XIX

439 11 4
                                    

Leanne's

Tapos na ang shift ko sa bar at nandito ako sa CR para mag-retouch. Pauwi na sana ako at balak ko sanang hindi na magpahatid kay Sir Tim at mag-commute na lang tutal naman ay hindi naman masyadong revealing ang suot ko at medyo maaga pa naman. Tinext ko siya about du'n at nagreply na maghihintay daw siya sa may convenience store dalawang kanto ang layo mula rito sa bar. Kaya ito na naman ako, nagsisimula na naman ma-conscious sa itsura ko. Alam kong mali na talaga ito at may isang parte sa akin na ayaw nang ituloy pa itong kung anumang namamagitan sa amin pero ang unang-unang struggle ay kung paano?

Napabuntong hininga ako. Hindi ko na talaga alam kung paano ko napasok ang sitwasyong ito. Pinakamahirap pa sa ganito 'yung feeling na hindi mo mapigilang umasa. Umaasa ka na hindi lang hanggang ganito. Alam ko sa sarili ko na hindi ganoong tao si Sir Tim. Sobrang complicated at misteryoso lang talaga niyang tao. Minsan naman thoughtful siya sa paraang nag-e-effort siyang bilihan ako ng materyal na bagay na gagamitin ko. Pero hindi talaga siya vocal at madalas ay hindi ko alam kung ano bang damdamin niya. Kaya ito ako, praning sa kaiisip kung hanggang kailan ko kaya kakayanin ang ganito. Kung makukuntento na lang ba ako sa set up namin o magdedemand rin sa kanya ng mga gusto ko? Ang alam ko lang, ayokong sa huli ako 'yung talo, kahit alam kong una pa lang ano na kahahantungan nito.

"Leanne, diyan ka pa ba? 'Di ka paba uuwi?" katok sa akin ni Thess na nasa kabilang pintuan.

"Nagpalit lang ako ng damit. Pauwi na rin. Gagamit ka ba ng CR? Wait lang," sagot ko naman.

"Ay hindi. Yayain ka sana namin uminom eh. Sa bahay nila Arnold."

Lumabas ako ng banyo at hinarap ko siya. Si Thess nga. Nakabihis na rin pala siya pauwi at mukhang mag-out na.

"Naku Thess, hindi pwede e. May lakad ako bukas. School matter," pagdadahilan ko.

"A ganu'n ba? Sayang naman. Sige, next time na lang. Sama ka na ha. Kasi nung nakaraan ang daya mo eh, 'di ka man lang nagpaalam na umuwi ka na pala."

"Ay, sorry talaga. Sige promise next time, bawi ako."

"Promise 'yan ha?" nangingiting tanong niya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"O sige. Alis na kami. Para makarami ng alak. Hehe," pagpapaalam niya.

"Sige ingat! Regards mo na lang ako kela Krista," sabi ko sa kanya habang papalabas siya ng CR.

Paglabas niya ay napabuntong-hininga na naman ako. Hindi naman kasi ako likas na sinungaling pero nagiging sinungaling ako nitong mga nakaraang araw para itago lang ang sa amin ni Sir Tim. Hay. Hanggang kailan kaya ganito? Ang hirap naman kasi! Mas mahirap pa sa SO ito. Buti pa 'yun may label, kami wala.

Lumabas na ako ng CR para dumiretso na sa meeting place namin. Medyo kaunti na lang tao sa bar dahil quarter to 2 ng umaga na. Pagod na rin ako at inaantok na kaya sana hindi na kami sumegway pa ni Sir. Nasasabik ako sa kanya pero mas nasasabik ako sa tulog. Parang ilang linggo na rin akong walang ayos na tulog.

Paglabas ko ng bar ay sumakay agad ako ng jeep kahit dalawang kanto lang ang layo ng meeting place namin. Baka kasi may makakita sa akin na naglalakad lang pauwi at magtanong pa or worse, sumabay pa sa akin pag-uwi. Mahirap na, baka mabuking pa ako. Pagkabayad na paglabayad ko ay pumara na ako sa may tapat ng convenience store. Pagbaba ay wala doon ang kotse ni Sir. Nasaan siya? Tama ba ako ng binabaan?

Maya-maya pa ay nag-ring ang bagong cellphone ko na bigay ni Sir. Siya pala.

"Get inside the store. I'm here," sabi niya sabay baba ng linya.

Minsan nakakairita rin itong lalaki na 'to. Napakadominante. Hindi ko na hinanap ng tingin kung saan man naka-parke ang sasakyan niya. Dumiretso pasok na lang ako ng convenience store dahil sa inis ko. Pagpasok ko ng store tumayo lang ako sa may entrance door at hindi ko siya hinanap. Tinext ko lang siya na nasa store na ako at gusto ko na sana umuwi. Wala pang 1 minute ay nasa tapat ko na siya. Nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Nakatingin lang rin ako sa kanya ng walang reaksyon sa mukha ko. Ewan ko ba pero naiinis talaga ako sa kanya ngayon. Mga ilang segundo rin kaming ganoon hanggang sa napangisi siya at napailing at siya rin ang unang nagbawi ng tingin. Pailing-iling ka pa diyan! 'Kala mo ha.

EXTRA JOBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon