Chapter Twenty-Three - Rosa Cobra

2K 35 1
                                        

PINAUNA NI STACEY SA PILA SI PAIGE. Matapos nito um-order, dumiretso na ito sa isang bilugang mesa na pang-dalawahang tao, katabi ng isa sa mga pader ng café.

           Stacey made a to-go order— a sandwhich and take-out coffee cup. Hindi niya kasi masasabi kung biglaang kailanganing bumalik agad ng VVatch. Mabuti na ang sigurado.

           She tucked the folder and pink wallet bag under one arm. She held the cup with one hand and the other, her sandwich wrapped with wax paper.

           Tamang-tama. Komportable na si Paige sa upuan nito nang madatnan niya. Naka-stand na rin gamit ang leather cover nito ang dalang tablet. Naka-set up na sa mesa ang tall cup ng kape nito, at naka-platitong mocha cake slice. Stacey set down her cup on the other side of the round table. Tinabi niya roon ang folder na napapatungan ng kanyang wallet bag.

           Napataas ng tingin mula sa tablet nito si Paige. Salubong ang mga kilay na pinanood ang pag-ayos niya ng upo sa high chair ng bilugang mesa na iyon.

           Stacey pulled a smirk, meeting Paige’s irritated and puzzled stare.

           “Are you monitoring me? Then, what? You’ll tell the HR that I am strolling around instead of working my ass off?” anas nito sa mababang tono.

           “Why would I do that? Kung pareho tayo ng ginagawa ngayon?” unti-unti niyang tinanggal ang wax paper sa bandang itaas ng kanyang sandwich. Nang dumungaw ang dulo ng sandwhich, lalong nagkalat ang malinamnamn nitong amoy.

           Stacey took a bite, stole a glance back at Paige’s bewildered eyes before she bit off a piece of the sandwhich. Yumuko siya habang ngumunguya para damputin ang cup at sumimsim ng kaunting chocolate coffee.

           “I left the office to have some alone time and here I am,” Paige shook her head and swiped on the tablet’s screen.

           Nakapangalawang kagat na ng sandwich si Stacey pero kapansin-pansing hindi pa rin ginagalaw ni Paige ang pagkain at inumin nito.

           So, she took a break just to… do her other work? Stacey wondered, observing Paige. Inaasikaso kaya niya ang YouTube channel niya ngayon? Ang socials niya?

             “What?” irap ni Paige. She was obviously not comfortable at her company.

           Nilipat ni Stacey sa dulo ng mesa ang kanyang wallet bag. Binuklat niya gamit ang isang kamay ang folder at tuminto nang mapunta sa pahina ng disenyong gustong-gusto niya.

           “I like this design a lot,” sulyap niya kay Paige.

           Bagot na bumagsak sa pahina ng designs ang mga mata ng babae. Her eyes slightly widened, but her lips remained into its usual frown.

           “Oh, that,” she scoffed, then returned her eyes on hers. “What about the Rosa Cobra?”

           Binalik niya ang tingin sa disenyo. At saka lang napagtuunan ni Stacey ng pansin ang hulma sa bandang leeg hanggang ulo ng ahas. Pang-cobra nga.

           “What’s your inspiration for this design? Hindi kasi naka-indicate dito. Paano makaka-come up ng strategy ang marketing without a little info like that?”

           “That’s not Renante’s style.”

           Napaawang saglit ang mga labi niya. “What do you mean?”

           “Business is just business for him. Hindi na niya inaalam ‘yong mga inspiration-inspiration na ‘yan.”

           Binalik ni Stacey ang tingin sa disenyong nasa folder na kanyang hawak.

Through Secrets UnveiledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon