IT was nine in the morning. A group of women entered the airport—Stacey, Fritzie, Sondra, Kylie, and Cynthia. Medyo maingay ang kanilang mga yabag dahil sa pagmamadali. May pagkataranta rin sa kanilang mga mukha. They slowed down as they neared the waiting area. Abot-tanaw ng grupo nina Stacey ang mga puting bakal na bench nang huminto sila. Napunta ang tingin ng apat kay Fritzie na tsinek ang suot nitong rose gold watch. Lahat sila ay humihingal dahil sa paglakad-takbo nila mula sa pinaradahan ng kanilang mga sasakyan hanggang makapasok sa loob ng airport.
Masayang nag-angat ng tingin si Fritzie sa kanila. "I have one more hour."
Halos sabay-sabay silang nakahinga nang maluwag. Napatingala pa ang ilan na tila nagpapasalamat sa Diyos sa narinig. Inakbayan ni Stacey si Fritzie at mahinang tinapik-tapik sa likod.
"I guess, this is it. Have a safe trip to Sweden," aniya rito bago isinandig ang ulo sa balikat nito.
They huddled together for a tight group hug. Fritzie tried her best to raise her head that was slightly getting buried by her friends'. All of them were smiling, half-nervous too for their friend. They spent the overnight at Fritzie's condominium unit last night. They planned to sleep early for the sake of her flight today. Pero sa halip makatulog ng maaga, inabot sila ng hatinggabi sa pagkukuwentuhan. Sa kuwentuhang iyon lang din nila nalamang isang importanteng modeling opportunity ang pupuntahan doon ni Fritzie, at mas kinakabahan sila para roon. Fritzie was going to meet a Sweden-based half-Filipino fashion designer. Isa kasi si Fritize sa isasama nitong modelo para sa launching ng ikatlong collection nito sa Milan, Italy. It made Fritzie nervous, because it will be the first time for her to meet the fashion designer. Paano kung magbago bigla ang isip nito sa kanya kapag personal na silang nagkita?
Stacey and all their friends assured Fritzie that everything will be alright. Sinagot ng fashion designer ang flight expenses nito. That must mean, there will be no turning back with her being picked as one of the runway models for his latest collection. Ngunit mas tumindi ang kaba ni Fritzie para sa modeling opportunity nang magising sila ng late. Mabuti na lang at bago ang araw ng flight ay maayos na ang mga gamit nito. Kaya nang magising si Kylie ng alas-siyete, ginising sila nito para kumilos na.
Isa-isa na silang humiwalay mula sa kanilang group hug. Fritzie looked at each one of their faces. Her lips quivered while smiling at them.
"Thank you, girls."
Ilang minuto pa at isa-isa na ring nagpaalam ang mga kaibigan ni Stacey. Huling nagpaalam si Kylie bago siya nito tinapik sa braso para bulungan.
"Hihintayin ka namin sa labas." Nang lingunin niya ito ay sumalubong sa kanya ang makahulugan nitong ngiti.
Dahil sa pagkakangiti ng kaibigan, naalala ni Stacey ang kanyang agenda para sa pag-o-overnight sa condo ni Fritzie. Lahat ng mga kaibigan niya ay naka-heart-to-heart talk na niya. Ang natitira na lang ay si Fritzie mismo.
Tinanaw ni Stacey ang paglayo ni Kylie. Kinawayan naman ito ni Fritzie bago siya nito nilingon.
"Ano'ng binulong n'on? Ha?" nanunukso nitong tanong habang nakangisi sa kanya.
Stacey chuckled. "Sinabi lang niya na hihintayin niya ako sa kotse."
"O, bakit paghihintayin mo pa si Kylie? May gusto ka bang sabihin sa akin o . . . sasamahan mo ba ako rito hanggang maka-board ako?"
She smiled. "First, let's grab you a seat."
Fritzie—who wore her hair in a bun and put on a comfortable pair of jeans and fitting pink shirt under a mocha-colored leather coat—shrugged and pulled her big, shiny, silver travelling bag. Tinungo nila ang ikatlong row ng mga mahahabang upuan. Inupuan ni Fritzie ang bakanteng puwesto na malapit sa aisle at kinandong muna ang sukbit nito kanina na shoulder bag. Mas pinili naman ni Stacey ang mag-squat sa harapan nito. Ipinatong niya ang mga kamay sa ibabaw ng maleta ni Fritzie.
BINABASA MO ANG
Through Secrets Unveiled
General Fiction[ Manila's Finest Series # 3] [ Wattpad Version ] ••• Rated SPG - R18+ When revelation comes, denial follows.