IV

2.3K 16 0
                                    

Leanne's
 
 
 
Friday afternoon. Nakakatamad naman. Dalawang subjects lang kami tuwing Friday at talagang nagkataon pa na parehong hindi nagsipag-attend ang mga Prof namin ngayon. Kaya free cut kami ngayon at nganga sa may open field ng school at nanonood ng laro ng soccer.
 
 
 
"Oh, ito na 'yung hiniram mong damit. Next time, may renta na yan ah," abot sa akin ni Felly sabay ngisi.
 
 
 
Yes, tinanggap ko na rin ang offer sa akin ni Sir Tim na maging regular singer ng bar nila. Sa P20,000 ba naman at sa paghatid-sundo niya sa akin sa tuwing may gig ako sa bar niya ay ang kapal na ng mukha ko kung tatanggihan ko pa. Ika nga ay palay na ang lumalapit sa manok.
 
 
 
"Salamat. Promise, babawi ako. Bukas nga samahan mo 'ko mamili ng damit. Lilibre na rin kita," sabi ko kay Felly sabay abot ng damit na hiniram ko sa kanya at pinasok ito sa bag ko.
 
 
 
"Ay siya lang, gano'n? Pa'no naman kami? sabi naman ni Daryl sabay pout ng labi niya.
 
 
 
"Kadiri, Daryl. Ang bakla mo d'yan sa pagnguso mo. Haha,"pang-aasar naman ni Dori.
 
 
 
"Che! Baka lang naman gumana kay Leanne. Ang bias e, si Felly lang daw ililibre," pagtatampo naman ni Daryl.
 
 
 
"Oo nga. May favoritism ka, Leanne," pagsang-ayon naman ni Andrew.
 
 
 
"Mga sira! S'yempre lilibre ko rin kayo. Pero pwede isa-isa lang? Baka naman lagas agad sweldo ko kung lahat kayo lilibre ko ng sabay-sabay?" paliwanag ko naman.
 
 
 
"Sige na nga. Pero dapat may interes na," sagot ni Daryl.
 
 
 
"Ang kapal talaga ng mukha nito oh. Siya na lilibre, siya pa humingi ng interes," sabi naman ni Alyssa.
 
 
 
"Hahaha. Joke lang s'yempre. Pero imba ka talaga, Leanne ah. Biruin mo owner na ng bar nag-alok sa'yo na maging regular singer ka nila. At take note, bente mil talaga ang offer buwan-buwan. Tang'na, halimaw ka!" sagot ni Daryl.
 
 
 
Sinabi ko sa kanila ang napag-usapan namin ni Sir Tim kagabi maliban na lang doon sa hatid-sundo agreement namin dahil ayokong mabigyan pa nila ng malisya 'yon. Kilala ko 'tong mga 'to kahit na isang taon mahigit pa lang kaming magkakasama.
 
 
 
"Oo nga, girl. Taray mo! Hindi kaya type ka niyang Sir mo?" dagdag ni Dori.
 
 
 
Nagulat ako sa sinabi niya.
 
 
 
"Okay ka lang? Haha. Umayos ka nga. Ang lawak ng imahinasyon mo at talagang pumasok pa sa isip mo 'yan ah. Ano 'ko si Cinderella? At isa pa, ang yaman-yaman no'n at ang gwapo, tingin mo magkakagusto 'yun basta-basta lang? Baka siya pa hahabulin ng babae. 'Tsaka ang bata-bata ko pa. Kaya imposible 'yan," pagdepensa ko.
 
 
 
"Ang dami mong sinabi. Edi okay. Nakakapagtaka lang talaga na gano'n ang offer niya sa'yo. Pero ang sigurado akong may pagnanasa sa'yo du'n e yung kaibigan ng Sir mo na naka-red na long sleeve kagabi. Nahuli ko siya paano ka niya tingnan. Grabe makatitig sa'yo eh," sagot naman ni Dori.
 
 
 
"Napansin ko rin 'yan kagabi. Nanlilisik pa mga mata, para kang hinuhubaran kung makatingin. Nakakatakot. Umiwas ka du'n ah," pagsang-ayon naman ni Alyssa.
 
 
 
Sa totoo lang, napansin ko rin kagabi 'yon. Medyo nailang nga ako sa kanya at nakaramdam rin ako ng kaba noong kinausap niya ako.
 
 
 
"Oo. Hindi naman ako pwedeng mai-table 'no.  Kaya wala naman 'yong magagawa sa'kin," sabi ko.
 
 
 
"Paano pag pauwi ka na? Baka harrassin ka no'n?" pagtatanong naman ni Stephen.
 
 
 
"Hindi naman, kasi magpapahatid ako sa bouncer do'n. Binilin na naman ni Sir Tim 'yun dahil aware naman siyang minor pa lang ako. 'Tsaka kasabay ko ang isa sa mga waitress do'n. Sa Pureza lang kasi ang bahay niya kaya pareho kami ng way," pagsisinungaling ko na lang.
 
 
 
Iyon kasi ang sinabi ko sa kanila nu'ng nagtaka sila na pumayag ako sa alok ni Sir Tim sa kabila ng pag-aalangan ko bumyahe ng gabi. Buti na nga lang ay effective at naniwala naman sila sa'kin.

 
"Okay 'yan. Pero Leanne, ang gwapo ng amo mo. Grabe. Ilan taon na daw 'yon? Binata ba? Pati 'yung isa niyang kaibigan. 'Yung Dominic ba 'yon? Ay grabe, kagabi parang napalibutan tayo ng mga greek gods sa sobrang kakikisig at kagagwapo eh," sabat naman ulit ni Felly.
 
 
 
"Ilusyunada ka. Feeling mo naman papansinin ka no'n?" pagkontra ni Daryl.
 
 
 
"Leche ka. Inggit ka lang kasi mukha kang ulikba!" sagot ni Felly.

EXTRA JOBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon