II

3.2K 14 0
                                    

Leanne's
    
     
    
Nakakotse kaming nagpunta ng bar sa Dapitan na pag-eekstrahan ko kasama ang tropa. Nanghiram ng kotse si Stephen sa pinsan niya para raw may service kami papunta doon at iwas hassle daw. Nasa may passenger's seat ako at tahimik lang na nakakinig sa ipod ko ng kantang kakantahin ko mamaya. Sinasaulo ko pa rin kahit na praktisado ko na ang mga ito dahil ayokong sumablay mamaya. Ewan ko ba pero halos 7 buwan na 'kong suma-sideline as singer pero kabado pa rin ako 'pag may raket ako. Pinause ko muna ang ipod at tinanggal ang earphone sa tenga ko at nag-ayos sa kinauupuan ko.
   
   
    
"Hoy, ang ingay n'yo. Nagpapractice si Leanne oh," pagsuway naman ni Stephen sa kanila.
    
    
     
Ngumiti naman ako sa kanya at nagthumbs up sa kanya dahil okay lang naman  sa akin at malakas naman ang headset ko. Binalik kong muli ang earphone sa tenga ko at sinimulan muling pakinggang ang kakantahin ko.
    
   
    
"Sus. Si Stephen nagpapalakas kay Leanne oh. Papogi points pa," pang-aasar ni Daryl.
   
    
   
Narinig ko 'yung sinabing 'yon ni Daryl kahit naka-headset pa 'ko pero nagpanggap na lang ako na 'di ko ito narinig. Napalingon sa'kin si Stephen na para bang chinecheck kung narinig ko ba ang sinabi ni Daryl. Nang makita niyang wala akong reaksyon ay nagbalik na muli ang tingin niya sa kalye.
  
   
   
Sa totoo lang, may past kami ni Stephen. Hindi naman talaga naging kami at wala rin namang nangyaring ligawan pero siguro pwede ko na rin siyang i-consider na first heartbreak. Nu'ng freshmen pa lang kasi kami ay siya ang unang naging close kong lalaki. Normal lang siguro 'yung minsan ma-fall ka sa closefriend mong lalaki lalo na't feeling mo nagbibigay rin ng motibo para magustuhan mo siya lalo. Dahil du'n ay nag-expect akong baka gusto niya rin ako kasi ganu'n naman ang sa tingin kong pinapakita niya sa akin. Pero mali pala ako. si Reena pala na classmate rin namin ang gusto niya. Niligawan niya si Reena at naging cold na rin siya sa akin. Nalaman sa klase na may gusto ako kay Stephen pero alam namang maging hadlang ako kung nag-iibigan talaga silang dalawa. Umiwas na lang ako at deadma na lang. Medyo na-hurt ako pero wala 'kong magawa kasi wala naman talaga 'kong karapatan na masaktan.  Eventually, naging sila rin agad.
  
   
   
Then, a month passed naghiwalay rin sila at ako naman ay nakamove-on na. Bumalik ang pagiging close sa akin ni Stephen pero nilagyan ko na ng barrier ang closeness na 'yun. Friends na lang talaga kami.
  
   
    
Sa ngayon, ramdam ko naman at hindi naman ako bulag at nakikita kong nagpapakitang-gilas ulit sa akin si Stephen. The tables have turned ika nga. Pero nawala na 'yung feelings ko sa kanya kaya anong gagawin ko, 'di ba? Maliwanag naman at lagi ko namang sinsabi sa tropa kapag inaasar nila kami na past na 'yung sa amin ni Stephen at friends na lang talaga kami ngayon. Pero hindi ko alam bakit parang hindi naman siya tumitigil.
  
   
   
Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa bar na pagkakantahan ko. High Haven ang pangalan ng bar na ito. Sa itsura pa lang e mukhang classy nga ito at maraming mga socialites at elites ang pumapasok rito.
  
   
   
Bumaba na kami isa-isa ng van at nagsimula nang pumasok sa bar. 11:40 pa lang kaya naman may 20 minutes pa bago magsimula ang set ko. Nang papasok na kami ng bar ay hinarang kami ng isa sa mga bouncers.
  
   
   
"I.D. n'yo? Mukhang mga minors pa kayo ah," sabi ng bouncer.
  
   
   
Luckily, legal age na ang mga kasama ko. Unlucky of me, I'm only 17. Pinakita namin ang mga I.D. namin dito.
   
   
   
"O hija, 17 ka pa lang.No minors allowed," sabi ng bouncer habang nakatingin sa I.D. ko at ina-assist ang mga kasama kong pumasok na ng bar at iwan ako.
   
   
   
Sa totoo lang, nakakahiya dahil pinagtitinginan ako ng mga taong naglalabas-pasok sa bar.
   
   
   
"Ay Sir, siya po 'yung singer na tinawagan ng Manager ninyo para kumanta ngayon. Aleandra de Vera po pangalan," pag-defend naman sakin ni Alyssa.
    
  
   
"Teka lang. Tatawagin ko lang Manager namin,. Dito lang muna kayo," sabi naman ng bouncer.
   
   
  
Umalis 'yung bouncer at naiwan kami sa labas.
      
    
   
"Bad trip naman 'yung Manager na tumawag sa'yo, Leanne. 'Di man lang inabisuhan 'yung mga bouncer na menor de edad ka pa lang. Talagang kailangan, harangin at kunin pa mga I.D. natin e 'no? Mukha ba talaga tayong mga bata? Leche, 'wag ka na babalik dito, Leanne, ah," sabi ni Felly na halatang iritable.
   
   
   
Oo nga, tama siya. First time kong maharang at hanapan ng I.D. sa tanang ng pagraraket ko. Nakakahiya ngang talaga.
   
   
   
Maya-maya ay bumalik ang bouncer na nakausap namin at may kasamang isang baklang naka-longsleeve light blue na polo. Baka ito na ang Manager nila.
   
   
"You must be, Leanne?" tanong ng bakla at tumango lang ako.
   
   
  
"Nako, 'sensya na at 'di ko nasabihan mga bouncers ko sa pagdating mo. Sorry, pre-occupied kasi ako dahil ngayon dadating 'yung owner nitong bar. Tara, pasok. Tuloy kayo," pag-aaya niya sa'min papasok sa loob at saka senyas sa bouncer para papasukin kami ng bar.
   
   
   
Tiningnan ko 'yung bouncer na sumita sa amin at tumango lang siya at sa tingin ko ay feeling sorry naman siya sa pagharang niya sa akin. 'Di naman ako sensitive na tao kaya naman nginitian ko na lang siya.
   
   
   
Puro kwento 'yung Manager habang hinahatid niya ang mga kasama ko sa isa sa mga reserved tables sa bar nila at ako naman ay sa may authorized personnel only  na kwarto. Sa isang banda, natuwa naman ako sa Manager dahil nagpa-reserve pa talaga siya ng table para sa tropa n'ung inabisuhan ko siya na mostly sa mga raket ko ay kasa-kasama ko talaga ang barkada. Nagpasalamat ako sa kanya at ngumiti lang siya.


Sinabi niya rin na third anniversary pala ng bar nila kaya naman pala ang dami ring guests ngayon at sobrang bongga ng layout ng bar.

   
   
   
"O mag-ayos ka na at papa-introduce na kita sa labas para makapagstart ka na sa set mo ha. Nasabi ko na rin sa banda 'yung 2 songpicks mo kasama 'yung request ng amo ko kaya okay na. Special request rin niya kasi na maghire ng singer na babae kaya kinuha kita. Buti na lang pumayag ka," sabi ng bakla sa akin.
  
   
   
"Okay na po ako. Ready na," sabi ko sa kanya sabay ngiti.
   
   
   
"Good. Lalabas na ko do'n ha. Salamat talaga. Don't worry, nagpa-reserve na ko ng isang bottle ng tequila para sa inyo. Kahit 'wag mo na bayaran, bonus mo na lang dahil pinagbigyan mo na rin ako sa wakas," sabi pa niya.
   
   
    
Nginitian ko siya bago siya tuluyang lumabas. Swerte. Siguradong tuwang-tuwa ang mga unggoy. May libreng tequila ba naman at y'yung tatlong shot na pangako ko, naging isang bote pa! Bawi naman pala ang pagpunta namin dito.

  
    
   
Maya-maya pa ay nagsimula na ang emcee na magsalita. Kinabahan tuloy ako ng husto at medyo nagsisimula na ring pagpawisan at manlamig ng mga kamay ko. Kaya mo 'yan, Leanne. As if naman first time mo? Sabi ko sa sarili ko. Pumikit ako at huminga ng malalim.
   
   
   
"Please welcome, Miss Aleandra de Vera," narinig kong sabi ng emcee at nagpalakpakan ang mga tao


Iyon na ang cue ko. Tumayo ako at nagsimula nang maglakad papunta ng entablado.

EXTRA JOBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon