“AND IN THE NEAR FUTURE, she might be more of a mother to me than you ever did.”
Pain. Disgust. Disbelief. They shambled behind Artemia’s eyes, sparkled against the low lit room. In their nearness, Stacey saw it so clearly. But she was confused.
Am I seeing it as it is? Or am I only seeing what I wanted to see in her eyes all my life?
“Are you listening to what you’re saying, Stacey?” mahigpit ang tono nito.
Nanatili ang nagmamatapang niyang tingin dito. Hindi siya nagpatinag.
“For such a long time, I’ve been so alone, always on my own. I never felt someone got my back. I never completely knew how it felt to have someone to lean on, to depend on. I never stopped working, taking care of myself. Nagkaroon lang ako ng pahinga sa lahat ng ito nang mahalin ako ni Renante,” mabilis ngunit mabigat niyang paliwanag sa ina. “He is someone that I can lean on, someone I can depend on. Someone I trust. In times when the world gets so tiring, Renante had been there to take care of me, to take me in his arms to talk to, to pour my heart out to— something that my parents failed to do.”
Dahan-dahang dumistansya si Artemia.
“I won’t lose Renante just because you want me to. Ano ang gusto niyo? Habambuhay na lang ako mag-isa? Tulad ninyo ni Dad na laging magkalayo?”
Napailing lang si Artemia. Nahulog ito saglit sa malalim na pag-iisip bago binalik ang malamlam na tingin sa kanya. Her poise only wavered, then it came back stronger. Firmer.
“I’ll be back here on Monday morning. Siguro naman, sa mga oras na ‘yon, wala kayo sa bahay. You’re both busy running business or doing your jobs or something.” Pinatatag nito ang sarili. Kumapit sa nalalabing dignidad na natitira rito. “Just set a schedule on Monday so we won’t cross paths here. I just really needed to film this house.”
Napatitig si Stacey sa kanyang nanay. She was searching for regret in her eyes. Just a slight quiver of guilt on her red lips. A deep etch on her face as deep as the scar her indifference caused Stacey since she was a little girl.
Mula noon hanggang ngayon, hindi talaga kayang magbaba ng pride ni Artemia kahit para man lang sa kanya na sarili nitong anak. Artemia would not even apologize for her shortcomings as a parent. As usual, she tossed aside her sentiments about it.
Hindi maintindihan ni Stacey kung bakit masakit na ito na naman ang nangyari.
Dapat, nasanay na siya.
Naka-button-down pajama shirt si Renante at boxers nang madatnan ni Stacey sa silid nito. Silid na gamit noon ng namayapa niyang Tito Manuel.
Dahil ginagamit ni Renante ang silid, mas maayos na ang pagkakasalansan ng mga lumang canvas boards at iba pang materyales sa pagpe-painting. Naipon ang mga iyon sa isang sulok ng silid, magkakasandal sa tabi ng isang pader. Ang mga pain brush, palettes at paint tubes ay nakatabi sa isa sa mga cabinet kasama ng mga sketchbooks.
Lumapit si Stacey sa cabinet na hanggang balakang niya ang taas. Maingat niyang pinatong doon ang magkakapatong na laptop at journals. Nasa pinakaibabaw ang kanyang smartphone.
Renante gave her a warm smile. Parang gusto niya tuloy maiyak kasi sa kabila ng init ng pagtanggap ng binata sa kanya, wala itong kamalay-malay sa mga isyu na unti-unting pumapalibot sa kanilang relasyon.
“How’s your mom?”
Shit. Nauna pa nitong kumustahin ang kanyang ina. Lalong lumambot ang puso niya para sa lalaki.
“Napagalitan ka ba?” mahina itong natawa.
Napagalitan? Ano siya? Menor de edad na kailangang pagalitan ni Artemia kapag nahuling nakikipag-make out? She’s already 33, for Pete’s sake.

BINABASA MO ANG
Through Secrets Unveiled
General Fiction[ Manila's Finest Series # 3] [ Wattpad Version ] ••• Rated SPG - R18+ When revelation comes, denial follows.