XIII

1.9K 18 4
                                    

Leanne's

Walang umiimik sa'min pagkatapos ng nangyari. Ewan ko ba pero parang nailang ako sa huling sinabi niya. Gusto niya kong.. Hay! Ano ba namang naiisip ko. Feeling ko ay pulang pula ang mukha ko. Inaamin ko naman na talagang nakakapang-init ang salita niyang 'yon at inaamin ko rin na talagang malakas ang karisma niya sa akin.

Tahimik lang rin siyang nagmamaneho at hindi na rin niyang nagawang lingunin ako pagkatapos ng nangyari. Hindi ko alam pero parang mas gwapo siya sa plain gray longsleeve niya nang wala ang coat niya. O talagang gwapo siya kahit ano pang suot niya. Minsan nga ay naiisip ko kung paano ako pumasok sa buhay niya samantalang napakalayo naman ng estado namin.

Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatuon siya sa kalsada. Napalingon rin siya sa akin saglit at bumalik na rin ng tingin sa pagmamaneho niya.

"Are you hungry?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa naman. Saan ba tayo pupunta?" balik kong tanong sa kanya.

"Ah. Naiinip ka na. Malapit na tayo. Sorry if I disturbed you this late. I just needed to come and I just needed you to come with me." sagot niya naman.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko maiintindihan ang ibig niyang sabihin. Sa'n ba siya pupunta at parang importanteng importanteng makarating siya? At bakit kailangan akong kasama? Tanong ko sa sarili ko.

Nanahimik na lamang ako at sinarili ang mga tanong na 'yon. Siguro naman ay hindi niya ako ibubugaw. At kung sakali man, mabuti na lang at nagpaalam ako kela Papa at Kuya na kasama ko ang boss ko at may special event kaming pupunta at kailangan niya ang serbisyo kong pagkanta. Pagkanta nga ba ang serbisyong ibibigay ko ngayong gabi sa kanya? Sa isip-isip ko. Hay! Bahala na nga. Malaki naman ang tiwala ko na hindi ako ipapahamak ni Sir Tim.

"Later at the dinner, don't answer questions. Just let me," bigla niyang sambit.

"Po?" pagtataka kong tanong sa sinabi niya.

"We are having a dinner with my family. It's my Father's birthday. Matanong ang Mommy ko at madaldal ang kapatid kong bunsong babae. Mamaya kapag nagtanong sila about.. about sa'tin.. don't answer. Just let me," pagpapaliwanag niya.

Lalong nangunot ang noo ko at mas maraming pumasok na tanong sa isip ko. Pinili ko na lamang magsalita sa kabila ng pagtataka ko sa mga sinabi niya. Teka.. kung family dinner pala ang pupuntahan namin.. shit! Bigla akong na-conscious sa suot at ayos ko. Bigla-bigla akong napatingin sa suot-suot kong damit. Tae Leanne, ang laswa mo! Baka sabihin ng pamilya niya ay ganyan na sa'yo ang pormal. Labas at naghihimutok ang dibdib! At ang mga tattoo mo! Jusmiyo!
  
   
"Teka lang po Sir. Ang sabi n'yo po ay pupunta tayo sa birthday party ng Daddy mo," panimula kong tanong.
  
  
"Uh-huh. Family dinner lang 'yon actually. Walang ibang taong inimbitahan. Ikaw lang," paliwanag niya sabay titig sa akin.
  
   
Naguguluhan ako. Family dinner lang? Ibig-sabihin ba ay ang mommy at daddy niya lang pati kapatid niya at siya ang nandoon? O extended family ang nandoon sa dinner?
  
   
"Extended family dinner po ba? I mean, kasama po ba ang relatives niyo?" sunod kong tanong.
    
  
Tumingin muli siya sa akin at napatingin rin ako sa kanya na tila ba ay naghihintay ng sagot niya. Kumunot ang noo niya at ganoon rin ang ginawa ko. Unti-unting napalitan ng ngisi ang kanyang reaksyon at saka umiling. Para sa'n ang ngising 'yon?
  
  
"ONLY a family dinner. My mom, my dad, my sister, me and you," pagdeklara niya.
  
  
Napabuntong-hininga ako. Tila ba nabunutan ako ng kaunting tinik ng malaman kong wala sa dinner naming pupuntahan ang iba pang kamag-anakan ni Sir Tim. Ewan ko ba pero feeling ko ay magiging awkward lalo sa'min kung nandoon pa ang iba niyang kamag-anak at kung ano pang isipin nila tungkol sa'min. Teka.. kung simpleng family dinner lang 'yon, ibig-sabihin ay hindi magarbo ang selebrasyon? E anong gagawin ko du'n?
  
   
"Ah Sir. A-ano po palang ga-gagawin ko du'n?" pautal-utal ko pang tanong.
  
  
Hindi kagaya ng kanina na kapag tinatanong ko siya at titingnan niya ko at diretsang sasagutin ang tanong ko. Ngayon ay diretsong nakatingin lang siya sa kalsada at taimtim na nagmamaneho. Hindi niya rin sinagot ang tanong ko.
  
  
"I mean, kakanta po ba ako? Ano po bang paboritong kanta ng Daddy n'yo? Hindi ko po napaghandaan kasi po 'di n'yo naman po-"
  
   
"No, Leanne. It's not actually the reason why I brought you with me. But may be it's a good idea too that you'll sing later for my Daddy. He is actually a rockstar in the past kaya maa-appreciate niya rin siguro kung kakantahan mo siya," pagpapaliwanag niya.
  
  
"E kung gano'n po, ano po ba talagang dahilan bakit po kailangan n'yo pa po akong isama?" mabilis kong tanong sa kanya.
  
  
Kahit nakakahiya ay kinapalan ko na talaga ang mukha ko para malaman ko ang totoong dahilan bakit niya nga ba talaga ako kailangang isama sa family dinner nila. Ipokrita na kung ipokrita pero masisisi niya ba ako kung papasok rin sa isip ko na dahil ay may nangyayari sa amin ay baka.. baka lang na ipakilala niya ako bilang girlfriend niya. Ambisyosa ka, Leanne! Ano ka maganda? Sabi ng isang bahagi ng isip ko. Pero pwede rin. Kung hindi gano'n, ano pang dahilan? At 'yon ang pinakabumabagabag sa'kin.
  
  
Gaya ng kanina ay tahimik lang siyang nagmaneho at hindi agad ako sinagot. Hindi ko na inulit pa ang tanong ko dahil wala nang natitirang lakas ng loob sa akin para ulitin pa iyon na tanungin sa kanya ngunit naghihintay pa rin akong sagutin niya ito. Ang gusto ko lang naman ay maliwanagan at ayokong bigyan ng iba't ibang kahulugan ang pagsama niya sa akin sa family dinner nila. Actually, ayokong umasa. O umaasa nga ba talaga ako na baka may spesyal na dahilan bakit niya ako isinama? Napabuntong-hininga na lamang ako at napatungo.
  
   
Maya-maya ay huminto siya ng pagmamaneho at bumuntong-hininga rin. Hindi ko siya nilingon ngunit batid ko na humarap siya sa akin at saka hinawakan ng dalawa niyang kamay ang mga kamay kong nakalapat sa aking mga hita.
  
  
"Don't overthink things, Leanne. Just trust me. I can not tell you the true reason coz.. coz.. basta! Just please go with the flow. They're nice people. Alam kong magugustuhan ka nila," pagkumbinsi niya sa akin.
  
  
Napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin. Nangungusap ito na paniwalaan at pagkatiwalaan ko siya. Bahagya siyang ngumiti na siyang dahilan ng pagpawi ng kabang nararamdaman ko. Ngumiti rin ako at napatango na lamang sa kanya.
  
  
"You okey na?" tanong niya.
  
  
Tumango-tango na lamang ako.
  
  
"Good. Now fix yourself. Nandito na tayo at malamang ay kanina pa nila tayo hinihintay. They won't eat until we're not arrive yet," pag-utos niya.
  
  
Dali-dali niyang tinanggal ang seatbelt niya at may kinuhang paper bag sa may likod na upuan. Ako rin ay dali-daling kumilos at nag-ayos. Nag-alis rin ako ng seatbelt at hinubad ang coat niyang pinahiram sa'kin kanina at walang tinging iniabot sa kanya dahil sa pagkaabala ko sa pag-aayos. Nangangawit na ang kamay kong nag-aabot sa kanya ng kanyang coat na hindi niya pa kinukuha kaya naman napatingin ako sa kanya.
  
  
Walang pang limang segundo na nag-init ang buong katawan ko nang makita ko na nakangangang nakatuon ang kanyang mga mata sa aking dibdib. Nasulyapan ko rin ang sunod-sunod niyang paglunok at pamumutla. Awtomatikong napakagat-labi ako na siyang dahilan ng agresibong pagsunggab niya sa mga labi ko sabay ng pagsabit ng mga kamay ko sa kanyang leeg at tugunan ang mainit niyang halik.

EXTRA JOBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon