X

1.7K 8 0
                                    

Leanne's



Tahimik kaming pareho na kumakain dito sa dining room plus kitchen ni Sir Tim. Walang nagbalak magsalita samin pagkatapos namin babuyin ang kusina niya. Nag-iinit ka na naman, Leanne. Masakit pa nga ang ano mo! Suway ng utak ko sa sarili ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil hindi magawa ng katawan ko na tumanggi sa ginagawa sa'kin ng lalaking 'to. Alam ko naman na maling mali talaga pero anong laban ko sa katawan ko? Hinahalukay ko rin sa utak at puso ko kung ano ba talagang estado ng nararamdaman ko para sa kanya, pero bigo ako. Hindi ko talaga alam.

Imbis na mainis ako dahil wala naman kasing kasiguraduhan 'tong relasyon namin na sa totoo lang ay wala naman talaga ay nakakaramdam pa 'ko ng saya pagkatapos naming ulitin ang mga nangyari kagabi. Ewan ko ba pero natuwa ako ng sunggaban niya muli ako at halikan kanina habang nagluluto ako. Pumayag na lang ako ng maisip ko na hindi na naman siya lasing at siguro naman ay hindi hang over ang naramdaman niya no'ng inangkin niya muli ako. Naka-Tshirt ka lang kasi at bakat ang katawan mo at halatang wala kang underwear na suot. Pagkokontra naman ng isip ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil posible rin 'yon. Lalaki siya. Normal lang sa kanya na makaramdam ng pagnanasa dahil dalawa lang kayo sa bahay at wala na siyang choice dahil ikaw na lang ang nand'yan. Haist.

Tumayo siya sa kinauupuan niya sa may bandang dulong upuan ng stall niya rito sa kusina niya. Wala siyang lamesa dahil siguro mag-isa lang naman siya dito at stall na lang ang pinagawa niya. Nu'ng una ay hindi ko siya tiningnan kung saan siya papunta pero nang makatalikod na siya ay sinundan ko kung saan siya patungo. Nagpunta siya ng lababo at inilapag ang pinggan na pinagkainan niya at saka uminom. Lumabas siya ng kusina nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Natapos siyang kumain nang hindi man lang kami nag-usap. Inis kong sabi sa sarili ko. Bakit, Leanne. Gusto mong mag-thank you pa siya sayo dahil binigay mo ang virginity mo sa kanya at na-satisfied niya ang katigangan niya?! Bwisit. Ano ba 'tong naiisip ko? Nagpatuloy na lang ako sa kinakain ko at hindi na muling nag-isip pa.

Pagkatapos ko ay naghugas na rin ako ng mga pinagkainan namin at mga ginamit ko kanina sa kusina niya. Habang naghuhugas ako ay awtomatiko akong napalingon sa may cabinet sa bandang kaliwa ng lababo at biglang may naaalala. God, dito ba talaga namin ginawa 'yon? At talaga bang nakabukangkang ako dito? Umiling-iling ako para matanggal sa isipan ko 'yon at nagfocus na lamang sa mga platong hinuhugasan ko. Pakiramdam ko ay namula ako nang maalala ko ang mga nangyari kanina sa mismong kusina na ito.

Pagkatapos ko maghugas ay dahan-dahan akong lumabas ng kusina. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya kakausapin at haharapin pagkatapos ng mga nangyari. Gusto ko na sanang magpaalam dahil alas-siyete na ng umaga at may usapan pa kami ni Felly na mamimili ng mga gamit ko sa pagkanta. Pero hindi ko rin alam kung magpapatuloy pa ako sa pagkanta ko dito sa bar niya dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko siya patuloy na pakikitunguhan at kung kaya ko pa bang maging amo siya. Grabe naman itong araw na 'to!

Pagtungo ko sa kwarto ay wala akong bakas na Sir Tim na nakita. Nasa'n na kaya 'yun? Naglinga-linga ako ngunit hindi ko pa rin siya mahanap. Chineck ko rin ang banyo ngunit wala rin siya doon. 'Wag niya sabihing iniwan niya ako dito? Kinapa ko ang mga damit ko ngunit sa kasamaang palad ay basa pa ang mga ito. Paano na 'ko makakauwi nito sa bahay? Tanong ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng CR at dumiretso sa may kama. Magulo pa ito at halatang hindi man lang inayos. Nakita ko ang mga bahid ng dugo sa kama niya na alam kong tanda ng pagkawala ng pagkabirhen ko. Napangiti ako ng tipid. Nakakapanghinayang ngunit wala man lang akong maramdaman na pagsisisi. Haist. Anong klaseng babae ako? Nagpagalaw ako sa hindi ko naman nobyo. Pero aminin mo, Leanne, nag-enjoy ka naman. Naka-round two pa nga kayo. Sabi naman ng utak ko. Napailing na lamang ako at bahagyang napatawa. Napaupo na lamang ako sa kama at hihintayin na lamang ang pagbalik niya.

EXTRA JOBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon