III

2.7K 19 0
                                    

Leanne's
 
 
 
"And this third and last song that I will be singing is requested by the owner of this bar, who is here tonight, joining us in celebrating the third anniversary of High Haven. Mr. Timothy Mijares, Sir, this is for you," sambit ko sa mic sabay lagay sa stand nito.
 
 
 
I don't know what it is that you've done to me
 
 
 
But it's caused me to act in such a crazy way
 
  
  
Whatever it is that you do when you do what you're doing
 
  
  
It's a feeling that I don't understand
 
  
  
'Coz my heart starts beating triple time
 
  
  
With thoughts of loving you on my mind
 
 
 
I can't figured out just what to do
 
 
 
When the cause and cure is you
 
  
  
I get so weak in the knees, I can hardly speak
 
  
  
I lose all control and something takes over me
 
  
 
In a daze you and it so amazing, it's not a phase
 
  
  
I want you to stay with me by my side 


I swallow my pride, your love is so sweet

 
  
It knocks me right off of my feet
 
  
  
I can't explain why your loving makes me weak

 
  
~
 
  
  
"Imba, Leanne, ang galing mo talaga! Nganga kami sa'yo. Best performance mo 'to," pagpuri ni Andrew sa akin pagkaupo ko pa lang sa table nila.
 
  
 
"Yeah, girl. Lalo na sa last song mo. Ay grabe, naihi na nga lang si Daryl sa sobrang goosebumbs ng narinig ka niyang kumanta eh. Hahaha," dagdag pa ni Dori na inaasar rin si Daryl.
 
  
  
"Baliw. 'Yung pantog ko ang kinilig dahil sa mga chickababes dito. Pero, seryoso, Leanne, tang'na ang galing mo nga. May future ka talaga," pagsabat naman ni Daryl.
 
 
 
"Salamat," nakangiting sagot ko sa kanila.
 
 
 
"'Wag n'yo nang utuin si Leanne. Binobola n'yo lang dahil sa libreng tequila eh. Haha. Salamat sa tequila, girl. Binabawi ko na 'yung sinabi ko kanina. Dito ka na lang pala laging kumanta para makalibre sa alak. Kahit once a week lang," sabi naman ni Felly na halatang galak na galak sa libre nilang tequila.
 
 
 
"'Yan, Leanne, nakikilala mo na kung sino mga tunay mong kaibigan at sino mga ginagamit ka lang," sambit naman ni Daryl na nakangisi.
 
  
  
"Hoy fvck you! Binibiro ko lang si Leanne. Baka ikaw 'yon, ikaw nga d'yan patay-gutom sa alak eh," pagdepensa naman ni Fely.
 
 
 
Nagtawanan na lang kami dahil nagsimula na naman sila sa asaran.
 
 
 
"Pero salamat talaga ah. Sa pagsuporta lagi sa'kin. Kung wala kayo, siguro nilamon na 'ko ng stage sa sobrang kaba," pagpapasalamat ko sa kanila.
 
 
 
"Ano ka ba? Wala 'yon. Syempre kaibigan ka namin. Tsaka nag-eenjoy rin naman kami 'no," sabi ni Alyssa.
 
 
 
"Salamat pala, Stephen, sa kotse," nakangiti kong sabi kay Stephen.
 
 
 
"Wala 'yon. Ikaw pa ba?" sagot naman niya.
 
 
 
"Wushu. Alam mo naman 'yan si Stephen, gagawin lahat to win your heart back again. Ayiee," pang-aasar naman ni Daryl.
 
 
 
"Yuck, Daryl, ang bakla mo sa 'ayiee' mo," pang-aasar naman ni Dori dito.
 
 
 
"Che, inggit ka lang! Mas maganda kasi ako sa'yo," sagot naman ni Daryl sabay irap kay Dori at umaktong nagbabakla-baklaan.
 
  
  
Tawa lang kami ng tawa. Grabe, ang sarap ng feeling na kasama sila. Maya-maya pa'y sumulpot sa likod ko si Sir Raffi, 'yung Manager ng bar, at inakbayan ako.
 
 
 
"Excuse me muna, Leanne, pero gusto ka sanang makausap ni Sir Tim eh. Okay lang hiramin muna kita?" tanong niya.
 
 
 
"Okay po," sagot ko sa kanya. "Teka lang," sabi ko sa mga kasama ko at tumango naman ang mga ito.
 
 
  
Tumayo na ako at sumunod kay Sir Raffi. Bigla akong nakaramdan ng kaba. Si Sir Tim, 'yung may-ari ng bar na 'to, napansin ko kanina habang kumakanta ako na mariing nakatitig sa akin. 'Yon nga ang nagpakaba sa akin lalo eh. Parang contest lang kasi ang peg dahil seryoso talaga siyang nakatitig sa akin habang kumakanta ako kanina. Hindi ko alam kung nakapasa ba ako sa standards niya o ano. Baka dahil siguro dito kaya niya ako pinatawag. Sana nakapasa naman.
 
  
  
Umakyat kami sa second floor sa may VIP room dahil doon ang table nila Sir Tim kasama ang apat pang mga lalaki na malamang ay mga kaibigan niya. Pag-akyat pa lang namin ay nakatuon na agad ang mga mata nila sa amin. Ano ba 'to? Nate-tense naman ako. Nakakatakot naman makatingin 'tong mga 'to. Kahit ang gagwapo e mukhang mga kumakain ng tao eh. 

EXTRA JOBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon