Leanne's
Mainit ang halikang pinagsasaluhan namin na para bang sabik na sabik at matagal na panahong hindi namin natikman ang kani-kaniyang mga labi. Masarap, sobrang sarap. Nakakatakam, at mas lalo pang nagliliyab ang aking katawan. Habang lumalalim ang aming halikan ay damang dama ko rin ang mga kamay niyang naglilibot na naman sa buo kong katawan. Palipat-lipat sa dibdib ko, sa bewang, sa hita, sa leeg. Nakakapaso ang kanyang mga kamay, mas lalong tumitindi ang pagkasabik ko. Nakakalibog sa madaling salita.Mahirap ang posisyon namin dahil nasa loob kami ng kotse niya ngunit 'di namin alintana dahil pareho kaming nalulunod sa sarap ng paghahalikan namin. Iniangat ko ang katawan ko upang lalong madiin sa bahagyang nakatagilid niyang katawan paharap sa akin. Ewan ko ba pero gusto ko nang kalasin ang halikang iyon at tumungo naman ang mga labi niya sa mas sensitibong parte ng katawan ko na mas higit na magpapainit sa akin. Ilang araw rin akong nasabik sa kanya. Ilang araw rin akong nabaliw kakaisip kung mauulit pa kaya ito. At ito na nga. Kaya naman sobrang agresibo ko rin ngayon at sinasabayan ang init niya.
Sa pagkainip ko ay ako na mismo ang kumalas sa aming paghahalikan at saka tinungo ng mga labi ko ang baba niya pababa sa leeg niya. Tumingala siya at rinig ko ang mahinang pag-ungol niya. Ang sarap pakinggan. Mas lalo akong ginanahan. Unang beses ko lang itong ginawa at sobra akong nag-iinit. Hinalik-halikan ko ang kanyang leeg at paminsan pa'y marahan kong sinisipsip gaya ng ginagawa niya sa akin. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero base sa mga kamay niya sa bewang at dibdib ko ay tila ba gigil na gigil at sarap na sarap siya.
Napapaligaya ko siya, sigurado ako doon. Sa ideyang iyon ay napabitaw ang mga kamay ko sa kanyang leeg. Akmang tatanggalin ko naman ang pagkabutones ng polo niya nang agad siyang napabalikwas at nanlalaking mata siyang napatitig sa akin na para bang nagising siya sa mga pangyayari. Napatigil ako sa ginagawa ko at sa sandalinng iyon ay napalitan ng kahihiyan ang init na nararamdaman ko. Ano ka ba, Leanne? Nasa kotse kayo! Sa isip-isip ko.
Ilang segundo kaming nasa ganoon na sitwasyon. Nalunod kami pareho sa init na nararamdaman namin. Muntik na. Muntik na naming hindi mapigilan ang isa't-isa. Mabilis at mabibigat ang paghinga namin pareho. Nakakabitin, oo, ngunit kailangan namin magkaroon ng limitasyon. Napapikit siya at saka tumingala at napabuntong-hininga. Nakakahiya. Sobra. Napayuko ako at naiinis sa sarili ko. Bakit hindi ka nagkontrol, Leanne? Hayok na hayok? Shit. Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko. Ito ba ang dulot niya sa akin?
Tumayo siya sa pagkakapatong sa akin at bumalik sa driver's seat. Nakapatong ang dalawa niyang mga kamay sa manobela at yumuko. Maging siya ay 'di rin siguro makapaniwala sa nangyari. Ang tanga-tanga mo, Leanne. Paano na lang kasi kung may nakakita? At nandito pa kayo sa bahay nila! Paano na nga lang talaga?
Naglinga-linga ako kung may tao ba sa paligid. Sa saglit na panahong iyon ay nakalimutan ko rin na nasa loob kami ng kotse at malaki ang posibilidad na baka mga may makakita sa amin. Mabuti na lang at wala namang tao. Kung hindi ay ano lang ang iisipin ng nakakita. Mas nakakahiya iyon. Hindi na ito dapat maulit. Dapat makontrol ko ang sarili ko sa mga ganitong sitwasyon. Pero paano? Titigan niya pa lang ako ay sobrang nag-iinit na ako. 'Wag kang marupok, Leanne. Maagpakipot ka naman kahit kaunti!
Umayos ako sa pagkakaupo at inayos ko ang sarili ko. Napatingin ako sa dibdib ko at naisip ko naman ang suot ko. Ano ba naman ito? Bakit ba kasi ganito ang suot ko? Ano na lang iisipin ng pamilya niya? Kung makapag-isip ka naman, Leanne feeling girlfriend ka! Ano naman pakialam mo sa impression ng pamilya niya sa'yo? Pagkontra ng isipan ko. Oo nga naman. Ngayon ko lang naman siguro sila makikita at makikilala ng personal. Pero bakit ko sila kailangang makilala? Sobrang ambisyosa ka na talaga, Leanne! Umayos ka. 'Wag kang assuming na feeling mo e gusto ka ng boss mo. Libog lang lahat ng ito! Pagpapaalala ko sa sarili ko.

BINABASA MO ANG
EXTRA JOB
RandomHindi naman ako pinanganak na mahirap.. . . . . .. at hindi rin naman ako pinanganak na malandi.. ~ Leanne This is a rated SPG Story.