VI

1.9K 19 0
                                    

Leanne's
 
  
  
Dire-diretso akong tumungo papuntang opisina ni Sir Tim. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko at pinatawag niya ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya galit na galit. Sa akin ba siya galit? Tanong ko sa sarili ko. Sana naman 'wag akong pagalitan. Unang araw ko pa lang. Sabi ko pa. Teka, wala naman akong nagawang masama ah. Pagkumbinsi ko sa sarili ko. Hay ewan!
 
 

Pagdating ko sa harap ng pinto ng opisina ni Sir Tim ay tumigil ako. Hindi muna ako pumasok. Inayos ko muna ang sarili ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at saka pinihit ang doorknob ng pinto.
 
 
 
Pagpasok ko ay wala akong nakitang bakas ni Sir Tim. Dapat yata ay kumatok muna ako eh. Baka wala pa dito si Sir. Tumuloy pa rin ako at sinara ko ang pinto.
 
 
 
"Sir?" pagtawag ko.
 
 
 
Baka nasa loob lang 'yon ng kwarto niya dahil ang sabi sa akin ay may sariling kwarto daw dito si Sir. Ginawa niya na itong pangalawang bahay niya kaya na lamang sakop ng opisina niya ang buong third floor ng bar.
 
 
 
"Sir?" pagtawag ko ulit.
 
 
 
Walang sumasagot. Baka wala pa nga dito si Sir. Dapat kasi kumakatok ka muna, Leanne eh. Papalabas na 'ko ng opisina ni Sir Tim nang biglang may humablot ng baywang ko. Napaharap ako at nakita ko si Sir Tim na nakakunot na noong nakatingin sa akin.
 
 
 
"Where do you think are you going?" matigas na tanong nito.
 
 
 
"Ahh.. S-sir. A-akala ko po kasi wala po kayo dito kaya po la-labas po muna sa-sana ako," paliwanag ko na may halong kaba.
 
 
 
Kapit-kapit niya pa rin ang baywang ko at nararamdaman kong lalo itong humihigpit. Sinimulan na naman niya akong titigan ng palipat-lipat sa mga mata at labi ko. Lumakas ang kabog ng dibdib at sana ay 'wag niyang maramdaman ito.
 
 
 
"Babalik ka do'n kay Dominic ha? At makikipagbolahan ka na naman?" matigas niyang tanong.
 
 
 
Naamoy ko ang hininga niya at alam kong nakainom ito. Hindi agad ako nagsalita dahil nagulat ako sa mga sinabi niya. Makikipagbolahan? So ibig-sabihin ay narinig niya ang mga pinagsasasabi ni Sir Dom? Pagtataka ko. E teka, ano naman sa kanya 'yon? Tanong ko pa ulit. Pilit akong kumakawala sa pagkakakapit ni Sir pero lalo pa niyang hinihigpitan ang paghapit sa baywang ko.
 
 
 
"A-ano po kasi Si-sir.. hi-hindi naman po ako nakikipagbolahan sa kanya," pagtanggi ko sa paratang niya.
 
 
 
"E sa'n ka pupunta? 'Diba sabi ko sa'yo, I want to talk to you," mariin niyang sabi.
 
 
   
"Akala ko nga po kasi, Sir, wala po kayo dito kaya po lalabas po muna ako," paliwanag ko ulit.
 
 
 
Hindi siya umimik. Nakatingin lamang siya sa akin. Mabigat ang paghinga niya kaya amoy na amoy ko ang alak na ininom niya. Nakakalasing ang amoy nito na para bang tinatamaan na rin ako. Umayos ka nga, Leanne! Amo mo siya! Sigaw ng isip ko. Nagising ako sa kahibangan ko at naalala kong nakakakapit pala sa baywang ko si Sir at halos magkalapit na rin ang aming mga mukha.
 
 
 
"Ahh.. Si-sir.. Ka-kasi po.." pautal-utal kong sabi habang dahan-dahan kong tinutulak ang dibdib niya upang makakalas sa kanya.
 
 
 
"Bakit, Leanne, ha?" tanong niya habang nakatitig siya sa mga labi ko.
 
 
 
Kailangan ko talagang kumawala dito. Hindi tama 'to.
 
 
 
"Si-sir.. Ka-kasi hi-hindi po ako maka-makahinga," nabanggit ko rin.
 
 
 
Biglang napaangat ng tingin sa mga mata ko si Sir at para bang naguluhan sa sinabi ko. Noon niya lang napansin na nakakakapit siya sa baywang ko at magkalapit ang aming mga mukha. Agad siyang bumitaw at nakawala ako. Tumalikod siya sa akin at narinig kong huminga siya ng malalim. Pinadaanan niya ng kamay niya ang buhok niya at biglang umupo sa may sofa sa tapat ng kayang lamesa.
 
 
 
Hindi ko siya maintindihan kung ano bang tumatakbo sa isip niya ngayon. Kung bakit niya ginawa iyon sa akin at bakit siya nagkakaganito. Lasing yata ang amo mo. Baka may pinagdadaanan lang. Sa lagay niya ay halatang hindi siya ayos. Baka nga problemado. Pero ano naman kinalaman ko sa kanya? Pagtataka kong tanong sa sarili ko.
 
 
 
Naalala ko nga palang gusto niya akong makausap.
 
 
 
"Ahh.. Sir, a-ano po p-pala pag-uusapan natin?" kabado kong tanong.
 
 
 
Napaangat siya ng ulo at mariin na naman akong tinitigan. Kunot ang noo niya at salubong ang mga kilay. Para bang bumalik na naman ang init ng ulo niya ng marinig niya akong magsalita. Patay! May kasalanan ka nga yata, Leanne.
 
 

"You. Not because I allowed you to drink here at my bar tonight, you'll abuse it," matigas niyang sabi.
 
 
 
Kumunot naman ang noo ko. Ano daw?
 
 
 
"Sir?" tanong ko.
 
 
 
"Hindi mo maintindihan? O sige, tatagalugin ko. Hindi porket pinayagan kitang mag-inom sa bar ko ay aabusuhin mo na. Baka nakakalimutan mo na menor de edad ka pa lang. Ganyan ka bang pinalaki ng mga magulang mo?" galit niyang tanong.
 
 
 
Nabigla ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam pero kusang nag-init ang mga mata ko at alam kong maiiyak ako. Kumurap-kurap ako para pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.
 
 
 
"Sir, hindi ko po maintindihan ang sinasabi n'yo. Ang alam ko po ay wala naman po akong ginagawang masama. At sana po ay wag n'yong ida----"
 
 
 
"Wala?!" pagputol niya sabay singhap habang nakangisi. "Wala 'yon? E nagpapa-table ka nga 'don. Akala ko ba hindi ka nagpapa-table? Pa-virgin ka pa. At talagang sa kaibigan ko pa. Well, may taste ka ah," natatawa niyang sabi.
 
 
 
Hindi ko na kinaya at kusa nang bumagsak ang mga luha ko. Hindi siya nagbago. Hindi ka swerte, Leanne. Halimaw pala siya. Mali ka ng iniisip sa kanya. Ngayon alam mo na.
 
 
 
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya nang nagsimula na 'kong umiyak. Natigilan siya ngunit nakabawi rin at bumalik na naman ang pagiging matigas niya.
 
 
 
"Wag mo 'kong daanin sa mga paiyak-iyak mo. Ilang beses ko na 'yang na---"
 
 
 
"Hindi po ako nagpa-table sa kaibigan n'yo. Kung 'yon po ang iniisip n'yo ay nagkakamali kayo. Siya po ang kusang lumapit at nakisali sa inuman namin. Alam ko po ang limitasyon ko," pagputol ko sa kanya habang umiiyak. "At wala po kayong karapatang husgahan ako dahil hindi n'yo naman po ako kilala," pagtatapos ko.
 
 
 
Halata sa kanya ang pagkabigla sa mga sinabi ko. Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin 'yon sa kanya dahil alam kong siya pa rin ang amo ko. Ngunit hindi tama na lait-laitin niya lang ang pagkatao ko dahil hindi naman talaga niya ako kilala. Nakabawi siya sa pagkabigla at ngumiti na para bang naaasar.
 
 
 
"At sumasagot ka pa talaga ha? Sino ba sa ting---"
 
 
 
"Magreresign na po ako. Hindi ko po kayang ipagpalit ang karangalan ko at hayaang tapak-tapakan lang ang pagkatao ko sa perang kaya ko naman pong kitain ng wala akong naririnig na masasakit na salita. Okey na po ako sa maliit na kita sa mga pa-extra-extra ko. Atleast po doon, nakakakuha ako ng respeto," sabi ko ng nakangiti.
 
 
 
Tumalikod na ako sa kanya at nagsimula nang maglakad palabas ng kwarto niya ng bigla niyang hilain ang braso ko at pinaharap sa kanya.
 
 
 
"Sa'n ka pupunta ha?" matigas niyang tanong.
 
 
 
Natakot na ako dahil halata sa ekspresyon ng mukha niya na galit na galit na siya. Ikaw pa talaga ang galit? Nagpumiglas ako ngunit ang higpit ng pagkakakapit niya sa akin.
 
 
 
"Bitawan mo 'ko!" sigaw ko.
 
 
 
"Hindi ka aalis. Dito ka lang. Hindi ako papayag na magresign ka. Dito ka lang. Naiintindihan mo?!" mariin niyang sabi habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
 
 
 
"Bitawan mo sabi ako! Ano b----"
   
  
 
Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang mararamdaman ko. Galit ako sa kanya dahil sa mga panghuhusga niya sa akin. Takot ako sa kanya dahil alam kong mas malakas siya sa akin. Kinamumuhian ko siya dahil hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin ito. Pero lahat 'yon nawala.. lahat 'yon natunaw ng halikan niya ako.
 
 
 
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at hinayaan ko lang siyang gawin iyon. Wala akong lakas para pigilan siya dahil sa totoo lang ay nakakapanghina ang mga halik niya.
 
   
 
Unang halik. Ito ang una kong halik. At hindi ko inaasahan na siya pa ang magbibigay sa akin ng sensasyong nararamdaman ko ngayon.

EXTRA JOBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon