XVII

889 7 0
                                    

Leanne's

Alas kwatro na at on the way pa lang kami papuntang SM Sta. Mesa. Ito kasing si Felly dumaan pa sa kanila para kumuha ng pera at may bibilhin daw na bagong shade ng lipstick sa Watson's. Hay nako, pagdating talaga sa mga beauty products ay 'di siya papahuli.

"Girl, talagang na-hurt si Stephen 'no? Tingnan mo, hindi na siya sumama. Parang first time yata 'to na wala siya," sabi sa akin ni Alyssa.

"Oo nga eh. Nagu-guilty tuloy ako," sagot ko naman sa kanya.

Stephen, ayokong mailang sa'yo. Paano ba kita mapapatigil? Ngayon naman may panibago na namang gumugulo sa isip ko. Imbis na silang mga barkada ko na lang ang escapegoat ko kay Sir Tim e mukhang hindi pa rin ako makokomportable ng ayos dahil naman dito kay Stephen. Nakakainis.

"Ngayon, nakukunsensya ka? Sinaktan mo friend natin. Binigyan mo ng false hope, 'yan tuloy! Hmp," sabat naman ni Daryl.

Napakunot-noo naman ako sa sinabing iyon ni Daryl. Talaga bang binigyan ko siya ng false hope? Sa tingin ko naman hindi. Hindi naman ako nagpahiwatig sa kanya na gusto ko pa rin siya. Sa totoo nga lang ay ginawa ko lahat para hindi mailang sa kanya at ituring rin siya gaya ng pagturing ko sa iba pa naming barkadang lalaki, para maisip niya na hanggang friends na lang talaga nararamdaman ko para sa kanya. Hindi kaya na-misinterpret niya 'yun?

"Gago! Binigyan niya ba ng false hope? Alam naman natin na friends na lang sila talaga. Ikaw lang nagpupumilit diyan sa kanila. Ikaw may kasalanan! Ikaw nagbigay ng false hope sa tao!" sagot naman ni Dori kay Daryl for my defense.

Oo nga. Tama naman siya. Talagang si Daryl naman itong nagpupumilit sa amin ni Stephen eh. Kung hindi niya inasar-asar iyong tao edi sana hindi umaasa iyon.

"Tama! Ikaw may kasalanan! 'Wag mo nga ibuntong kay Leanne 'no! Sulsol ka kasi ng sulsol d'un eh. Ikaw dapat ma-guilty!" pagdagdag naman ni Felly.

"E malay ko bang may boyfriend na pala itong si Leanne. Kasalanan mo pa rin, bakit 'di ka nagsasabi sa'min aber?" Pagkontra naman ni Daryl.

Hindi na nakasagot sina Felly at Dori. Lahat sila nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko. Paano ako aamin? Paano ko sasabihin ang totoo? Na wala naman akong boyfriend, fuck buddy lang meron? Ganoon ba? E diba mas lalo namang komplikado iyon? Baka mas lalo silang magulat kapag nalaman nila ang totoo sa amin ni Sir Tim? Hay bahala na. Kailangan kong lusutan ito.

"Wala akong boyfriend. Kapag may bagong gamit, bigay agad ng boyfriend? Hindi pwedeng kamag-anak muna nagbigay?" pagdepensa ko naman sa kanila.

Sorry guys. Ayoko magsinungaling sa inyo pero hindi pa ako handang sabihin lahat-lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Maski ako ay medyo lutang pa rin sa circumstances na napasukan ko at sa sobrang bilis ng pangyayari. Ayokong ma-misjudge ninyo ako kaya hayaan ninyo muna akong sarilihin ko muna ito.

Sa isang banda ay hindi naman ako totally nagsinungaling sa kanila. Hindi ko naman talaga boyfriend ang nagbigay sa akin ng kwintas na ito. Ayokong mag-jump sila sa conclusion na iyon lalo na ngayon na kahit ako ay hindi ko rin alam ang estado ng relasyon namin ni Sir Tim. Baka kapag sinabi ko sa kanila lahat isipin pa nila na bayarang babae ako. Nagpasilaw sa pera at materyal na bagay. Hindi sa sinasabi kong gan'un sila tumingin sa isang tao pero diba parang gan'un din naman ang lagay ko? Bayarang babae. Ang sakit naman n'un.

"Weh? Sino nagbigay?" hindi naman makapaniwalang tanong ni Daryl sa'kin.

"Kuya ko," mabilis kong sagot.

"Talaga ha? Bakit di mo sinabi agad kanina sino nagbigay? Hinintay mo pa talagang mag-isip ng kung anu-ano si Stephen. 'Yan tuloy 'di sumama. Hini-hurt mo talag siya! Bad ka, Leanne. I hate you!" pag-iinarte naman ni Daryl.

EXTRA JOBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon