Leanne's
Kanina pa ako tuliro dito sa waiting room pagkatapos ng set ko kanina sa stage. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako maka-move on sa mga nangyari sa amin kanina ni Sir Tim sa kotse. Nakita niya talaga akong nagde-daydream? Nakakahiya talaga. Baka isipin niya siya 'yung pinagpapantasyahan ko. Tsaka sabi niya he likes my innocence. Ano ibig niyang sabihin? Hay nakakabaliw siya.
Hindi pa ako makauwi dahil nakiusap sa akin si Thess, 'yung isang waitress na una kong naging ka-close dito sa trabaho, na hintayin ko. Birthday niya kasi at magse-celebrate daw kami pagka-out niya mamayang ala-una. At dahil wala naman akong pasok kinabukasan ay pumayag na rin ako. Kailangan ko rin kasing makisama sa kanila since regular na akong magtatrabaho sa bar na 'to.
Unfortunately ay wala akong dala-dalang damit. Umupo na nga lang ako dito sa back stage dahil feeling ko dahil sa pananamit ko ay pinagtitinginan ako sa labas. Kahit na naka-jacket ako ay medyo litaw pa rin ang kaunting balat ko dahil sa spaghetti at skirt na suot ko. Lesson learned na dapat next time ay magdala ako ng pamalit kong damit na mas komportableng suotin para naman hindi ako naiilang na pagtinginan ako ng tao.
Nang inaya na 'kong ihatid ni Sir Tim pauwi ay sinabi ko sa kanya ang plano ni Thess na magcelebrate ngayong birthday niya at hindi na 'ko magpapahatid sa kanya pauwi para hindi siya maabala. Sinabi niya na dito na lang daw kami sa bar magcelebrate at hihintayin niya daw kaming matapos at ihahatid pa rin daw niya ako pauwi gaya ng usapan. Pinilit kong tumanggi pero mapilit siya kaya pumayag na lang rin ako.
Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang mag-ilusyon dahil sa pinapakita sa akin ni Sir Tim. Alam ko naman ang limitasyon ko at alam ko rin na hindi siya papatol sa akin. Binata si Sir Tim at ang sabi nila ay wala daw itong girlfriend. Hindi naman ako umaasa na magkakagusto siya sa akin dahil una sa lahat, menor de edad lang ako. Pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing nalalapit siya sa'kin. Bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ako mapakali. Alam kong hindi tama kaya nga pinipigilan ko ang sarili ko pero siya ang lapit ng lapit sa akin at alam ko naman na wala iyong malisya. Iniisip ko na lang na baka talagang tumutupad lang siya sa napagkasunduan namin.
"Leanne, ba't nand'yan ka? Tara sa labas! Chill lang. Nando'n na sina Krista, nagsisimula nang mag-inom," bungad sa akin ni Thess pagbukas niya ng pinto ng waiting room.
"Sige. Susunod ako, wait lang," sagot ko.
"Sige labas ka na ha. Pinayagan ako ni Sir Tim na mag-out ng maaga kaya maya-maya makakasabay na 'ko sa inyo," excited niyang sabi sa akin.
"Mabuti kung gano'n. Happy birthday ulit Thess ah. Thanks sa pag-invite sa'kin," sabi ko naman sa kanya.
"Thank you. Wala 'yon 'no. Magiging part ka na ng family ng High Haven kaya 'wag ka magpasalamat. Masanay ka na. Mabuti nga pinayagan ka ni Sir Tim na mag-inom dito kahit na minor ka pa lang. Dati hindi siya pumapayag eh. Medyo bumait nga 'yon pagkauwi galing America. Swerte mo," kwento niya.
"Talaga? Masungit ba siya dati sa inyo?" tanong ko naman.
"Hindi naman masungit pero hindi siya palapansin. Si Sir Raffi lang ang kinakausap niya. Kung kakausapin ka man niya o ipapatawag sa opisina niya, malamang may nagawa kang hindi maganda. Gano'n siya dati. Pero nitong dumating siya, parang medyo bumait ang awra niya. Pinapansin niya na kami at pati nga ikaw 'diba, kinausap niya pa? Mabuti nga kung gano'n kaysa naman dati na nakakatakot at ang cold niya sa'min," sagot niya sa akin.
"Gano'n ba?" tanong ko sa kawalan.
"Oo. Kaya ang swerte mo. Sana nga mamaya maki-join siya sa'tin e. Alam mo, crush ko talaga 'yun si Sir eh. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya 'diba? Actually, sila ngang magkakaibigan. Ang ga-gwapo kasi," pag-amin ni Thess na halatang kilig na kilig pa.
Nginitian ko na lamang siya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nagulat ako sa mga nalaman ko kay Sir Tim.
"O siya, balik na ko do'n at baka hinahanap na 'ko. Sumunod ka na tapos join ka na kela Krista ha. Para naman mas makilala ka pa namin. Sige, bye," paalam niya sa akin at lumabas na ng kwarto.
Ang misteryoso naman niya pala.
~
"So, ibig sabihin hindi ka pa nagkaka-boyfriend?!" pasigaw na tanong ni Krista sa akin na waitress rin dito sa High Haven.
"'Wag ka ngang sumigaw, Krista. Naririnig ka naman ni Leanne eh," suway naman ni Arnold na barista namin.
"E nakakagulat naman kasi Imposibleng hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Kahit fling lang?" tanong pa niya ulit.
Umiling lang ako bilang sagot.
"Imposible! Pucha sa ganda mong 'yan? Ako ngang 'di kagandahan ang dami nang naging jowa tapos ikaw wala pa ni isa? Walang nagbalak manligaw?" tanong niya pa.
"Me'ron naman pero wala kasi akong interes dati eh. May isa akong nagustuhan kaso iba naman rin ang gusto. 'Yung isa naming kaklase 'yung niligawan niya," pag-amin ko.
"Ay ang bobo naman no'n. Nagtagal naman ba sila no'n?" tanong niya ulit sabay tungga ng San Mig Light niya.
"Nagbreak rin sila after a month," sagot ko naman.
"Ay malamang nagsisi yo'n dahil pinagpalit ka niya. Bumabalik siya sa'yo 'no?" hula niya.
Tiningnan ko lang siya at tipid na ngumiti. Ayoko namang sabihin na talaga ngang nagsisi si Stephen dahil hindi naman talaga niya 'yon sinabi ng diretso at hindi ko rin masabi talaga na bumabalik siya dahil magkaibigan naman talaga kami sa simula pa lang. Wala ring kasiguraduhan kung ano nga ba kami ngayon.
"'Kita mo na! Nagsisi 'yon! Tanga niya. Kung ako lalaki, liligawan talaga kita. Tang ina, ang ganda mo kaya," pagpuri niya sa akin.
"Hala 'to si Krista oh, natitibo ka na?" tanong ni Lemuel habang tumatawa.
"Gaga hindi. Ang landi-landi ko tapos tibo? E bakit totoo naman sinasabi ko ah. Bakit kayo, 'di kayo nagagandahan kay Leanne? Diyos ko, panalong panalo ka na nga sa kanya oh. Maganda, sexy tapos ang galing pang kumanta. San ka pa, 'diba? Tanga lang ang hindi makakakita no'n sa kanya," patuloy niya pa.
Bigla akong nahiya sa mga pinagsasasabi ni Krista. Malamang ay lasing na siya kaya kung ano-ano na ang mga lumalabas sa bibig niya. Tumungo ako dahil ayoko makita ang mga reaksyon ng mga kasamahan ko sa trabaho. Ayokong isipin nila na pinagmamayabang ko kung ano ako at ayokong isipin nila na feel na feel ko ang mga papuring iyon ni Krista.
"O 'diba? 'Di kayo nagsasalita kasi totoo. Tama naman ako, 'diba? Maganda naman talaga si Leanne? Siguro nga may mga gusto na rin kayo sa kanya eh," bigla niyang sabi.
"Hala, Krista. Lasing ka na yata," sabi ko na lang dahil sa pagkabigla ko sa mga huli niyang sinabi.
"Hindi ako lasing. Kahit tanungin mo pa 'yang mga 'yan eh. Kahapon no'ng unang kita ko pa lang sa'yo, sinabi ko na talaga sa kanila na maganda ka. Matino ako no'n ah. Sumang-ayon pa nga sina Arnold at Teddie eh. 'Diba, 'wag ninyo itanggi!?" tanong nito sa dalawa na mas lalo kong ikinagulat.
"Lasing ka na, Krista. Tumigil ka na hoy," pagsuway naman ni Thess dito.
"Hindi ako lasing. Tinatanong ko lang sila. Sabihin n'yo, hindi ba kayo nagagandahan kay Leanne? 'Diba maganda naman siya, 'diba?" pangungulit pa ulit na tanong ni Krista sa mga kasamahan naming lalaki.
"Oo, maganda siya," rinig naming sagot ng ibang lalaki.
Paglingon ko sa likuran ko ay nakita kong nakatayo si Sir Dominic at nakaharap sa amin. Nagulat kaming lahat sa pagsulpot niya kaya naman wala ni isa sa amin ang agad na nakapagsalita.
"Sir," sambit na lamang ni Thess na nagbasag ng katahimikan at pagkagulat naming lahat.
Ngumiti ito at kumuha ng isa pang upuan sa ibang table at saka umupo sa may kanang gawi ko.
"Pwede ba 'ko maki-join? Balita ko, Thess, birthday mo daw ah. Happy birthday," bati niya kay Thess. "Waiter!" sigaw niya kay Alfie na waiter namin na in-charge ngayon.
"Dalawang bucket pa ng San Mig Light. Charge mo sa'kin," sabi niya rito.
"Okay po, Sir. 'Yun lang po ba?" tanong naman ni Alfie pagkatapos ilista ang order ni Sir Dominic.
"Tsaka tatlong sisig. 'Yun lang. Salamat. Pakibilisan kamo at magse-celebrate kami ng birthday ng suki kong waitress," dagdag pa nito.
"Right away, Sir. Excuse me lang po," sabi ni Alfie sabay lakad-takbong pumunta sa bar counter.
Wala ni isang nagsasalita sa amin dahil sa pagkabigla. Sino mag-aakala na uupo dito sa table namin si Sir Dominic at makikisabay pa sa inuman namin. At talagang umorder pa siya ng dagdag na alak at pulutan para sa birthday ni Thess.
"So, ano nga ulit 'yung pinag-uusapan n'yo?" tanong ni Sir Dom habang nakangiti.
"Ah, Sir, nagkakabiruan lang po kami dito. Medyo lasing na kasi si Krista kaya makulit na," sagot naman ni Thess.
"Biro ba 'yong narinig ko? I don't think so. Leanne is really beautiful," sambit nito habang nakatingin sa akin.
Hindi ako makapagsalita at nanatili lang akong nakatungo. Kung kanina ay nahihiya ako sa pinagsasabi ni Krista ay mas trumiple ang hiya ko noong nanggaling na 'yon kay Sir Dominic.
"Its true. You're really beautiful lalo na siguro pag nagdalaga ka na," sabi niya sa akin.
Napaangat ako ng tingin ngunit bahagyang nakatungo pa rin ako dahil sa kaba at kahihiyang nararamdaman ko. Feeling ko ay nakatingin sa akin lahat ng mga nakarinig ng sinabi ni Sir Dominic at natatakot akong pagsimulan pa ito ng chismis.
"Uhmm.." bulong ko dahil hindi ako makabuo ng sasabihin ko dahil lutang ang isip ko sa mga sinabi niya.
"'Wag kang mahiya kasi maganda ka naman talaga. 17 ka pa lang pero nakikita na ang kagandahan mo. Next year sigurado na marami nang pipila sa'yo para manligaw. Make sure lang na you'll pick the right man," pagpapatuloy nito.
"Uhmm.. Th-thank you po, Sir. Uhmm.. magsi-CR lang po ako. Excuse me po muna," paalam ko sabay tayo.
Alam kong ang bano lang ng ginawa ko pero iyon lang ang alam kong excuse para makatakas doon at makahinga ng maluwag. Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. Totoo ba 'tong nangyayari o nananaginip lang ako? Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Nakayuko akong naglakad papuntang ladies room nang biglang may humarang sa dinaraanan ko.
"Let's talk in my office. Follow me, now!" matigas na sambit ni Sir Tim na halatang galit na galit.
BINABASA MO ANG
EXTRA JOB
RandomHindi naman ako pinanganak na mahirap.. . . . . .. at hindi rin naman ako pinanganak na malandi.. ~ Leanne This is a rated SPG Story.