IT was already April 23rd, Stacey's birthday. Ipinaghanda siya ng breakfast at cake ng sariling ama. Binati siya sa video call ng malalapit niyang mga kaibigan. Subalit hindi sapat ang mga iyon.
She was supposed to celebrate this special day with Renante. They were supposed to stroll around Ireland. Her boyfriend was supposed to give her a birthday surprise . . .
Kaya kahit labag sa loob ni Derrick, kinulit niya ito na dalhin siya sa ospital. She has to see Renante, unconscious or not.
Pagdating ng ospital, napag-alaman niyang inilipat na si Renante sa isang pribadong hospital room. Ibig sabihin, na-operahan na ito. Walang mapagsidlan ang kanyang tuwa. Nasa pribadong silid ang lalaki na nagbibigay hudyat sa kanya na nalagpasan nito ang operasyon at nagpapagaling na lang.
"Slow down!" mahigpit na saway sa kanya ni Derrick. "Nagpapagaling ka pa!"
Hindi niya nilingon ang ama, pero nakinig siya rito. Tinigil ni Stacey ang pagtakbo kahit mabagal iyon dahil hindi pa kaya ng kanyang katawan. This time, she walked slowly. Mas lalong tumindi tuloy ang pagtahip sa kanyang dibdib.
Hindi niya alam kung bakit niya kailangang kabahan. Hindi naman alam ni Ronnie ang tungkol sa masalimuot na kinahinatnan ng magiging anak sana nila ni Renante. Kaya wala pa siyang dapat na ikatakot sa pagkakataong ito. In fact, she can still keep their child's death a secret in order to make Renante's recovery period easier for him. Noong papunta pa lang sila ni Derrick sa ospital, napagpasyahan ni Stacey na sasabihin na lang ang nangyari kapag na-discharge na si Renante. Siguro naman, emotionally ready na siya pagdating ng mga oras na iyon.
Stacey stopped in front of the door. Pinasadahan niya ito ng tingin para siguraduhing nasa tamang silid siya. It has a small rectangular, glass window on its door, so she peeked through it. Nagulat naman siya nang sumalubong agad ang mukha ni Ronnie. Napaatras siya nang buksan nito ang pinto.
"Stacey," kunot-noo nitong bungad sa kanya.
She scanned Ronnie. He wore this white, collared polo shirt with short sleeves and made of cotton. He paired it with pale coffee-colored slacks. His hair was trimmed shorter compared to its length the last time she saw him.
Out of tension, she unconsciously pulled her windbreaker jacket closer to her chest. Nakabukas kasi ang zipper niyon at tila gininaw siya nang wala sa oras.
"How's Renante?" she asked.
He took in a deep breath without breaking this serious eye-contact with her. "Successful ang operation."
Stacey craned her neck to look past Ronnie's shoulder. Nakita niyang nakahiga lang sa kama si Renante at nakapikit ang mga mata. May nakakabit pa rin na dextrose sa kamay nito. A blanket covered him from the waist down too.
"I know." Ibinalik niya ang tingin sa lalaki. "Can I see him?"
Kahit mukhang taong-bato si Ronnie na walang emosyon, may naaninag si Stacey sa hesitasyon dito. He did not quickly budge when she said she wanted to enter the room. He stared at her, as if he was still trying to decide whether to let her in or not.
"Ronnie?" pukaw niya rito.
He did not utter a word. He just stepped aside. Nagmamadaling lumapit si Stacey sa gilid ng kama ni Renante. Umupo siya sa gilid nito at hinawakan ang isa nitong kamay, iyong hindi nakakabit sa dextrose, siyempre. Saglit siyang napasinghap. She felt like Renante's hand jerked a bit when she held it. Para bang nagulat ito. Nagpalipat-lipat tuloy ang tingin niya sa kamay at mukha ng lalaki.
Naghintay siyang idilat nito ang mga mata. Kung gumalaw kasi ang kamay nito, baka pagising na ito. She waited and waited, but what she was hoping for did not happen.
BINABASA MO ANG
Through Secrets Unveiled
Ficción General[ Manila's Finest Series # 3] [ Wattpad Version ] ••• Rated SPG - R18+ When revelation comes, denial follows.