Chapter Forty-Six - Relation of Worth to Forgiveness

1.6K 49 3
                                        

STACEY GOT STUCK in a traffic. Dala ng pagkabagot kaya naman sinilip niya ang cell phone na nasa holder nito katapat ng digital car stereo. She has unanswered messeges so she checked them out. Bumungad sa kanya ang text message ng kanyang ina na nagsasabing next week na ang flight nito papuntang Budapest. She did not reply to it. Instead, she checked out Kylie's text message.

Kylie:

Stacey, what time can I call you?

Napatitig siya sa text message nito. Bakit kaya gusto siya nitong tawagan? May emergency ba? Kailangan ba nito ng tulong niya? Hindi lang inaasahan ni Stacey na kakausapin siya sa pagkakataong ito ni Kylie dahil may kasunduan sila na medyo iiwasan siya nito...

Napaawang ang mga labi niya nang maalala ang sinabi sa kanya ni Renante nitong Linggo lang.

"I only called Kylie because you said, you are going to be with her last night. Right?"

Nanlaki ang mga mata niya lalo na nang sunod niyang maalala ang pagsundo sa kanya ni Piccollo sa Port Vivienne!

Nasira ko ba ang diskarte ni Kylie para sa gabing iyon? kinakabahang alis niya ng mga mata sa cell phone screen para tumitig sa kawalan.

She replied to Kylie. Sinabi niya na pwede siya nitong tawagan mamayang gabi. Hindi siya nagdalawang-isip dahil mag-isa na lang naman siyang nakatira sa bungalow. Kahit abutin pa sila ng magdamag sa kakausap, pwedeng-pwede.

When the traffic eased up, Stacey drove her car. It was already eleven in the morning when she arrived at Gallardo's. Sanay na sina Marleen na ganitong oras na siya nakararating tuwing Monday dahil sa bagong in-implement ni Renante na morning meeting sa araw na ito. Hindi muna siya nag-ikot-ikot sa factory para mag-ocular inspection. Sa halip, nanatili sila ni Marlene sa opisina nito. Doon siya in-update nito tungkol sa progress ng mga wristwatch bands, lalo na iyong para sa Rosa Cobra na kailangan na nilang mapilian ng prototype na ipaa-approve kay Renante bago tuluyang i-mass produce.

Then, Marlene invited her to join her for lunch. Hindi pa sila nakalalabas ng opisina nito ay tumawag na sa office telephone nito si Cherry. Hinanap siya ng assistant ni Pierre at tinanong kung pwedeng sabayan niya ito sa pagla-lunch. She agreed under one condition—to let Marlene join them as well. Walang pagdadalawang-isip naman na pumayag ito ayon sa nagsasalita para rito sa telepono na si Cherry.

All of them headed to the nearby shopping centre. Restaurants lined up and they chose one that served Mexican food. They occupied bar couches that faced one another. Magkatabi sa isa sa mga ito sina Pierre at Cherry. At ang katabi naman ni Stacey sa upuan ay si Marlene. Magkaharap sina Marlene at Cherry. Ang katapat naman niya ay si Pierre.

As usual, Pierre donned a standout look—laid down black hair with blond-dyed tips styled into a mid-part, a collared white button-down shirt with colorful birds printed on it tucked in his bell-bottom white pants, and a pair of shiny brown leather shoes.

Habang nagtatanghalian, trabaho pa rin ang pinag-usapan nila. At nang matapos sila, naunang lumabas mula sa restaurant sina Cherry at Marlene. Sa tingin niya, bago pa sila lumabas para kumain ay napagplanuhan na nina Pierre at Cherry ang gagawin. Paano kasi, niyaya ni Cherry si Marlene na samahan ito sa convenience store para mamili raw ng babaunin nito sa office na drinks. Tahimik na pumayag naman si Marlene kaya silang dalawa na lang ni Pierre ang magkasama na tinungo ang mga sasakyan nila na magkatabi sa paradahan.

Alerto namang lumabas mula sa loob ng kotse ang bodyguard-slash-driver ni Pierre para pagbuksan ito ng pinto sa back seat. Pierre just raised a hand to signal for him to keep distance and wait. Nanatiling nakapako ang lalaki sa tabi ng kotse ni Pierre pagkasara uli nito sa pinto nito.

Through Secrets UnveiledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon