XV

1.2K 9 2
                                    

Leanne's POV

Mag-isa akong nakaupo sa bench dito sa garden ng family nila Timothy. Ang laki ng bahay nila. Talagang mayaman ang pamilya nila. Mababait ang magulang niya. Hindi sila gaanong nagtanong tungkol sa relasyon namin. Batid rin siguro nilang naiilang at nahihiya ako kaya naman hindi na rin sila gaanong nag-usisa. Isa pa ay nagkwentuhan lang rin naman sila about sa kani-kanilang buhay.

Ang Daddy niya pala ay isang licensed Engineer at ngayon ay may-ari na ng isang construction company. Ang Mommy naman niya ay may Cake shop sa Ortigas. Ang bunso naman niyang babae na si Tatiana ay first year college sa isang prestige school sa BGC at kumukuha ng kursong Literature Arts. Lahat pala sila ay busy sa kani-kanilang buhay kaya naman pala sobrang halaga ng family dinner na ito sa kanila.

Nalaman ko rin na hindi rin pala galing sa mayamang pamilya ang mga magulang ni Timothy. Sariling sikap rin pala nilang napagtagumpayan lahat ng pagmamay-ari nila ngayon. Minsan na lang rin silang magkita-kita. Si Tatiana kasi ay may condo sa BGC at si Timothy naman ay mayroon na ring condo sa Cubao at pad sa High Haven.

Maayos naman ang pamilya nila Timothy. Akala ko nga dahil sa mayaman silang pamilya ay mga matapobre sila pero hindi naman pala. Naiilang ako sa kanila hindi dahil sa mayaman sila kundi dahil ako lang ang hindi miyembro ng pamilya. Sa parteng iyon ay medyo natuwa naman ako dahil sa lahat ng pwede niyang dalhin sa importeng araw na ito ay ako ang napili niyang isama. Dito na naman pumasok ang malaking tanong sa isip ko; bakit? Bakit ako?

Heto na naman ako. Ang dami na namang pumapasok sa isip ko. Parang feeling ko kasi kapag lalo pang tumagal ang sitwasyon naming ganito ay mas lalong maging komplikado ang lahat. Baka lalo akong hindi makawala. Baka lalo akong umasa. Leanne, ang sabi ni Timothy trust him. 'Wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano pa. Lubusin mo na lang ang moment mo ngayon.

Hay naku. Hindi ko lubos maintindihan kung anong ibig-sabihin niya sa mga sinabi niya kanina sa akin nu'ng nasa kotse pa lang kami. Gusto niya akong makita? Ilang araw pa lang kaming hindi nagkikita pero parang nababaliw na siya? Ganu'n pala ang epekto ko sa kanya? Napangiti ako sa ideyang iyon.

"Bakit ka nandya'n?" tanong niya sa akin.

Agad kong inayos ang sarili ko at humarap sa kanya.

"Wala naman. Nagpapahinga lang," sagot ko sa kanya.

"It's cold here. Let's get inside. Matutulog na rin sila Mom and Dad. Hinahanap ka na nila para makapagpaalam," pag-aaya niya pa.

Tumango lang ako sa kanya at saka tumayo at papalapit na naglakad sa kanya.

Inakbayan niya ako at doon ramdam ko ang init ng palad niya na dumampi sa balikat ko. Malamig nga ngayong gabi ngunit napawi iyon sa simpleng init na dulot ng kamay niya. Ganito ba talaga katindi ang epekto niya sa akin? Bumibilis na naman ang kabog ng dibdib ko. 'Yan ka na naman, Leanne. Kontrolin mo ang sarili mo. 'Wag kang magpadala sa libog mo. Pagkontra ko sa sarili ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito sa ibang lalaki. Tanging siya lang nakakagawa nito sa'kin.

Naglakad kami pabalik sa bahay nila at pilit itinatago ang init na nadarama ko. Sobrang natetense ako at feeling ko ay pinagpapawisan ako habang siya naman ay walang kaalam-alam sa hirap na nararamdaman ko ngayon. Pagkapasok namin ay natanaw ko agad ang Mommy, Daddy, at ang kapatid niyang si Tatiana na nakaupo sa sofa nila sa sala na nag-uusap at nagtatawanan. Napalitan muli ng pagkailang ang pag-iinit na nararamdaman ko ngayon. Ano ba namang buhay ito? Hindi ko kinakaya nangyayari sa akin ngayon. Sa isip-isip ko.

"Mom, Dad," pagtawag niya ng atensyon sa mga ito.

Agad naman silang napalingon sa amin at saka sinalubong kami ng nakangiti.

EXTRA JOBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon