XX

751 11 7
                                    

Leanne's

Patuloy pa rin ang pagpapaandar niya ng kotse at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakatingin ako saliwa sa direksyon niya para maitago ko ang pag-iyak ko kahit hindi ko naman na maitatago dahil alam naman niya at rinig niya ang mga pigil na pagsinghap ko. Sobrang sama talaga ng loob ko. Unang beses ko itong umiyak sa lalaki, ang masaklap pa ay sa harap pa mismo niya. Parang iba ang sakit ngayon kaysa noong naramdaman ko kay Stephen.

Alam ko naman wala akong karapatang mag-demand sa kanya dahil wala namang "kami" pero bawal na ba akong magdesisyon para sa sarili ko kapag kasama ko siya? Dapat ba siya lang palagi ang masunod at sasang-ayon na lang ako sa lahat ng gusto niya? Kahit kaunting pagpapahalaga man lang sana e, okay na ako. Pero wala, sumobra na talaga siya. Sa inasta niya kanina, pinatunayan niya lang kung ano lang ako sa kanya. Mas lalo lang bumaba tingin ko sa sarili ko.

Naiyak ako lalo dahil sa napagtanto ko na iyon. Masakit pero iyon ang totoo. Kung ganito lang rin pala kasakit, parang mas gugustuhin ko na lang na ihinto na agad kung anumang meron kami. Ngayon pa nga lang, ganito na kasakit, paano pa kaya kapag tumagal pa. Mas lalong lalalim pa ang nararamdaman ko sa kanya. Baka hindi na ako maawat, baka lalo ako malunod habang siya, sobrang safe dahil wala naman talaga siyang nararamdaman sa akin. Ayoko ng one sided love, kahit parang ganoon na nga ang nangyayari.

Ilang sandali pa ay pumasok kami sa parking lot ng isang building. Hindi ko alam kung nasaan kami pero mukhang hindi naman ito hotel o motel. Sa sobrang pre-occupied ko at kakaiyak, hindi ko na namalayan saan niya ako dinala. Pero wala na rin akong pakialam dahil wala na talaga ako sa mood ngayon. Ang gusto ko lang, makauwi na. Gusto ko magpahinga. Iyon na lamang ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

Ipinark niya ang kotse sa may bandang dulo ng parking lot katabi ng elevator. Mukhang condo building ito. Baka sa Cubao ito dahil sinabi niya naman na dito siya umuuwi. Dito niya kami gustong mag-usap?! Hindi ko napigilang mapangisi habang naiyak. Sobrang tindi naman talaga ng lalaking ito. Wala na ngang modo, wala pang kaluluwa. Talagang sa condo niya ako dinala? Ano ba tingin niya sa akin? Ganoon karupok at bibigay agad sa kanya? Sobra na talaga siya!

"Nasa'n ako? Dito na ba tayo mag-uusap?" tanong ko sa kanya nang hindi pa rin siya lumilingon.

"We're at my place. Pwede bang umakyat muna tayo at doon na lang tayo mag-usap?" malumanay niyang tanong.

"Bakit pa? Bakit hindi na lang dito? Pagod na ako, gusto ko na talagang umuwi," sambit kong muli.

"Leanne, please. Umakyat muna tayo. Para makapagpahinga ka na rin doon," pagpupumilit niya.

Hindi ko alam pero may parang antig sa puso ko nang marinig kong muli na banggitin niya ang pangalan ko. Huli kong narinig na sinambit niya ito noong unang araw na may nangyari sa amin. Ngayon ko na lang muli narinig na tawagin niya ako sa pangalan ko. magmula noon, hindi ko na muling narinig na banggitin niya ang pangalan ko, ngayon na lang ulit. Sobrang nakakaawa naman pala talaga ako, nagagalak at nasasabik sa simpleng pagbanggit lang niya ng pangalan ko. Ganoon ba ako kabaliw sa kanya? Ganoon kauhaw sa pagpapahalaga niya? O ganoon lang talaga siya ka-walang puso? Muli na naman akong nainis sa kanya.

"Ano bang pinagkaiba ng pag-uusap natin dito sa taas? At hindi doon ang bahay ko kaya hindi ako doon magpapahinga. Gusto ko nang umuwi," pagmamatigas ko.

"Leanne, ano ba? Bakit ba ayaw mo makinig?" medyo galit na niyang tanong.

"Ako pa?! Ako pa ang ayaw makinig?!" tanong kong pabalik sa kanya at sa pagkakataong ito ay napatingin na ako sa kanya.

"Sa taas na nga tayo mag-usap. Mahirap ba 'yun? Sabi ko nga huli na 'to. Pagbigyan mo naman na ako," malumanay niya muling pakiusap.

Hindi na ako sumagot at inalis ang tingin sa kanya. Wala na talaga akong magagawa. Ganyan naman siya, kaapg ginusto niya, ginusto niya talaga. Bakit pa ba ako umaasa na pakinggan niya ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXTRA JOBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon