STACEY WAS TAKING SO LONG. Sa veranda nagtipon ang lahat pagkatapos ng dinner, nagsisimula nang mapasarap ang lahat sa kwentuhan na may kasamang pag-inom ng kaunting wine. Pero hindi pa rin bumabalik si Stacey mula nang magpaalam itong makikigamit ng banyo.
No one seemed aware of that. Only Renante. He stood behind where Luz was seated, staring at the wine glass left untouched on the table.
Nasa kalagitnaan si Ronaldo ng pagbibida tungkol sa kasalukuyang estado ng kompanya nila, ang Villaluz Steel and Metalworks, Inc. Kung paano nito na-survive nitong nakaraang mga buwan ang economic crisis na dinanas ng bansa dahil sa nangyaring pandemic. Renante impatiently glanced every minute at the living room. Doon kasi dadaan si Stacey kung sakaling pabalik na ito sa veranda.
Ronnie, who was at the other side of the table, beside Paige's seat noticed him.
"Kanina ka pa lingon nang lingon, Renante."
Napatingin tuloy siya rito tulad ng pagtutok ng tingin ng lahat sa kanya.
"Stacey is taking too long," aniya sa mga ito.
Luz turned from her seat to see him. Nakatalikod kasi ito kanina sa kanya ng pagkakaupo dahil pumuwesto si Renante sa likuran ng kinauupuan nito.
"I noticed too. Go check on her," malumanay na suhestiyon ng ginang.
Nilapag ni Renante ang kanyang wine glass, na halos ubos na ang laman, katabi ng baso ni Stacey.
He immediately went to the nearest toilet room, the one near the dining room. May makitid iyon na daanan bago marating ang pinid nitong pinto sa kaliwa niya.
Renante tested the doorknob and confirmed it was locked. Ibig sabihin, may tao pa sa loob. He gently knocked.
"Stace?" He waited but no response. "Stace?"
Natagalan siya sa sagot nito kaya pinihit-pihit niya ulit ang pinto. Naka-lock pa rin talaga. Dinikit na ni Renante ang tainga sa dahon ng pinto.
"Stacey, are you okay?" mahinahon niyang tawag dito.
Naghintay siya. Mga ilang minuto rin iyon bago nag-click ang seradura ng pinto. Mula sa pagkakasandal ni Renante sa kabilang pader, tumuwid siya ng tayo at sinalubong ang paglabas ni Stacey mula sa banyo. She held her pouch with one hand.
Kaka-retouch lang ng babae ng make-up, but he did not fail to notice how her eyes slightly swelled. His stare fell down to her bright red quivering lips.
"What happened?" dala niya sa dalaga sa kanyang mga braso. He wanted to embrace her, but that might make her feel suffocated. So he just kept his arms open while wrapped on Stacey's sides.
"What 'What happened?, Renante?" nakangiting tingala nito sa kanya. "I'm fine."
Tinitigan niya ito. Hindi talaga siya kumbinsido. Stacey looked like she just came from a heavy session of crying, bawled her eyes out. It must be a very emotional moment too, because she was so good with make-up, but failed to effectively cover up the reddening of her nose.
"Stacey, what have we talked about 'lying'?"
Hinigpitan niya ang tono, pero may kalakip pa rin iyon na pag-unawa. Ayaw niyang isipin ni Stacey na galit siya dahil hindi naman. In fact, he was worried above anything else.
"Yeah," nanghihinang baba nito ng tingin at humiwalay na sa kanya. "What have we talked about 'lying'?"
Nakonsensya siya.
"I'm sorry, I don't mean to make you feel pressured," habol niya nang mauna sa paglakad si Stacey sa makitid na pasilyo. Nanatili siya sa likuran nito dahil hindi sila magkakasya kung sasabayan ito sa paglalakad. "Alam ko na hindi ganoon kadaling baguhin ang nakasanayan mo na, ang naging defense mechanism mo na... But you can still lie to anyone for your own peace of mind."
BINABASA MO ANG
Through Secrets Unveiled
Ficción General[ Manila's Finest Series # 3] [ Wattpad Version ] ••• Rated SPG - R18+ When revelation comes, denial follows.