Leanne's
"What was that?!" tanong ni Dori.
Awtomatikong napatingin ang mga kaibigan ko sa akin. Lahat sila naghihintay ng kasagutan sa ganap kani-kanina lang. Pahamak ka talaga, Sir Tim. Paano ako ngayon nito? Parang naalis ang kaluluwa ko sa katawan ko. Isip, Leanne. Isip. Kailangan mo silang bigyan ng dahilan ngayon! Para akong hihimatayin sa kaba. Hindi sa OA ako pero alam mo iyong feeling na lahat sila nakamata sa'yo na parang may mabigat na kasalanan kang nagawa? Ganoon na ganoon. Pero bakit nga ba niya ako binilhan ng cellphone? Sulsol na naman ba ito sa paggamit niya sa akin kagabi? Maski rin ako ay hindi sigurado sa totoong dahilan.
"Nasira nga kasi 'yung cellphone ko. Need nila ako i-contact in case may biglaang gig ako," pag-uulit ko sa sinabi ni Sir Tim. Ano 'yun?
"So? Kailangan siya bibili ng cellphone mo, ganu'n?" tanong muli ni Dori.
Kung nakakamatay lang ang mga titig, multiple dead na ako ngayon sa mga titig ng kaibigan ko. Jusmiyo, ano bang magandang dahilan? Mag-isip ka, Leanne. Galingan mo naman!
"Kagabi kasi naki-insert ako sa cellphone ng Papa ko, tinext ko mga ka-work ko na sira cellphone ko. In case magtext or tumawag sila sa akin baka hindi ko masagot. Then pina-inform ko rin kay Sir Tim," pagsisinungaling ko. Okay na kaya 'yun?
"So kailangan nga siya bibili ng phone mo?" tanong ulit ni Dori sa pangatlong pagkakataon.
Sabi ko nga hindi sila naniniwala. Ano ba naman ito? Buking na ba talaga ako? Magsabi na ba ako ng totoo? Hindi pwede. Magagalit sila panigurado. Mali pa ang timing kaya kailangan malusutan ko muna ito.
"Tumawag kasi siya after kong inform sila na wala akong cellphone. Bukas may event akong pagkakantahan, party ng friend niya. E since wala akong cellphone, sabi niya need niya daw talaga ako i-contact regarding sa details dahil hindi pa confirm ang song choices at kung what time ako need sa event. Hindi ko naman siya nasabihan na bibili ako ng cellphone ngayon," out of nowhere kong dahilan.
Napataas ang isang kilay ni Felly sa akin. Mukhang kapani-paniwala naman na. Sa mga ganitong oras talaga kailangan prepared ka sa mga sasabihin mo. Ewan ko rin paano na lang bigla pumasok sa isip ko ang mga dahilan na iyon pero sa tingin ko ay naniniwala na naman sila kahit may kaunting doubt pa rin. At least naniniwala naman na, diba?
"E malay ko bang bibilhan niya pala ako ng cellphone. Medyo mahigpit kasi iyon si Sir sa ganu'n. Kailangan pag-contact niya sa'yo, reply ka agad," nangingiti kong paliwanag pa.
Parang pinagpapawisan ako ng malamig. Ano ba naman mga dahilan ko. Ang bano lang. Hays.
"Sweet naman ng Sir mo. Talagang binilhan ka pa talaga niya ng phone? 'Yung boss talaga ang bibili para sa singer niya?" sarkastikong tanong ni Felly.
Sa lahat ng kaibigan ko, si Felly ang pinakawais. Hindi agad napapaniwala hangga't hindi siya kumbinsido sa mga paliwanag.
"E kasi sabi ko sa kanya hindi ko pa alam kung kailan ako magkakaroon ng cellphone. Nagalit pa nga sa akin kasi sabi niya kakasahod ko lang, bakit hindi ako makabili. Mahigpit nga siya sa mga appointments. Sa laki ba naman ng sahod ko tapos 'di pala ako ready sa mga rush events na ganito, talagang magagalit siya," paliwanag kong muli. Nagpause ako saglit saka nagsalita, "Ano ba kasing mga iniisip ninyo?"
At iyon na nga ang tanong na gusto kong itanong sa kanila kanina pa. Ano nga ba kasi mga iniisip ninyo? Napapraning na rin ako!
"Nililigawan ka ba ng boss mo?" seryosong tanong ni Daryl.

BINABASA MO ANG
EXTRA JOB
RandomHindi naman ako pinanganak na mahirap.. . . . . .. at hindi rin naman ako pinanganak na malandi.. ~ Leanne This is a rated SPG Story.