Ang bagsak naman namin, nagseself-study kami kasi kapag pumasok naman mga Profs ay 'sangkatutak na reviewers ang ibabagsak at ipapabasa sa amin and after a week ay exam agad. O diba bongga? Kaya nga kahit ganito ang mga kaibigan ko, kapag nalalapit na ang exams, puspusan rin naman ang pag-aaral nila. May pangarap pa rin naman sila sa buhay and at the same time, nag-eenjoy lang din daw sila dahil sabi nga nila, "you only live once" daw.
"Pwede sumama?" nangingiti namang tanong sa akin ni Daryl.
Napahinto ako sa ginagawa ko at napaisip. Gusto nila sumama mamaya sa bar? E paano kami magkikita mamaya ni Sir Tim? Nababaliw na talaga ako. Magmula noong umuwi ako ay hindi na mawala sa isip ko lahat ng nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay binabalikan ko pa rin iyong mga sandaling nasa garahe kami. Kapag pumapasok sa isip ko ay bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. At iyong mga salitang binitawan niya, hanggang ngayon ay nagpapakaba pa rin sa akin. May nararamdaman na kaya siya sa'kin? Hindi lang ba libog? Mga tanong sa isip ko na lalong nagpapabaliw sa'kin.
"Hoy!" pagtawag ulit sa akin ni Daryl sabay tapik sa balikat ko.
"Ha? Ah. Kayo bahala. Pero KKB muna," sagot ko na lang na kaswal kahit sa loob-loob ko ay sana 'wag na lang muna sila sumama.
Masama na ba akong kaibigan nu'n? Na hilingin na sana 'wag na muna sila sumama? Sige unahin mo 'yang kalandian mo, Leanne. Tingnan lang natin kung ano kababagsakan mo niyan. Pagkontra naman ng isang side ng isip ko. Tama naman. Sa status namin ni Timothy ay hindi ko talaga alam kung ano ang kababagsakan ko. Babae ako, alam kong ako ang mas maaapektuhan kapag dumating na 'yung time na ititigil na namin ito. Pero bakit kaya ganu'n? Kahit alam mo namang nagmumukha kang tanga, kahit alam mong umaasa ka lang, kahit alam mong masasaktan ka lang sa huli, tuloy-tuloy ka pa rin at mas lalo ka pang nasasabik ipagpatuloy? Parang gago lang. Alam mong matatalo ka na, sisige ka pa rin. Martir ba tawag d'un? O sadyang tanga?
"Ay sayang. Akala ko may free tequila na naman," hirit pa niya.
"Kapal ng mukha neto oh! Masyadong nasarapan?" pambabara naman sa kanya ni Felly.
"Sarap na sarap!" nangingiti namang sagot sa kanya nito sabay dila sa labi.
"Yuck ka talaga! Ang baboy amputa!" nandidiri namang sigaw ni Dori kay Daryl.
Tawanan naman kami. Mga sira talaga.
"Pero 'di nga Leanne, wala nang free? Kahit beer na lang?" makulit pang tanong ni Daryl sabay taas-taas ng dalawang kilay.
Inirapan ko siya at natatawa na rin. Ewan ko ba dito kay Daryl kung talagang komediyante lang o baka talagang nasobrahan na sa kakapalan.
"Abusado ka talaga! Ano 'yun imbis na kumita, palugi pa kasi laging may pa-free na alak? Eto ang kapal na talaga. Hoy mahiya ka naman! Patay-gutom sa alak pero gusto laging libre? Maglabas ka naman ng pera mo, baka yumaman ka na niyan sa sobrang barat mo oy!" may halong inis namang pambabara ni Alyssa kay Daryl.
"Andaming sinabi friend," pang-aalaska naman muli ni Daryl habang tatawa-tawa pa.
"Leche!" sigaw pa ulit ni Alyssa sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/35772354-288-k600070.jpg)
BINABASA MO ANG
EXTRA JOB
AcakHindi naman ako pinanganak na mahirap.. . . . . .. at hindi rin naman ako pinanganak na malandi.. ~ Leanne This is a rated SPG Story.