Chapter Forty-Eight - Two Old Friends

1.6K 54 12
                                    

PAGKAPASOK na pagkapasok ni Luz sa bahay ay in-interrogate na ito ni Renante. She found it strange because he used to act like he doesn't care ever since he had feelings for Artemia's daughter

Alibi lang ni Luz na nag-grocery ito, kaya hindi rin nito masisisi ang pagtataka ni Renante nang makitang gayak na gayak ito at kauuwi lang ng bahay. Malas ng ginang kasi at naunahan ito ng sariling anak makauwi.

Pagdating sa kuwarto nila ng asawang si Ronaldo, naghubad ng mga alahas si Luz at inihanda ang susuoting pantulog. Tahimik na nagbabasa ng fiction novel ng ginoo na nakaupo sa kama at nakasandal sa headrest ang likuran. His eyes stole a glance at her, then he resumed his reading. Walang pagtataka sa mukha ni Ronaldo dahil nagpaalam naman si Luz dito na aalis.

Akala ni Luz ay ligtas na ito kay SPO2 Renante Villaluz, pero dadaan pa pala ang babae sa interogasyon ni General Ronaldo Villaluz.

"Kumusta ang meet-up?" sara nito ng libro bago ito ikinandong sabay lingon kay Luz.

Napahinto si Luz sa tangkang magtungo sa banyo bitbit ang bathrobe at pinkish-white na night gown. She turned to face him.

"It's a hassle. I shouldn't have gone."

"Why is that?" Concern was in his eyes.

Luz sighed helplessly. She was really good at keeping Ronaldo at his toes, wrapped perfectly around by her delicate fingers.

"Ang layo ng expectation ko sa luxury bag na ipinakita sa akin. Upon close inspection, napansin ko na nagbabakbak ang leather sa ilalim! Natagalan pa ako roon dahil nakipagtalo pa ang seller na iyon sa akin. She kept on insisting na dahil sa pagkaka-store sa stock room. Na hindi nababakbak na leather iyon kundi nagpa-powder lang which is actually the same thing! Right?"

Ronaldo nodded once.

"Kapag nagpa-powder, 'di ba, ibig sabihin, nagbabakbak? Iyong nakita ko nga lang, hindi siya powdery pero grabe, nagbabakbak talaga. Kaya siguro gabi nakipag-meet up, at sa isang low-light ambianced restaurant pa! Akala niya siguro, matandang gurang na ako na hindi mapapansing defective ang bag niya! Oh, I was almost tempted to peel it off with my nails to prove my point, kaya lang baka idahilan pa ng seller na sinira ko ang bag para mapilit akong bilhin!" Her face softly frowned. "Oh, Ronaldo, if you only knew!"

As usual, her husband chose to remain composed. Ayaw nitong sinasabayan ang pagiging emosyonal ni Luz, dahil ang mindset nito ay sa ganitong mga panahon, dapat ito maging mas matatag para masandalan ng asawa.

"Should I brew you some chamomile tea? Or red ginger tea?" Ronaldo gently offered.

"I don't want to disturb you from reading that book, dear," she smiled sweetly at him. "Itawag mo na lang sa phone sa maid's quarters para katulong na ang mag-akyat ng chamomile tea ko rito."

"Okay. I'll tell them to make you a teapot full of chamomile tea," he smiled gently. "Go and get your night bath, para mabawasan na ang stress mo."

Nagningning ang appreciation sa mga mata ng ginang. "Thank you."

Pagpasok ng banyo, isinara ni Luz ang pinto. Inilapag niya sa gilid ng bathtub ang bathrobe, at ang bihisan naman ay sa dulo ng counter kung nasaan ang lavatory at salamin.

Her night bath takes more effort compared to other people's. Pupunuin muna ng mainit na tubig ang bathtub. Habang bukas pa ang gripo, inihahanda na ni Luz ang skincare set na gilid ng lavatory. Then, she would start using wipes to clean her face from any make-up. Pagkatapos, babalik ito sa tapat ng bathtub. Kapag puno na ito ng tubig ay papatakan na ng essential oils. Para sa gabing ito pinaghalo ni Luz ang lavender at bergamot para maging mahimbing ang tulog mamaya.

Through Secrets UnveiledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon